"Rain!!!! Tulungan mo nga akong mag ayos ng gamit natin dito" Pasigaw na sa sabi sa akin ni Mama.
Bagong lipat lang kami dito sa Chantal District, Balita ko mayayaman na tao o kaya mga pulitko ang mga nakatira sa lugar na ito. Unang beses ko din na makapunta dito sa syudad, Ibang iba ang lugar na ito sa pinanggalingan kong probinsya.
Bagong promote lang si Mama sa pinag tatrabahuhan niyang kumpanya at dito siya sa Chantal District nadestino sa kanyang trabaho.
Nag iisa lang akong anak ng aking magulang, Hindi ko nakilala ang aking ama dahil mula pag ka bata ay hindi ko siya nakita at ayaw naman ni Mama na pag usapan ang tungkol sa kanya.
Ilang araw nalang din mag sisimula na ang pasukan sa school. Incoming Senior High ako sa darating na school year, Hindi naman kami ganun kayaman pero nagawa kong makapag enroll sa pinakasikat na school sa buong bansa ang na matatagpuan dito sa Chantal District ang Novel High.
Kilala ang Novel High dahil dito nag aaral ang anak ng mga mayayamang tao o kaya anak ng mga pulitiko.
Lumipas ang ilang araw mula makalipat kami dito sa Chantal District pero naninibago parin ako sa pamumuhay na kinagawian ko sa probinsya.
Kinabukasan na rin ang unang araw ng pasukan sa school kaya ini hahanda ko ng gamit ko para sa school, Nang may biglang kumatok sa aking kwarto.
"Bukas yang pintuan" Pasigaw na sagot ko sa taong kumakatok.
"Ma, Ikaw pala yan"
"Bakit may iba ka pa bang inaasahan na tao bukod sa akin?"
"Naninibago lang ako Ma, Hindi kasi kagaya sa probinsya na kasama natin sa bahay ang mga tiyohin at tiyahin at ang mga iba ko pang pinsan"
"Hay nako Rain, Masanay ka na! Na tayong dalawa nalang ang tao dito sa bahay."
"Nga pala Ma, Anong sadya mo sa akin?"
"Gusto lang kitang kausapin about sa pag aaral mo, Alam mo naman siguro kung anong klaseng school ang papasukan mo, Umiwas ka sa gulo Rain, Hindi ito kagaya sa probinsya na dadaain mo sa basag ulo ang lahat ng bagay."
Tumango lang ako ng tumango sa mga sinabi sa akin ni Mama, Halos isang oras din akong pinag sabihan ni Mama tungkol sa pag aaral ko.
Kinabukasan habang nag aalmusal kami ni Mama.
"Rain, Gusto mo bang ihatid kita sa first day of school mo?"
"Hindi na Ma, Mag bibike nalang po ako papuntang school."
"Sige Rain kung ayan ang gusto mo, Nga pala anak, Kumuha ako ng kasambahay para may makatulong naman tayo dito sa gawaing bahay."
"Ikaw bahala Ma, Pero siguraduhin mong mapag kakatiwalaan yang taong kukunin mo Ma, Mauuna narin pala ako Ma, Baka mahuli pa ako sa unang araw ng klase."
"Mag ingat ka Rain diyan sa daan"
Habang nag bibisekleta ako papuntang school napansin ko ang ilang kabahayan dito sa Chantal District. Halos sampung ulit ng laki ng mga ito ang bahay namin sa probinsya,
Pag dating ko sa harap ng gate ng Novel High, Manghang mangha ako sa laki ng paaralang ito, Pero mas namangha ako sa mga estudyanteng bumababa ng sasakayan hatid ng kanilang mga chaperon. Halatang mayayaman ang mga estudyanteng nag aaral dito.
Habang nag mamasid ako sa paligid ng Novel High, Biglang tumunog ang Bell ng school at may nag salita sang Faculty Member.
"Sa lahat ng estudyante ng Novel High, Maaring pumunta kayo sa Auditorium Hall para sa Orentation, Maraming salamat po"
Hindi ko alam kung saan ang Auditorium Hall ng Novel High, Sinundan ko nalang kung saan papunta ang mga estudyante,
Pag dating ko sa Auditorium Hall halos puno na ito nang mga estudyante,
