Prologue

32 3 0
                                        

"...The total number of confirmed cases of COVID- 19 has increased to 64 which led the government into implementing 'Enhanced Community Quarantine' in---"

"Nako paniguradong magkakaubusan nanaman ng supplies sa supermarket. Ang dami nanamang mag- aaligaga sa pag bili ng mga basic necessities."

"Shhh Ma! Ang ingay hindi ko maintindihan ang balita" Pagsasaway ko sa kaniya. Palibhasa tapos na sya mag panic buying nung nakaraang linggo. Pero mabuti naman at hindi puro noodles dahil hindi man kami maapektuhan ng virus ay baka sakit sa bato naman ang makuha namin.

"... Furthermore, classes are suspended and companies are advised to implement 'work at home' policy"

Classes are suspended daw at panigurado bombarded kami ng mga online classes. Kawawa naman yung nga Senior Highschool students, they have been waiting for like 6 dreadful years just to set their foot on stage tapos biglang may eepal na virus. Batch 2020 is devastated awww.
Last na pagkikita na pala namin yun ng seatmate ko sana pala sinabihan ko na sya ng "dumbell ka gHorL?".

Huling kita ko na pala yun kay crush sana pala inuwi ko na sa bahay.

Ano nalang ang magiging buhay namin dito ni Mama? Magt-Tiktok? Gupitan ko kaya sya ng bangs yung katulad ng lead female sa kdrama na Tale of Nokdu?

Kawawa naman ang mga couples ngayon *evil laugh. Baka iba na pala ang ka video call ng partner nila HAHAHA Madami atang maghihiwalayan?

"Always wash your hand with not less than 20 seconds---"

"Narinig mo ba yun? Maghugas daw lagi ng kamay. Pero hindi lang dapat puro hugas ng kamay ha! Aba! Maligo ka rin! Hindi porket walang ganap eh hindi ka na maliligo at magt-toothbrush!"

"Ano ba 'yan Ma! Ang ingay mo! Oo na Ma maliligo ako at kailan ko ba nalimutan mag toothbrush?"

Oh kita mo 'tong babae na to hindi na ako pinansin. Ano nalang ang gagawin ko? Ubusin ang panaginip sa kakatulog? Maghanap ng memes na pwedeng i share?
Manuod ng vlogs o gumawa ng sariling vlog?

What will happen all throughout my ECQ life? Should I expect the unexpected?

Quarantined HeartsStories to obsess over. Discover now