Chapter 2

13 0 0
                                    


"Hon! "

Naluluhang yumakap ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya at kumawala sa yakap.

"Hon" nakangiting sabi ko at nginitian niya naman ako pabalik. Azriel Morales boyfriend ko sa loob ng 3 years. Legal kami at gusto siya ng parents ko except sa kuya ko. Si Azriel ang ideal boyfriend ko sa totoo lang mabait, gentleman, at may respeto sa babae yan ang gusto ko kay Azriel dahil may respeto siya, hindi niya ako tinanong about sa mga kalokang bagay. Hindi ko na siguro siya kayang pakawalan pa bakit ko pa siya pakakawalan eh siya ang alas at buhay ko.

"tignan mo nga naman ang mga kabataan ngayon....ang babata pa pero may nobyo't nobya na"pagpapadinig ng Chairman nila kaya inis na tinignan ko siya.

"wh---"

"excuse me"parang namamanghang sabi ni Azriel kaya hinawakan ko ang braso niya. Nilingon niya ako at binigyan ng matamis na ngiti at bumaling ulit sa matanda"kung wala na po kayong magandang sasabihin ay aalis na po kami"sarkastikong sabi ni Azriel at hinila ako palabas doon sa police station."Hon are you okay? Why didn't you call me or text"seryosong sabi niya at napayuko naman ako"hinihintay mo ang parents mo na kunin ka?.... Hon.... Alam mo naman sila diba so kapag may ganitong nangyari ako nalang ang tawagan mo....dahil..... Hindi mo maaasahan ang family mo pagdating sa ganito"

"alam ko nagbabakasakali lang naman"mahinang sabi ko. Pakatapos noon ay sumakay na kami sa koste niya at pumunta sa bahay ni helmsen para magbreakfast hindi pa kasi kami nagbrebreakfast alam niyo na galing kami sa police station.

"nandito na sina Mane at Azriel!!! "dinig kong sigaw ni Shane kaya napangiti ako. Pagpasok sa bahay nakita ko agad sina Asuna, Shane at Czerel. Paniguradong nagluluto pa si Helmsen.

"kainan na! "nakangiting sabi ni Helmsen na kakahubad palang ng apron at binuhat si Asuna pabalik sa dining area. Namula naman agad si Asuna.

"gusto mo buhatin din kita babe"malambing na sabi ni Czerel at kinarga si Shane. Gaya nina Asuna at Helmsen ay bridal carry rin ang ginawa ni Czerel. Nilingon ko si Azriel na nakatingin na pala sa'kin.

"gusto mo buhatin din kita hon"malambing ring sabi ni Azriel at namula naman ako. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at naunang naglakad.

"wag na kaya kung maglakad alam mo naman na ayokong napapagod ka hon... Ayokong napapagod ang taong mahal ko"nakangiting usal ko at naramdaman ko naman ang pagakbay niya sakin.

"pero gusto mong buhatin kita? "pang-aasar niya at namula ako ng todo na nagmumukha na akong kamatis.

"ang ingay mo"

"kinikilig ka no? "

"tss... Hindi kaya"

"nako ang tagal na natin hon kinikilig ka parin sa ganyan ko hindi ka na nasanay "

LOVE THAT STRUGGLESWhere stories live. Discover now