Simula

2.5K 106 175
                                    

Pinalis ko ang pawis na tumulo sa noo 'ko at nakapamewang na tumayo mula sa bench ng college. Mag-ga-gabi na pero wala pa rin si Drian. Gano'n ba ka-tagal magpraktis ng basketball?

Lumukot ang mukha ko nang makita ko na naman ang pagmumukha ni Linden na tumatawa kasama ang kanyang teammates na mukhang katatapos lang maglaro.

Sa ilang buwan namin magka-co-maj ni Linden, wala na siyang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko. It's either hihiram siya sa akin ng notes or kukulitin niya ako para turuan siya sa mga nakalagitnaan niyang lessons, pagkatapos no'n ay wala na, para na kaming hindi magkakilala.

All of them were wearing their college jerseys. They're practicing hard for the upcoming college foundation week, which will be organized by level. From what I know, they'll be up against the fourth-year nursing students since Linden's team is still in their third year.

Tumingkad ako para hanapin si Drian sa mga naglabasang basketball players mula sa gym ng college pero ni anino niya wala akong makita. Saan na kaya siya? Buti na lang talaga at hindi maraming lamok dito.

As Linden approached where I was, he just gave me a glance as they walked past me. As soon as he passed by, I caught a whiff of his scent. Minsan ang unfair ng mundo, iyong iba kapag galing basketball ay amoy maasim habang iyong iba amoy baby katulad ni Lin—never mind.

As much as I wanted to compliment him, wala ata iyon sa bokabularyo ko. Saksakan kasi minsan ng katarantaduhan.

"Hi, natagalan ba?" Umirap ako nang tumambad sa harap ko si Drian habang hiningal. "Sorry, pinag-push-up pa kasi kami kaya ayon natagalan."

"Oo na, uwi na tayo? Pero magpalit ka mo na, you look—" I looked at him from head to toe at napangiwi na lang ako. Para siyang naligo sa sariling pawis.

"What? Gwapo pa rin naman ako ah." He confidently said as he brushed his fingers through his hair.

I rolled my eyes with what he just said. Pero tama naman siya, gwapo pa rin at amoy baby.

"Ang kapal ng ampog mo, magbihis ka na nga doon. Tingnan mo, mag-ga-gabi na." Tinuro ko ang kalangitan kung saan unti-unting kumukulimlim.

"Alright, wait for me here."

"Edi ano pa nga ba? Go!" Pagtataboy ko sakanya saka siya tumakbo papasok sa loob ng college.

Kinuha ko ang selpon mula sa bulsa ng uniform ko at nag-scroll sa Facebook. Ang laman ng newsfeed ko ay puro on-going k-drama. Katatapos ko lang panoorin iyong Perfect Marriage Revenge at Castaway Diva tapos meron na naman.

Hindi na mo na ako manonood since lahat naman iyon on-going. Ayoko pa naman sa lahat ay iyong nabibitin. Pero tingnan ko lang din mamaya lalo na iyong My Demon. Matagal ko nang inaabangan iyon lalo na no'ng mapag-alaman 'kong si Song Kang at Kim Yoo Jung ang main lead no'n.

"Jan, hindi ka pa ba uuwi?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Amara lang pala kasama ang boyfriend niyang si Lucian.

"Si Drian hinihintay ko pa." Sagot ko at binalik ang tingin sa selpon.

"Ah iyong best friend mo sa fourth-year?" Tumango ako. "Mauna na kami, bye!" Paalam niya. Tumungo na lang ulit ako at kumaway nang hindi sila tinitingnan.

"Sige, ingat! Protection ha?" Biro ko pa habang pini-play ang mga reels na puro naman edits ng Mobile Legends Bang Bang.

"Gaga ka talaga!" Sigaw pa niya.

Narinig 'kong nagtawanan sila ng kanyang boyfriend. An ordinary student like me couldn't relate; mas gugustuhin ko na lang mag-aral at magsaulo ng iba't-ibang terms sa medsurg at lab values. Dagdag pa sa sakit ng ulo ko kung magbo-boyfriend pa ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nursing Students (Student #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon