Kabatana 1

31 4 0
                                    


Hailey's POV

brizzz brizzzz

Naramdaman ko sa ilalim ng unan ko ang pag vibrate ng cellphone, umaga na.

brizz brizzzz

Bumangon ako at naramdam ko ang pag hapdi ng ulo ko, letse sabi na nga ba dat di na ko nag puyat kagabi. Kinuha ko ang cellphone ko at pinatay ang alarm, 5:35 am. Maaga-aga pa kaya naisip kong mag fb muna, scroll-scroll, lang kwneta, tingin sa notifications, lang kwenta, punta sa messenger, wala man lang nakaalala, yung totoo??? mahirap bang mangamusta?? jusko bahala nga kayo!

Tumayo na ko at tiniklop ang kumot na ginamit ko, ayos ng pinag higaan, charge ang phone, kuha ng mga panloob, punta sa banyo, ligo ng mga 15 mins. Ganyan routine ko sa pag may pasok.

Natapos ako at ginising na ang nakababata kong kapatid na si Harold. "Rold, gising na tanghali na! alasyete na! bumangon kana! tamad mo talaga! sabi ko sabay yugyog dito.

"Hmmm" sagot niya, aba ayaw nanaman bumangon.
"Di ka tatayo jan?! isa!" simulang bilang ko
"Hmmmmmm"
"Dalawa!"
"hmm" nakanang!
"tatlo-" hahampasin ko na sana ng bigla itong bumangon
"OO NA NGA SABE EH! ETO NA! ETO NA!" masamang tingin ang ipinukol niya sakin, natawa nalang ako sa kapatid kong to, ganyan yan eh, maka asta kala mo mas tandan siya sakin, tsk.

Umakyat na ko sa taas kung san ang kwarto ko, para mag asikaso ng sarili ko. Natapos kaming mag prepare at umalis kami ng bahay ng 6:35am tamang tama lang kasi trapik pa, 7:30 pa naman pasok namin.

Hindi namin inaasahan na ganun kabigat ang trapik dahil balik eskwela nanaman, napatingin ako sa relo kong 8:09. Nice one, first day late kami, ayos ayos.

Pag dating sa school ay kanya-kanya kami ng mga kapatid kong hanap sa mga classroom namin, kakahiya kasi wala ng tao sa mga hallway.

Pumunta ako sa bulletin board at nakita kong nandon nakasulat ang mga classroom ng mga bawat mag aaral depende sa kanilang baitang, hinanap ko ang grade ko, grade 10, grade10 grade10,,,, grade,,,10, AHA! third floor sa pang apat na building sa kaliwang hagdan, unang room, shems kinakabahan ako, lezzgo!

Humugot ako ng malalim at huminga ng mababaw, chozzz! basta yon, dahan-dahan akong nag lalakad ngayon at hindi ko sinunod ang sinabe na sa kaliwang hagdan ang gamitin para madaling makapunta sa room, alam ko naman kasing dalawa ang pinto kada room kaya balak kong gamitin ang nasa likod na pinto hehe.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ngunit punyemas, maingay yon! kaya eto nakatingin na silang lahat sakin, nice one!

"Uhmm hehe, sorry po im late sir, uhmm,," tinignan ko ulit ang nakasulat na section sa taas ng pinto "Grade 10 jophiel din po ako hehe." sabi ko habang papasok at dahan- dahang sinasara ang pinto.

"It's okay, tamang-tama ang dating mo, now let's start to introduce yourself, let's start with you miss short hair." nakangiting turo sakin ni sir, ay jusko gandang bungad nga naman oh.

Pumunta ako sa harap, shems kinakabahan ako, de kaya ko to! huminga ako nang malalim at nginitian silang lahat. "Good morning everyone my name is-"

"Hailey?!" hinanap ko ang nag sabi non at nagulat ako ng makita kung sino ito.

"Pia?!" nakangiting tanong ko, ngumiti ito sakin at sinenyasan akong ipag patuloy ang ginagawa ko kanina.

Medyo Marupok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon