TPS 2: hindi kilala

Beginne am Anfang
                                    

"She's waiting for me," todo ang ngiti nito habang nakaharang sa mga mata ang dalang binocular. Matagal din yun," wag kang maiinlove sa Ran ko ha!" bigla na lang itong tumigil at nagbanta sa kanya, hindi alam ni yuan na sa kanya nakatingin si Topher, iniisip kong possible nga ba talaga ang pag-ibig na sinasabi nito o in love lang ang kaibigan sa thought na in love siya kay Ran...magulo oo, pero may narinig na siyang ganoon, possible nga bay un.

"Tapos I salvage ng psycho na gaya mo? Wag na lang mahal ko buhay ko no." Kahit naman attracted siya kay Ran dahil taglay nitong ganda, maraming beses na kaya siyang napahinto para manood ng commercial o pagmasdan ang poster nito. Hanggang paghanga lang ito, crush lang.

Mahihiya ang feelings niya sa kabundok na feelings ni Yuan, saka isa pa , he can never betray him.

"Good,"

Tumunog ang cellphone nito, sandaling usapan lang yun, pumasok na rin si Ran sa loob.

"I guess that's for me today, " binalik nito ang cellphone sa bulsa ng pants. Todo ang ngiti sa mga labi nito.

"Sino yun? " di maiwasang tanong ni Topher.

"Yung tropa kung guard, parating na yung kambal ng asawa ko, mahirap nab aka mabuli," talagang kinaibigan pa nito ang mga guard sa subdivision. Bilib talaga siya kay Yuan, basta para kay Ran...

"Thanks bro," baling nito sa kanya.

"Wala pa talaga yung sadya ko, ngayon ko palang ibibigay," kinuha niya ang isang envelop sa loob ng kotse at inabot kay Yuan. Nanlaki ang mata nito ng marealize ang natanggap.

"Paano ka nagkaroon nito?" tukoy sa invitation ng birthday ni Ran.

"Connection ano pa ba?" di pa rin makapaniwala ang itsura nito, agad nilagay sa ilalim ng leather jacket ang envelop, hindi nagusgustuhan ni Topher ang ngisi nito.

"Lucky charm ka ba talaga? This is unbelievable! Bro, I understand if you are guy but nonetheless I will give you a brotherly hug!" bigla siyang niyakap nito.

Tatawa tatawa si Topher habang sinasabihan ito ng,"Gago ikaw itong bakla ang arte mo!"

.....................................................................................................

"Can I be Ate's escort?" nasa living room sila habang ididetalye ng kanyang assistant na si Janine ang detalye ng debut, napamigay na ang mga invitation, wala namang lalaking malapit sa kanya, kaya naman ang napiling escort ay ang kanyang kakambal na si Ren, bagay na hindi naman matanggap ng kanyang kapatid na si Rojan, kaya naman kinukulit nito ang kanyang assistant.

"Hindi pwede eh," malambing na wika ni Janine, tahimik si Ran na pinapanood ang dalawa, kanina lang bago ito dumating siya ang kinukulit ng kapatid, gumagawa daw ito ng mga damit para sa alagang hamster at gagamba, nagkalat ang mga papel na may drawing na hindi mo maintindihan.... Ipapasa daw nito sa ninang Pyne nito ang mga yun, ipapa approve. Lihim siyang natatawa sa reaction ni Janine, she can't reject Rojan's cuteness.

"Why can't I be ate's escort?" muling tanong nito.

"Kasi your kuya Ren, will be her escort,"

"Am I gwapo?" nakangusong tanong nito,

"OO naman!" namimilog pa ang mga matang sabi ni Janine, ilang taon lang ang agwat nito sa kanya...two years niya na itong assistant.

"Whose gwapo between me and kuya Ren?" pangungulit nito.

"Syempre ikaw," sabi nito na sinamahan pa ng kurot sa kanyang pisngi, ngumiti ng malapad ang batang makulit.

"See, if I am mas gwapo kaysa kay kuya Ren, then why I am not ate's escort?" napangiwi na naman si Janine dahil bumalik na naman sila sa unang tanong nito.

"Kasi ano-" nagkibit balikat lamang si Ran ng bumaling sa kanya si Janine, "kapag you are tall na rin just like your kuya and ate, then you will be your ate's escort, do you like that?" Imbes na matuwa sumeryoso ang istura nito.

"You are lying, I don't like you anymore," tumaliukod ito at umakyat sa second floor.

"Rojan!" tawag ni Janine pero hindi na ito lumingon.

"Leave him alone, di mo siya dapat binobola," sabi na lang ni Ran, may susuyuin pa siya mamaya, tiyak niya kasing damay siya sa tampo nito.

"Sorry," ikinakunot ng noo ni Ran iyon.

"Why are you sorry for?" naiinis siya kapag nagsosorry ang mga tao sa paligid niya ng walang dahilan, mas lalo tuloy siyang lumalabas na masama...hindi naman siguro kasalanan ang hindi pagngiti, sino naman kasi ang magiging kangitian niya sa malaking bahay nila?

"Kasi po-"magdadahilan pa sana ito pero pinutol niya na.

"Forget it, explain to me the details, ayokong mapahiya sa mga taong hindi ko kilala," ayaw niya ng party, but her lolo insisted, dadalo rin ang kanyang tito Warren kasama ang pamilya nito... and the rest, hindi naman niya kilala...

The Princess's  Stalker (completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt