Meron akong boyfriend, his name is Bryle. 3years na kami together. Sobrang mahal ko si siya. Sa sobrang pagmamahal ko sakanya naging kampante ako at hindi ko na napansin na niloloko niya na pala ko.
Pero hindi naman ako selfish para ipilit pa yung gusto ko. Kahit mahal ko siya handa na kong bitawan siya.
***
"Sam Maghiwalay na tayo."
"Love joke ba yan? Kasi kung oo hindi nakakatuwa."
"Sam seryoso ako. Buntis si Trisha. At ako ang ama ng pinagbubuntis niya."
'Dahil sa sinabing yon ni Bryle hindi ko na napigilang umiyak.'
"Sam wag ka namang umiyak. Ayokong makita kang ganyan. Please. Patawarin mo ko. Hindi ko sinasadya yung nangyari."
"HAHAHAHAHAHAHA".
'Halatang gulat na gulat siya sa biglang pagtawa ko. Well sino nga ba naman ang hindi kung makakita ka ng babaeng umiiyak tapos bigla nalang tatawa.'
"E ang kapal rin pala ng mukha mo e no? Wag ako umiyak? Hahaha Pakshet ka Bryle. Gagawa ka ng katarantaduhan tapos sasabihin mo hindi mo sinasadya at ngayon wag ako umiyak. Grabe ka Bryle."
"Sorry Sam. Mahal kita. Mahal na mahal. Hindi ko talaga sinasadya."
"Naririnig mo ba yung sarili mo Bryle? Mahal mo ko pero niloko mo ko at alam mo kung anong pinakamasakit? Yung nabuntis mo ay yung taong pinagseselosan ko pero ang sabi mo tropa lang yon. At dahil ako tong si Tanga na sobrang mahal ka e naniwala sayo. Kapal mo Bryle."
"Di ko ginusto yon Sam maniwala ka".
"Hahaha p*t*ng*na naman Bryle ginagawa mo pa kong tanga. Oo non tanga ko nagbubulagbulagan sa lahat ng pinag gagagawa mo pero ngayon tapos na to. Tutal sabi mo naman maghiwalay na tayo. Well pinapalaya na kita. Magsama kayo ng Trisha mo. Tama ang desisyon mong makipaghiwalay sakin Bryle. Hindi totoong mahal mo ko. Kasi kung totoo yon hindi ka gagawa ng makakasakit sa kalooban ko at mas lalong di ka gagawa ng ikakasira ng relasyon natin. So pano Bryle I guess this is Goodbye. Hahaha. Wag ka mag alala sakin kakayanin kong mag-isa. Pipilitin kong magmove on sayo. At magmove on sa tatlong taon nating pinagsamahan. Mahalin mo siya Bryle at maging mabuti kang ama sa magiging baby niyo. Iloveyousomuch Bryle for the last time. Take care as always. Goodbye."
***
NOTE: Kung magloloko ka, piliin mo yung pangalawa. Bakit? Kasi di mo naman gagawin yon kung mahal mo talaga yung Una.
*THE END*
