Chapter 2

243 14 12
                                    

OO, kinakabahan ako. Di ko maipaliwanag pero, mas nakapanlalamig ang titig niya kaysa sa akin. Buong akala ko ako na ang may pinaka malamig na titig, may iba papala,

"Kris, siya yung babae kanina! Yung muntik na madamay sa pagsugod ng kalaban natin." Sabi nung isang lalaki, siya ata yung nagda-drive kanina nung sasakyan.

Ibinaling sa akin ni Kris, ang sa tingin ko ay leader nila. Kinilabutan ako nang titigan niya ako. Nang magsalita siya ay nanindig ang balahibo ko.

"Luhan, dalhin mo siya sa office ko."


Tumango naman yung lalaking mukhang babae. Hahawakan niya palang ako ay tinitigan ko siya. Para bang nanlamig siya sa titig ko kaya di niya na ako hinawakan. "Tara na?" Pag-aya niya.


Tumango lang ako at naglakad na. Bahay ba 'tong napuntahan ko? Nanliit ang mga mata ko, isang hallway na may anim na kwarto. Ganito ba karami ang nakatira dito?


Ah, naalala ko. Delikado sila, wag ka kaagad magtitiwala Jessica. Sabi ko sa sarili ko. Nakarating kami sa dulo ng hallway at may kwarto roon. Pinagbuksan ako ni Luhan, at nakita ko ang malawak na opisina.


Simple lang ang design ng kwarto ngunit, may pagka-misteryoso ang aura. Napa-taas ang kilay ko.


"Naaalala mo pa ba ako?" Tanong ni Kris. Agad akong umiling.


Bakit siya magtatanong kung naaalala ko siya, sapagkat ngayon ko lang siya nakita? Takang-taka akong bumaling kay Luhan. Nagkibit-balikat lamang siya at tumingin kay Kris.


"So... You need to remember me. Kailangan mo akong alalahanin. Maglalaro pa tayo diba?" Ngumisi si Kris at doon na ako simulang kinabahan. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Pero bakit ganun? Parang nakaramdam na ako ng ganitong kaba?


"Bakit ako makikipag-laro sa iyo? I'm not a child or whatsoever who still play games. If you'll excuse me, kailangan ko ng umuwi." Sabi ko at tumalikod kay Kris.


I don't like to go home yet. Pero ayoko rin dito. May kakaiba akong nararamdaman sa lugar na 'to eh. Pamilyar pero kinakabahan ako.


"No, hindi ka pwedeng umalis." Ani Kris at tinitigan ko siya. I stepped out of the room and said, "Well I just did."

Naglakad ako hanggang sa may main door. May nakita pa akong apat na lalaki sa sala. Nandito yung nagtakip sakin ng coat kanina.

"Uy! Anong sabi ni Kris?" Tanong niya habang pagkalapad-lapad ng ngiti sa mukha niya. Para siyang si Christian. Nakaka-balahura ang pagmumukha niya.


Tinitigan ko siya, "Tch." Sabi ko.


"CHEN! Wag mo na nga guluhin ang prinsesa natin!" Rinig kong sigaw ng isang singkit at medyo chubby na lalaki.

"By the way, I'm Xiumin."


Tinignan ko ang kamay na inilahad niya pero di ko tinanggap. I'm not into friends anyway.

The Gangster's Game || ONHOLDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant