Chapter 2

3.2K 86 10
                                    

"Bakit ba naman kasi binato mo yung sasakyan?" Tanong sa akin ni Junifer matapos niya akong sunduin sa police station para aregluhin ang ginawa ko kanina.

"Aksidente nga lang kasi yon. Atsaka kawawa kasi yung Ate." Pagpapaliwanag niya sa pinsan pero mukhang di pa rin ito naniniwala sa kanya kaya napabuntong hininga na lang siya at umakyat na sa kwarto.

Isinalampak niya agad ang katawan sa kama at napatitig na lang sa kisame. Iniisip niya kung paano niya mababayaran ang sira na ginawa niya sa sasakyan ng lalaking masungit kahit kasi nakalaya siya hindi pa rin siya makakawala dito dahil may record pa rin siya sa station at matatangal lang ito kung mababayaran niya ang sirang ginawa niya.

Nagpapasalamat na rin siya kahit papano kay Junifer at sa kaibigan nitong pulis dahil kung hindi ito dumating at nakipag-areglo sa kilala nitong pulis siguro nakakulong pa rin siya hanggang ngayon.

"Hayyyy." Napabangon na nga lamang siya sa higaan ng makita ang calling card na ibinigay sa kaniya ng isang pulis na naka duty. Ipinabibigay daw ito ng secretary ni Mr. Sungit dito daw siya makipagusap kung maipapagawa na niya ang sasakyan ng boss nito.

"Yaman, yaman naman niya. Bakit kailangan ko pa ipagawa? Hindi na lang naawa sa nangangailangan." Pagmamaktol niya sa kawalan.

Nagiisip siya ng pagkakakitaan ng masagi sa isip niya ang kaibigang si Harper. Agad naman niya itong tinawagan

"Moshi moshi" Sabi nito sa kabilang linya.

"Nasaan ka?" Tanong naman niya sa kaibigan. Narinig niya na may sinasabi itong Chinese o Japanese pero di niya na lang ito pinansin.

"Gaga! Rumaraket ako tapos tawag-tawag ka dyan." Sabi nga nito sa kanya. Napaisip na nga lang siya dito kung bakit ang dami nitong raket ganon taga-pagmana na ito ng mga ari-arian ng pamilya niya.

"Kaya pala in-character ka. Ayun nga kaya ako napatawag sa'yo kasi uhmmm may alam ka bang raket diyan?" Nahihiya niyang tanong sa kaibigan pero narinig niya lang ang pagtawa nito sa kabilang linya. 

"Please, don't judge me. Kailangan ko lang talaga ng raket ngayon." Sabi niya sa kaibigan.

"Hindi kita jina-judge dyan. Baklang to! Punta ka bukas sa bahay. I have a proposal." Narinig naman niya na may tumawag sa kaibigan kaya pinatay na rin nito ang tawag.

"Tao po!" Thirty minutes na siyang sumisigaw at nagdodoorbell sa apartment ng kaibigan pero wala pa rin Harper na lumalabas. Nagugutom na rin siya dahil paggising na paggising niya ay naligo na siya at pumunta sa apartment nito.

"Tao—"

"Can you just stop yelling, Alms? Magigising mga tenant ko." Napalingon nga siya sa kakarating na si Harper. Binuksan nito ang gate ng apartment nito at pumasok na nga sila sa loob.

"So—Anong raket mo ngayon?" Tanong niya sa kaibigan. Nakasuot kasi ito ng leather corset at leather na pants sinamahan pa nito ng thigh high boots na leather din.

"Hmmm. Take a guess." Sabi nga nito habang busy ito tanggalin ang corset nito.

"Leatherer?" Napakamot na lang siya sa ulo sa sinagot niya. Base na rin kasi sa suot na para itong nagtitinda ng leather at minomodel ito. Inirapan na nga lang siya nito at umupo sa sofa.

"Hindi ka lang ba muna magbibihis? Marami pa naman tayo time." Sabi niya dito. Basta na lang kasi itong naupo sa sofa na ito matapos hubarin ang corset at leather pants nito.

"Duh! Babae tayo pareho Alms so I don't care. Di tayo talo pero who knows baka—" mapangasar na sambit nito sakin. Binato ko nga dito ang throw pillow na nahagip ko.

Libidinous Series 11: Frost Fire SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon