Kapahamakan

3 0 0
                                        

"Kasalukuyang ipinatupad ng Pangulo ang community quarantine, kung saan mga tao ay kinakailangang manatili sa kani-kanilang tahanan pansamantala dahil sa virus" ...

"Nagpahayag na ng lockdown sa iba't ibang probinsya kaugnay na rin sa ipinatupad ng ating pangulo upang maiwasan ang pagkalat ng virus" ...

"Ipinatigil na ang pagbyahe ng kahit anong uri ng transportasyon ..."

        Habang nakikinig ng balita sa radyo at nagtutupi ng damit ay lalong lumalaki ang aking takot.  Paano na?  Anong gagawin ko? 

    "Clara!  Maghayin ka na nagugutom na ako! " tawag ni papa na kakalabas lang sa kanyang kwarto at bagong ligo.

      "Opo pa!" agad akong nagtungo sa kusina at ginawa ang dapat gawin.  Samantalang si papa ay naupo na sa hapag.
      "Clara,  hindi ka pa ba kakain? "
      "Maya-maya na po pa,  tatapusin ko lang po ang pagtutupi ng mga damit. "
       "Sige,  kumain ka na din pagkatapos mo.  Aalis nga pala ako saglit pagkatapos kumain.  Magsarado ka ng bahay at baka kung mapaano ka wag ka na maglalabas."
      "Opo pa.  Papa pwede po bang pumunta ngayon dito si Kacey? "
       "Saka ka na magpapunta ng kaibigan mo dito kapag andito ako"
       "Sige po pa." bumalik na ako sa salas at itinuloy ang pagtutupi ng damit habang nakikinig sa radio. Napasambit na lamang ako ng "Sana nandito pa si Mama, God."

        Maya-maya lang ay namaalam na si papa at ikinandado ang pinto.  Ako naman ay pumunta na dito sa kusina para kumain at nagmuni-muni nanaman. "Mama,  buti na lang wala akong kapatid hindi na nya dadanasin ang hirap sa mundong ito.  Ma,  gabayan mo naman po si Papa."
          Nang may bigla namang kumatok at nagsisigaw.
      "Clara!  Buksan mo ang pinto!  Clara!  Alam kong andiyan ka.  Nakita ko na umalis ang papa mo."
       "Sandali lang Kacey ililigpit ko lang ang kinainan ko!" halos sigawan ang usapan namin dahil nasa kusina ako,  bukod don ay medyo malawak ang bahay namin lalo na ang salas kaya sadyang malayo ang pagitan at kailangan sumigaw ng pagkalakas upang magkarinigan ang nasa labas at nasa kusina.
          Lumapit ako sa may bintana nang matapos ako sa kusina. "Kacey,  nandito ako sa may bintana di ko mabubuksan ang pinto kinandado uli ni papa. Bakit nga pala? "
          "Clara,  hindi mo ba nabalitaan ang tungkol sa virus?  Madalas wala ang papa mo.  Sumama ka na sa akin gaya ng napag-usapan natin. Sa kabilang buwan 18 ka na naman."
          "Kacey, nagdadalawang isip ako.  Kami na lang ni papa ang magkasama.  Naaawa ako kay papa" malungkot kong sinabi.  Hinawakan ni Kacey ang kamay kong nakakapit sa may bintana.
         "Clara may virus,  ang papa mo tuwing umaga hanggang ala cinco ng hapon wala.  Mahaba ang oras natin para isama na kita.  Mahal na mahal kita Clara." sambit ng nagsusumamong si Kacey.
         Gulung-gulo ang isipan ko,  tumulo ang aking luha. bigla kong naisip si papa.  Ang mabait kong papa.  Kahit na,  kahit na. "Kacey,  hindi ko pala kaya.  Hindi ko kayang iwan si papa.  Umalis ka na dahil baka biglang umuwi si papa balita na ang community quarantine at lockdown sa iba't ibang bahagi ng Maynila.  Hindi nalalayo na dito sa atin sa Batangas magkaganoon na din."
         "Pero Clara,  alam mong hindi kita kayang iwan.  Si Janine yung best friend mo kapitbahay lang namin.  Alam na naman nina Mommy at Daddy na sa amin tayo tutuloy.  Maayos na lahat ng plano natin"
         "Sorry Kacey,  umuwi ka na" umiiyak kong sambit.  "Pag-iisipan ko uli,  pag-iisipan kong mabuti."
Hinila ako ni Kacey at niyakap kahit may nakaharang na bakal sa aming pagitan.  "Mahal na mahal kita Clara,  gagawin ko ang lahat makuha lang kita." Nagulat ako sa sinabi ni Kacey.
"Anong ibig mong sabihin?  Wag mong gagawin yang iniisip mo!" humiwalay ako kay Kacey at pinunasan ang aking luha. "Isang pagkakataon na lang ito kaya hayaan mo na muna ako.  Umuwi ka na Kacey baka gabihin ka malayo pa ang inyo.  Umuwi ka na,  baka abutan ka pa ng lockdown." Agad na akong tumakbo sa taas ng aming bahay at nagtungo sa kaisa isang kwarto dito sa taas.  Humiga ako at umiyak habang naririnig ang sigaw ni Kacey.
      "Clara babalik ako!"
      "Clara kukunin kita pangako!"
Umiyak ako hanggang sa nakatulog.
    Nagising na lang ako sa malakas na yabag at sigaw "Clara!  Anong oras na wala pang lutong pagkain!  Ang tira kaninang umaga yun pa din ang nandito sa lamesa.  Clara!"
Nagmadali akong nag ayos ng sarili at bumaba, sana ay hindi namamaga ang mga mata ko.
"Pa,  sorry nakatulog po ako sa kwarto 5pm pa lang naman po mag uumpisa na po akong magsaing at magluto ng iuulam"
       "Hala,  dalian mo.  May dala nga pala ako dyang groceries ayusin mo pang isang buwan na yan magkakaroon na daw ng lockdown dito sa atin."
        "Opo pa."
        "Dalian mo dyan at maghanda ka na."
        Bumilis ang tibok ng dibdib ko. God sana mawala na po ang Virus. Malungkot kong dasal. Gabayan nyo po kami,  lalong lalo na ang ibang makakaranas ng hirap na daranasin namin dahil sa virus.

What If? Where stories live. Discover now