Chapter 35 Love

Magsimula sa umpisa
                                    

"You look like Ms. Anya, Are you with Mr. Zamora?" tanong ulit sakin nung isa pang employee. Nginitian ko sila. 

"Wow. I guess you are. Are you a Filipino?" tanong ulit sakin. Nagnod ako ng ulo.

"Yun naman pala eh. Kami din. haha! Well, If you'll be our boss I think you'll be better than Ms. Anya coz she really is strict when it comes to business and she never get the chance to talk to us like you know friends. hehe... Oh well. you look alot like her except the hair color." sabi nung isang empleyado. Si Anya strict at hindi nakikipagfriends? Kasi ito yung dream niya para sa papa niya siguro ayaw niya lang masira. 

Dumating si Cade na may dalang flowers. :"""> tapos naririnig ko mga bulung bulungan nila na ang sweet daw ni Cade at ang swerte ko. 

"Everyone! This is Anika may girlfriend! Tell her that I love her so much and that were destined for each other..." sabi ni Cade sa kanila. Destined? Meaning mahal talaga ko ni Cade? ako na ang mahal ni Cade at hindi na si Anya? kinikilig na naman ako sa ginawa niya :""> 

Umalis na kami ng office tapos ay dumiretso na  sa hotel restaurant. Panatag na ko kay Cade kasi alam kong mahal niya ko. ako lang naman ang may kasalanan eh kung bakit ako naiinsecure kay Anya. 

Pagdating namin sa restaurant. Kumain na kami. 

"Cade kelan ka uuwi ng sure na uwi na?" tanong ko. 

"Kasabay ko si Mr. Lopez pauwi eh. But Ill make sure na on your birthday I'll be there." sabi niya habang hawak ang kamay ko. nakapngiti ako. 

"Thank you Cade. I love you " sabi ko sa kanya.

"I love you more. And regarding sa nawawala mong kapatid na si Marie, Ill do my best para mahanap siya." sabi niya naman. Napangiti ako.

"Yan ang boyfriend ko! Imba talaga! Hahaha!!" sabi ko sa kanya. natawa siya sa sinabi ko. 

"You really are something Anika. I promise you Ill make you remember everything. Thats why were destiny." sabi niya. nawala ng konti ang ngiti ko tapos ay may kumirot sa puso ko. Destiny? Ako nga ba talaga yon? Nagpilit na lang akong magsmile at nagchange topic na lang ako. 

Pagkatapos ng usapan namin ay pumunta kami sa hotel room ko. doon tumambay kami. 

Nanunuod kami ng tv tapos nung nilipat niya yung channel tungkol sa love yung show. 

"Cade?" 

"Hmmm..."

"What is Love?" out of nowhere kong tanong. Ito na naman ako sa random questions ko.

"Love is.... YOU." sabi niya sakin. napangiti ako.

"Wow ha. echusero ka! Liars go to hell. sagutin mo ng maayos." sabi ko sa kanya habang hinahampas siya ng unan.

"Ako pa ngayon ang liar ha. hindi ako liar no. Binibigyan ka ng sagot tapos ayaw mo. Ano gusto mong marinig sakin. Love is like a rosary full of mystery o Love moves in mysterious ways? Pwede ding Love is blind--" Di ko na siya pinatapos tawa ako ng tawa. Nakakatawa kasi itsura niya habang dinedefine yung Love haha!!!!! Itsura niya mukhang bitter na bitter. 

"Hoy tawa ka ng tawa diyan. Pinagtatawanan mo ba ko?...." Biglang niya kong niyakap at natumba ako sa kama. tapos niyakap niya ko na tipong hindi na ko makakapalag. >.< 

"Bakit mo ko tinatawanan." sabi niya with a sexy voice. Shizz. Ang hot. 

"Ha? Ahh.. Eh... K-kasi ano.. Nakakatawa lang naman yung definition mo. haha! Oo na ako na ang Love mo." pagkasabi ko non. hinalikan ko siya sa cheeks kaya nakakalas ako sa yakap niya. umayos na ko ng upo sa kama tapos ay sumandal na sa headboard. 

"So nakakalas na ko. haha!! Gulat ka no." sabi ko sa kanya ng pang-aasar. 

"Sus gusto mo lang ikiss ako. tss. pwede mo namang sabihin na lang diba?" sabi niya habang tumatabi siya sakin. humiga na siya sa lap ko. 

"Che! Feeling mo. akala mo ginusto ko yon. tss. Hindi no." sabi ko sa kanya with a disgust face.

"makareact parang hindi mo ko boyfriend ah. tss." sabi niya naman. 

Nagkaron ng katahimikan sa pagitan namin. 

"Anika..." sabi niya ng soft voice. nakakainlove.

"hmm.." sabi ko habang hinahaplos yung ulo niya. nakapikit na siya. 

"Ikaw what is Love?" tanong niya sakin. napangiti ako sa kanya. 

"Love? Love is.... my heart..." sabi ko habang nakatingin sa malayo. Napansin kong napamulat siya. 

"Your heart? bakit naman?" 

"Kasi sino bang laman ng puso ko diba ikaw? Ewan ko nga eh kung bakit ikaw yung nagoccupy niyang puso ko." sabi ko na lang.

"So pinagsisisihan mo?" sabi niya bumangon siya tapos ay tumingin siya sakin.

"hindi. pero hindi ko rin ineexpect Cade. Kaya ako pumunta dito sa states kasi hindi ko kayang wala ka. Iniba mo yung takbo ng buhay ko eh. na mapalayo lang ako sayo hinahanap na kita, namimiss na kita. Ganon ba talaga kapag nagmamahal?" sabi ko sa kanya

"Siguro... ganon mo nga ako kamahal?" tanong niya sakin ng mahina.

"Cade, okay lang saking malayo ka dahil sa mga ganitong bagay pero kung lalayo ka sakin ng tungkol sa love, hindi ko ata kaya." sabi ko.

"Natatakot ako Cade na baka dumating yung panahon na magkakasakitan tayo, ayokong masaktan Cade, talo ako ngayon pa lang eh. Naatakot ako sa LOVE..." 

"Shhh.... Anika, listen. Love conquers all okay... Love will teach us to hold on.... Love is a dream that becomes reality... Love is between you and me. I love you Anika, Dont be afraid I'll be here for you... I will stay by your side, diba pinangako ko yon sayo. Love is you." niyakap niya ko. 

Love conquers all

Love will teach us to hold on

Love is a dream that becomes reality

Love is between you and me

Love is you...

Love. Panghahawakan ko yan. I wont be afraid. as long as Cade is there to define this Love for me...

RUN AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon