Untold 1

149 4 0
                                    

JUNE 2020

"Architect Summer Gonzales!"

"Sam? Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Pat. Agad naman akong natauhan dahil sa sinabi niya. "O-okay lang ako, Pat."

Si Patricia Bartolome o si Pat ay ang aking best friend simula pa nung elementary. Siya ay may mahabang buhok, morena, may maliit na mga mata na nawawala sa tuwing tumatawa, may matangos na ilong, manipis na labi, balingkinitan ang katawan at may height na 5'3.

"Architect Summer Gonzales?" Muling pag tawag ng emcee na nasa stage.

"Huy! tawag ka na bes!" Pagsiko sa'kin ni Pat. Agad naman akong napatayo at dali-daling umakyat sa stage.

"Ladies and Gentlemen! The prominent architect who has designed this luxurious art gallery and museum from an old school cafeteria, making way for artists and sculptors to show case their works of art to the world, she's a graduate of Architecture in Canada and at the age of 22, she became a top notcher in the board exam and became a successful architect. Once again, let's give our hands to Architect Summer Gonzales!"

Hindi parin ako makapaniwalang nandito kami ngayon sa art gallery.

Malaki ang istraktura nito at meron itong tatlong palapag. Sa unang palapag, makikita mo ang napakagarang lobby, sa tabi naman neto makikita mo ang maliit na coffee shop kung saan maraming nakikitambay, yung iba kumakain... yung iba naman nakikiwifi lang.

Sa gilid ng coffee shop matatagpuan ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag. Dito matatagpuan ang mga iba't ibang klase ng artworks na gawa ng mga sikat na painters. Bawat parte ng palapag na ito ay may iba't ibang disenyo at napapalibutan ng iba't ibang paintings na nagbibigay saya sa mga tao.

Sa huling palapag o sa pangatlong palapag naman matatagpuan ang mga iba't ibang sculptures at statues na gawa din ng mga kilalang sculptors. Mula third floor ay may daan papuntang roof deck kung saan matatagpuan ang isang zen garden na puno ng iba't ibang uri ng flowering plants.

Naaalala ko pa noon, first year high school palang ako gusto ko na talaga maging architect. Kapag wala akong magawa, panay drawing at pagsusulat ang lagi kong inaatupag. Ewan ko ba, nawawala ang pagod at stress ko kapag nagd-drawing ako. Napagalitan pa nga ako noon ni mama dahil mahilig ako mag drawing sa pader ng kwarto ko.

Summer Gonzales ang pangalan ko at Sam naman ang palayaw ko. Summer ang ipinangalan sa'kin ni mama at papa dahil summer season ako ipinanganak. Simple lang naman ako, may mahabang buhok na may natural curls, morena, brown doe eyes, cute na ilong, pinkish na pisngi, natural na mapulang labi, balingkinitan ang katawan at may height na 5 flat.

-

Sa aking pag tayo sa maliit na stage, ay natatanaw ko ang aking pamilya;

Si papa na may edad na 53 at ngayon ay vice president na ng real estate na kanyang pinapasukan.

Si mama naman na may edad na 50 at namamahala ng flower shops sa may Dangwa, QC, Pasig, at Mandaluyong.

Kasama rin nila mama at papa ang aking mas batang kapatid na si Winter Noel, Winter ang pangalan niya dahil christmas siya ipinanganak. Siya ay 20 years old na ngayon at nag aaral ng Civil Engineering at may planong sumunod sa yapak ni papa.

"Magandang umaga po sa inyong lahat, ako po ay nagagalak na nabigyan ng napakalaking oportunidad na maidesensyo ang art gallery na ito. Kung hindi niyo po naitatanong, espesyal sa akin ang lugar na ito. Sapagkat napakaraming memories ang nabuo sa lugar na ito..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang pumasok sa isip ko ang ilang masasayang ala-ala nung ako ay high school pa na nakapag pangiti sa akin. Pero agad rin itong nawala nang biglang pumasok sa isipan ko ang mapait na ala-ala nang huli naming pagkikita ni...

"Muli maraming salamat po sainyong lahat at ienjoy na po natin ang buong art gallery." Nagpalakpakan ang mga dumalo sa launch ng M&G Art Gallery.

Nagikot-ikot kami ni Pat upang tignan ang iba't ibang art works na nandito sa gallery, karamihan sa mga artists at sculptors ay ngayon ko palang nakikilala. Pagkatapos namin lumibot sa second floor ay umakyat kami sa third floor upang makita ang mga sculptures doon.

Maraming magagandang art pieces ang mga nandito. "Summer, look, parang may pinagkakaguluhan dun yung mga tao, tara icheck natin" naeexcite na sabi ni Pat. Napakunot naman ang aking noo dahil hindi ko alam kung anong meron doon. Sumunod nalang ako kay Pat upang malaman kung ano ang kaguluhan na nangyayari doon dahil gusto ko rin naman malaman HEHEHE!

Habang papalapit kami, nakita namin ang pagkamangha ng mga tao sa isang art piece na nasa sulok ng silid.

"Napakaganda ng pagkakalilok!"

"Mahusay ang pagkakagawa"

"Napakaganda ng mukha"

"Parang pamilyar ang mukha nung sirena."

Bigla akong napahawak sa aking dibdib at waring kinabahan ng marinig ko ang salitang 'sirena'. Parang biglang bumagal ang aking paglalakad dahil sa matinding kaba na aking nararamdaman.

Nang makarating ako sa harapan ng sculpture, laking gulat ko ng makita ang sirena...

KAMUKHA KO SIYA!

Agad kong tinignan ang label na nakasulat sa ibaba ng artwork, at napaatras ng mabasa ko ang nakasulat dito.

My Summer.

Napahawak ako sa pendant na suot ko dahil sa mas malalang kaba na nararamdaman ko ngayon. Babasahin ko palang kung sino ang may likha ng sculpture ng may biglang nagsalita mula sa aking likuran.

"Hello Sam!"

Para akong naistatwa ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong lumingon at laking gulat ko ng makita ko si...

-

"All I want to do is find my way back into love."

Way back into love
Music and Lyrcis

A Story UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon