Kabanata 12

87 72 3
                                    

"Ano bang ikinagagalit mo? Huh? Napakainit ng ulo mo eh kanina pa." Sabi ko sa kaniya dahil kanina pa ako salubong ang kilay niya.

"Nothing." Tipid niyang sagot.

Tingnan mo 'to. Nagagalit ng walang dahilan. May sayad na nga talaga 'tong bampirang ito.

"Bahala ka diyan. Ano bang kailangan mo kaya sinundan mo pa kami?"

"Go with Hans after breakfast." Sabi niya at iniwan akong nakanganga sa hallway.

'Yon lang?

Natapos ang almusal na iniisip ko pa rin 'yong sinabi sa akin ni Zed. Ang labo namang kausap ng lalaking iyon. Pati siya malabo.

Para makasiguro, hinanap ko si Hans. Bigla na lang kasing nawala noong naghuhugas ako ng plato eh.

Naglalakad ako ngayon papunta sa lugar na palagi niyang pinupuntahan. Garden of Honey. Paano ko nalaman? Sinabi sa akin ni Don noon na mahilig daw si Hans sa mga bulaklak kaya gumawa siya ng sarili niyang hardin at siya rin ang nangangalaga. According to Dob, ayaw niyang may ibang pumapasok sa pagmamay-ari niya kung wala kang pahintulot sa kaniya.

"Hans?" Tawag ko sa kaniya nang makarating ako sa harap ng GOH, short for Garden of Honey.

Ito pala ang hardin ni Hans. Sobrang ganda. May arko na puro kulay pulang bulaklak ang design. Katabi nito ang mga naglalakihang mga puno ng mansanas na may mga bunga, kulay pula ang mga ito at siguradong matatamis. Kumakalam tuloy ang sikmura ko.

Nang pumasok ako sa loob ay mayroong may pathway na gawa sa kahoy at may mga kulay pula ring tulips sa paligid nito. Sa dulo naman ay may parang lawa na pinapalibutan din ng mga tulips at iba pang kulay pulang bulaklak. Sa gitna ng lawa ay may maliit na fountain. Tuluyan akong pumasok para makita ko ang kabuuan ng GOH. Mayroon din palang mga kulay pulang rosas, paborito niya. May dalawang puno sa dalawang gilid ng lawa at iyon ay pinapalibutan ng napakaraming rosas.

Naka-apat na hakbang na ako nang may biglang isang maliit na kutsilyo ang pumaikot ikot sa ere hanggang sa tumama iyon sa punong nasa kanan ko.

Napasinghap ako at napahawak sa dibdib. Muntik na ako roon ah. Parang isang pulgada lang ang layo ng maliit na kutsilyong iyon. Mabuti na lang hindi ako ang tinamaan kahit hindi ako nakailag.

"Oh my God! Yazmin!" Agad bumaba sa isang puno ng mansanas si Hans. Buti naman at sanay na siyang umakyat at bumaba sa mga puno kahit dress ang suot niya.

Dali dali niya akong nilapitan para i-check.

"Are you okay? Tinamaan ka ba ng kutsilyo ko?" Sunod-sunod niyang tanong.

Umiling ako at saka siya nginitian.

"Ayos lang ako ano ka ba." Pinilit kong tumawa kahit kinakabahan pa rin ako dahil sa nangyari. Hinampas naman niya ako sa braso.

"Ikaw kasi eh bigla bigla kang pumapasok sa garden ko ng hindi man lang ako tinatawag. Akala ko tuloy kalaban." Aniya. Umiling iling naman ako at saka nilibot ng tingin sa loob ng GOH.

Mas lalo tuloy akong namangha sa taglay na ganda ng GOH. Kunsabagay maganda rin naman ang nangangalaga kaya maganda rin ang gawa niya. Ang sabi pa ni Dob ay sinimulan daw ni Hans itong gawin noong bata pa siya.

Hindi lang tulips at rosas ang bulaklak dito kundi marami ding iba't-iba ang klase.

"Bakit ka nga pala naparito? Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong na naman niya.

May bench din pala sa ilalim ng dalawang puno sa magkabilang gilid ng lawa at iyon ay pinapalibutan ng mga rosas.

"Hindi ko rin alam. Basta ang sabi kasi sa akin ni Zed na puntahan kita pagkatapos ng umagahan. Malay ko ba doon kung bakit niya ako pinapapunta sa'yo. Hindi man lang sinabi sa akin kung bakit." Saka ko lang siya nilingon.

Yazmin (COMPLETED)Where stories live. Discover now