First Chase

85 0 1
                                    

Steph's POV

"What the hell Mitchie Klein? You are 10 minutes late, You know I hate waiting diba?" sabi ko sa napakabagal kumilos kong bestfriend.

"Ito naman, masyado kang highblood at ang aga aga inieenglish mo ako, tsssk may good news pa naman ako sayo." sabi niya at nginitian ako ng makahulugan.

"Tell me, what is it? Siguradin mo lang na its all about jared, okay?" mataray kong sabi sakanya para di niya mapansin na curious ako sa good news na sinasabi niya. Kasi pag good news sakanya goodnews talaga as in good.

"Umm well, It's about him." diretso niyang sabi sakin. Nanlaki ang mata ko at napatingin sakanya.

"FOR REAL? TELL ME!! WHAT IS IT!" sabi ko sakanya habang inaalog alog yung balikat.

"Ayoko, manigas ka jan nabadtrip ako sayo kanina" waaaaaah hindi pwede kailangan ko malaman yung good news about kay jared.

"Pretty please bestfriend? You love me right? Please please" sana tumalab pag papacute ko sakanya?

"Still a no." NO!!!!!! Kailangan ko talagang malaman.

"I'll treat you for a week! JUST PLEASE TELL ME!" kuminang naman yung mata niya nung narinig niya yung libre. Tsss patay gutom kong bestfriend.

"Really? Okay fine kasi si kuya kane.."

"what? Binibitin mo naman ako mitchie. " sabi ko with death glare at tinawanan lang ako napakabait ng bestfriend ko.

"Hahahahaha,okay seryoso na. Niyayayatayonikuyakanenapumuntasagignilasathursday" tuloy tuloy niyang sabi na wala naman akong naintindihan.

"What? Wala akong naintindihan pakibagalan naman diba?" naiirita na ako sa babaeng to.

"Ang sabi ko niyaya tayo ni kuya kane na manuod ng gig nila sa thursday." sabi niya ng nakangiti sakin.

"Sus, yun lang pala niyaya lang pala tayo, ANO?!?!? NIYAYA TAYO NI KUYA KANE MANUOD NG GIG NILA? IBIG SABIHIN MAKIKITA KO NANG MAGPERFORM SI JARED LIVE? WAAAAAAAAH!!" sumisigaw na ako sa sobrang excited at maya maya nagkatitigan kami ni mitchie at parehas na

"WAAAAAAAAAAAAAAAAH" sumigaw. Paano ba naman kasi crush ko yung lead guitarist at crush niya yung drummer ng banda nila kuya kane. Waaaaah dream come true sakin. Whahahahaha

" I really love you bestfriend, pero mas mahal ko si jared kyaaah" niyakap ko siya dahil sa sobrang saya.

"Malandi ka talaga steph, tara na male-late na tayo sa klase natin, mamaya na natin paguusapan kung ano ang susuotin natin para makabog ang mga chaka nilang girlfriends" tumango nalang ako at nagapir kaming dalawa ni mitchie. Kaya bestfriend ko to. Nagkakasundo talaga kami lalo na sa kalandian.

Pero kyaaah sobrang excited talaga ako sa panunuod ng gig nila, bukod sa first time ko silang maririnig tumugtog ng live at mapapanuod pa, baka mapansin na ni jared yung beauty ko.

Pagkatapos ng tatlong subject, recess na namin, nandito ngayon sila Jared kaya ito na naman ako sa malandi mode ko. Hahaha lumapit ako sa table nila at hindi ako natatakot na may magalit saking girlfriend dahil na sa ibang school ang girlfriend niya.

"Hi Guys! Hi Jared!" bati ko sakanila at kinindatan si jared. Tiningnan niya naman ako at inirapan. He's really hot!

"Ohh by the way, kuya kane, thank you for inviting me, excited na akong mapanuod ang gig niyo lalo na si Jared." nakatingin lang ako kay jared at hinihintay ang reaction niya kaso wala manlang reaction. Tssk di talaga tumatalab kagandahan ko jan.

"Seriously Kane? Why did you invite her?" really? ayaw mo ba talaga makita yung napakaganda kong mukha sa gig niyo? itong jared na to kung hindi ko lang crush to sinapak ko na.

"Why not? She's my sister's bestfriend, and parang little sister ko na din to." Yan!! Thanks kuya kane kaya love na love kita. Tinignan ko naman si Jared at nginitian ng pagkalawak lawak pero nag death glare lang sakin. Hmmmp nakakaasar na siya ah. 

"See you on thursday, and please wear something decent okay? Kahit nasa bar bawal kayong mag revealing clothes ni mitchie, okay?" ayan na naman po si over protective kuya kane. Close kasi kami niyan at kapatid nga pala ni mitchie si kuya kane.

"But kuya, i need to be pretty, para naman mapansin ng iba jan ang beauty ko diba? Lagi nalang nadededma ang kagandahan ko." diretso kong sabi na pinaririggan si jared. Nagulat ako ng tumingin siya sakin at nag death glare pero imbis na matakot ako kinilig pa ako. Shett ang pogi niya talaga.

"Will you please stop? You're annoying. At bat naman kita papansinin? You're nothing compare to my girlfriend. Ang pangit mo kaya.kahit anong suotin mo pangit ka parin." ouch ah. Makapagsabi naman to na i'm nothing compare to his girlfriend e ang pangit naman ng girlfriend niya.

"Excuse me? Ikaw ba ang sinasabihan ko? Masyado ka naman atang assuming. at Ako pangit? Baka ang girlfriend mo ang pangit. Ubod ng pangit. Tssk pasalamat ka crush kita at hot ka kung hindi matagal na kitang nasapak. Wala pang nagsabi ng pangit ako ikaw palang." dinuro duro ko pasiya pero nagulat ako ng hawakan niya ang daliri ko at alisin yun sa harapan niya.

Shtttt did he touch my finger? For real? Omg hihimatayin na ata ako wait aaaaahhh

"Dont you dare call my girlfriend ugly." Hindi ko naintindihan yung sinabi niya kasi di parin ako makapaniwala. HE TOUCHED MY FINGER, FOR REAL? OMG feeling ko hihimatayin na ako. 

" Hoy Pangit, umalis ka na dito nababadtrip ako sa mukha mo." tinignan ko siya ng masama pero napangiti padin ako kasi ang gwapo niya.

"Ang gwapo mo talaga, kaya naiinlove ako sayo e." sabi ko sakanya at tumalikod na. "Bye guys! Seeyou on thursday!" pero bago ako makalayo tumingin ako sakanila at sumigaw

"JARED!!!!!!" tumingin naman silang lahat sakin at huling tumingin si jared at pagkatingin niya nag flying kiss ako sakanya at tuluyan ng tumakbo.

_______________________________________________________________

Nasa right side po ang mga characters. -----> 

Chasing YouWhere stories live. Discover now