"I.."

JUNKYU'S

Nakangiti lang ako habang pababa sa sala. Ewan ko din kung bakit, nababaliw na ata ako.

"Yooji―" napatigil ako sa paglalakad ng makitang wala na sa sala si Yoojin.

"Oh Sir, hinahanap mo ba si Yoojin? Nako, nasa bakuran sila ni Manang, nag-uusap."

"Nag-uusap?"

"Oo Sir, di ko din alam doon sa dalawa. Basta nag-kwentuhan na ang sila saka lumabas."

Nagtaka naman ako kung bakit nakapag-kwentuhan agad sila. Siguro nasabi na ni Manang kay Yoojin na siya ang nagpabigay nung lunchbox. Ano ba 'yan, bonding namin dapat 'to eh hays.

Umupo na lang ako sa sofa namin at saka binuksan ang T.V.. Napansin ko naman ang gamit ni Yoojin, nakalabas pa talaga ang phone tsk tsk. Nilapitan ko 'yon at saka inayos kaso bigla siyang nag-vibrate..

Junie♡ is calling . . .

Ju..Nie? At may heart pa?

Napakunot ang noo ko ag napailing, napatingin ako sa labas, mukhang wala pa naman sila. Kinuha ko ang phone niya pero di ko 'yon nilagay sa bag niya, nilapag ko 'yon sa table at pinagmasdan lang habang nag-vivibrate pa din.

Naging missed call na lang yung tawag nung 'Junie'. Napabuga naman ako ng hangin habang naghihintay kung tatawag siya ulit.

2 minutes na ang lumipas at wala pa ding tawag, napasandal ako sa sofa namin. Tss, sino ba kasi 'yon, busy si Yoojin.

Nanood na lang ako ng tahimik pero agad akong napatingin ulit sa phone ni Yoojin ng mag-vibrate ulit 'to ng sunod-sunod.

[1] From Junie♡: Yoojin-ah!!

[2] From Junie♡: Bakit di ka sumasagot sa call ko :( Pati sa message ko sayo sa messenger hindi din ㅠㅠ

[3] From Junie♡: Pabalik na akong Korea >,<

[4] From Junie♡: Miss mo ba ako Yoojin ko? ㅋㅋㅋ

[5] From Junie♡: Sunduin mo ko sa airport bukas oki?

[6] From Junie♡: I LOVE YOU I MISS YOU!!!

WHAT. THE. HECK? Sino 'to? At bakit ganito siya mag-message kay Yoojin?

'Yoojin ko'? Yuck.

[7] From Junie♡: P.S. I-ready mo na 'yang tinitirahan mo kasi diyan din ako mag-sstay :p

"ANO?!" nanlaki ang mga mata ko sa last message. Tinutukoy niya ba yung apartment ni Yoojin?! Doon siya mag-sstay? Bakit?! Wala ba siyang sarili niyang tirahan?? Bakit siya uuwi kung wala naman pala siyang lugar na titigilan dito?

BAKIT SA APARTMENT PA SIYA NG BABAE MAG-SSTAY?? At kay Yoojin pa?

"Sir! Anong problema?!" napalingon agad ako sa paligid ko. Halos lahat ng mga kasamabahay namin nandito.. Napansin ko naman agad si Yoojin na nakasilip mula sa labas.

"Ah.. Wala ho, haha. Y-Yung pinapanood ko kase nakakatakot.."

"Pero cartoons yung pinapanood niyo Sir."

Napatingin ako sa T.V.. Wow, sa cartoons nga nakalagay.

"Love." tawag sakin ni Yoojin, napansin kong masama ang tingin niya sakin at sa phone niyang hawak-hawak ko.

Pumunta siya sakin, binigay ko naman agad sa kanya yung phone niya at saka nilagay 'yon sa loob ng bag niya.

"Sorry.." bulong ko sa kanya pero hindi siya umiimik. Nanatili kaming tahimik hanggang sa magtanong ako.

"Yoojin.. May boyfriend ka na ba?" napatingin naman siya sakin. Hindi pa din siya sumasagot, siguro nakukulitan nanaman siya sakin. Aish, di naman talaga kasi kayong dalawa Junkyu. Nagpapanggap lang nga kayo diba?

"Nevermind, wag mo na sagutin. Diyan ka lang, tutulong lang ako kayna Manang."

Bat ka nalulungkot Junkyu? Ikaw angmay gusto nito, ikaw ang nagsabi na kunwari lang. Gagamitin mo lang naman si Yoojin eh, hayaan mo na siya gawin kung ano ang gusto niya. May buhay din naman yung tao.

Nakasimangot ako habang tumutulong kayna Manang mag-ayos ng dining table. Tsk, parang ewan naman Junkyu.

"Junkyu." tawag sakin ni Manang.

"Po?"

"Kilala mo naman talaga si Yoojin diba?"

"Opo naman Manang.. Bakit po?"

"Gusto ko lang kasi magpasalamat dahil iniintindi mo kung ano ang sitwasyon niya ngayon. Sana.. Hindi mo siya iwan kahit na anong mangyari." ningitian ako ni Manang at saka ako niyakap. Niyakap ko na lang din siya pabalik.

"S-Syempre naman Manang.. Hinding-hindi ko siya iiwan."

Kaso paano? Naka-kontrata lang naman 'tong relasyon naming dalawa.

Kaso paano? Naka-kontrata lang naman 'tong relasyon naming dalawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

sorry ang haba ;-;

WHITE RABBIT 'ʲᵘⁿᵏʸᵘWhere stories live. Discover now