Chapter 7.1: I'm a Bad Girl!

Magsimula sa umpisa
                                    

Salamat sa earphones at music hindi ko na siya naririnig. Maya-maya pa napagod na siguro siya at umupo na din sa upuan niya pero kitang kita ko na galit na galit pa din yung mukha niya.

Hindi ko na lang siya ulit pinansin. Ayoko naman kasing sirain ang araw ko ng dahil lang sa kanya. Nandito ako para makapasok sa trabaho at para mapalapit kay Luigi. Kaya kailangan ko lang mag-focus sa goal ko.

Ilang minuto na ang lumipas at masyado na ding tahimik sa loob ng room. Walang nag-uusap, walang nagpapansinan. Nagpapakiramdaman lang ang bawat isa. Napaka awkward naman! Feeling ko bigla na lang sila maglalabas ng mga armas nila tapos magpapatayan. And in anytime pwedeng dumanak ang dugo sa loob ng room na 'to. Paano na yan?! Wala pa naman akong nadalang weapon! (T_T)

Pero bago pa ako mapatay ng mga tao dito ay siya namang pagbukas nung pintuan kaya napatinging kaming lahat doon at inabangan kung sino ang papasok.

Pumasok yung manager na napag abutan ko ng resume kahapon at pumwesto sa desk sa harapan. Inalis ko na yung earphones ko at hinintay ang sasabihin niya.

"Good Morning ladies! I'm Ms. Julie Valentos the Human Resource Manager of Coffee Bucket." bati niya sa amin habang pinagmamasdan kaming lahat. "I think everyone is here. So, let's start the exam." Tapos may itinaas siyang papers, maybe examination papers 'yon.. Hindi ko napansin na may dala pala siyang mga papel noong pumasok siya.

Lumapit na siya doon sa isa sa mga applicants sa harapan at binigyan ng papel na hawak niya ang bawat isa. Maya-maya pa nasa harapan ko na siya, tapos inabutan ako ng paper ko. Atsaka siya bumalik sa harapan.

"I'm giving you only 30 minutes to answer the exam. So goodluck everyone!" pagkasabi niya nun kanya kanyang dukdukan na ang mga kasama ko.

Kinakabahan ako! Sana madali lang ang exam! I read the first page nung paper, vocabulary ang mga questions sa first part. Sisiw na sisiw lang ito sa akin. I started answering the exam at saglit lang natapos ko na 'yong first page.

I flipped the paper sa second page after answering the first one. Mathematics ang second page. Magaling din naman ako sa math kaya hindi ako mahihirapang tapusin ang second page. Logarithm, calculus at algebra yan ang mga tanong pero joke lang 'yon. Asa ka naman sa mga ganoong problems. Mostly basic math lang naman at konting algebra.

"Sus! Ganito lang pala kadali ang exam eh." bulong ko sa sarili ko habang nililipat 'yong paper sa last page dahil natapos ko agad ang math problems.

Hindi ko inexpect na madadalian lang ako sa exam na ito. (^____^) And for the last part ng exam...

ABSTRACT PROBLEMS!!!

Oh my gosh! I hate this kind of exams. Hindi ako magaling dito. What am I going to do!!! What to do!!! Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit naman kasi may mga ganitong problems pa dito eh.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang papel ko pero no use eh! Nakakahilo ang mga images ng abstract problems na ito wala tuloy akong masagutan. Baka dahil lang sa letcheng problems na ito ang maging dahilan ng pagbagsak ko sa exam. (T_T) Kasi naman eh!

I'm losing my hope! Lalambangin ko na lang siguro ang mga sagot. Sana swertehin ako!

Napatingin ako sa papel ng may attitude na katabi ko at nasa abstract part na din pala siya. Teka bakit parang daling-dali lang siya sa part na 'yon. Hindi ko akalain na magaling pala siya ah.

Open na open yung papel niya kaya kitang kita ko ang mga sagot niya. Hmmm, kung kopyahin ko na lang kaya mga sagot niya? Erase! Erase! No way Tricia! That's cheating!

Iniwas ko na lang yung tingin ko sa papel niya bago pa man ako matempt na kopyahin iyon. Tinignan ko na lang ulit yung mga images sa paper ko. Anak naman ng pating oh! Wala talaga ako maintindihan dito eh! (__")

Napatingin ulit ako sa papel ng katabi ko. Hay! naku naman! Labag talaga sa kalooban ko pero bahala na nga! Ngayon lang naman eh!

1. A... 2. D... 3. C... 4. B... Dapat pala kanina pa ako nangopya eh para hindi na ako nahirapan. Hihi (^__^) Madami na din akong sagot.

Wait san na nga bang number yung kinokopya ko? Ayon number 17 na pala. C... 18. A... 19....

"Ay! Ano ba yan! Dalawang numbers na lang patapos na ako eh." pagrereklamo ko pero pabulong lang naman. Bigla kasi tinakpan yung papel eh. Bwisit talaga!

Napatingin ako sa katabi ko at nakatingin din pala siya sa akin. Nahuli niya akong nangongopya sa kanya. Patay!

"he..he..he H-hi! Chinecheck ko lang kung tama yung mga sagot mo. he..he..he" Sige lang Tricia magpalusot pa. (-3-)

"Hmp! Cheater!" Sagot niya tapos sabay irap pa. Buti na lang talaga hindi kami naririnig dito sa pwesto namin.

"Okay! Five minutes left ladies." pag-aanounce ni Ma'am Julie. Five minutes na lang pala at may dalawang numbers pa ako na wala pa ding sagot. Lambangan to the max na 'to!!!

Ayan! Tapos na ako. Whuahaha! XD Isa-isa nang nagpapasa ng mga papel nila yong mga kasama ko. Kaya naman tumayo na din ako para magpasa ng papel ko.

"Kailan po malalaman ang result ng examination?" Tanong ng girl na nakasabay ko magpasa ng papel. Napatingin ako sa kanya tapos nag-smile naman siya. She looks nice.

"Ngayong araw din, hintayin nyo na lang ako bumalik dito sa room. After ko i-check ang papers nyo, I will announce the results. Is that ok with you ladies?" Sagot ni Ma'am Julie. We all agreed naman sa sinabi niya. Excited at kinakabahan talaga ako sa magiging resulta eh.

"Okay, I'll be back." Tapos lumabas na siya ng room.

:::Author's Note::: 

Namiss nyo ba ang update ko? haha pasensya na kung inabot ng ilang buwan. Busy kasi masyado sa school eh.

Salamat sa patuloy na nagbabasa! Thank you! Thank you so much!

I dedicate this chapter sa pare ko. @krizhea. Ayan nag update na ako ah. Hope you liked it. 

-inkmark

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Love Strikes: Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon