Saktong pasok ko sa gate ng school ay bumuhos na ang napakalakas na ulan kaya napairap na lang ako at tumakbo sa hallway kung saan may bubong. Agad kong pinunasan ang aking katawan na nabasa na atsaka ako nagmadali na dumeretso sa gymnasium na malayo pa lang ay rinig na ang sigawan kahit napakalakas ng ulan.

"Go, Lopez!" una kong narinig na sigaw ng mga tao para kay Cliff nang makapasok ako nang tuluyan.

Saglit kong pinunasan uli ang aking braso at ulo bago tinahak ang daan papunta sa malapit sa court at maya't maya na ang sulyap sa akin ng mga kapwa estudyante ko. Siguro ay mga nagtataka kung bakit ngayon lang ako at basang basa pa.

Hindi ko naman ginusto ito, tsk.

"Another three for The Beast!" anunsyo ng barker matapos maka-shoot ni Cliff.

Umiling ako at napangiti dahil wala syang kupas.

"Nov, here!" binalingan ko si Miguel na nasa bench kasama ang mga kaibigan namin kaya roon ako nagmamabilis na lumapit.

"Oh my! What happened to you?" gulat na tanong ni Clarisse at agad kinuha ang kanyang panyo sa bulsa at ipinunas sa akin.

"Thank you," saad ko at kinuha na sakanya ang pamunas. "Medyo natagalan at nagligpit pa ng kalat ni Mommy," ngumiwi ako at tumango naman sya.

"Maupo ka na para makapagpahinga ka."

"Uh... patapos na?" tanong ko at naupo na.

"Nako, girl, three minutes na lang! Pero okay na yan, at least kumpleto na tayo," si Basha naman.

"Galing, Pare!" salubong nila Ethan at Migs kay Cliff nang mag time out ang kabilang team.

Friendly match kasi ito against sa kabilang school.

"Thanks, bro!" nakipag fist bump dito si Cliff saka ako sinulyapan at tanging tango ang iginawad sa akin bago ako sinuri ng tingin.

"Kaunti na lang at panalo na naman!" si Lauren ay nakipag apir sa kanya kaya dito na bumaling sya bumaling.

"Another win for the San Lazaro College's Tornadoes!" anunsyo uli ng barker nang matapos ang laro at manalo ng aming basketball team.

Nabuo ang sigawan at selebrasyon sa court kaya lumabas na ako sa kumpol ng tao roon at pumunta na sa bench para kuhanin ang mga gamit ko dahil magsisimula na ang klase ko na pang gabi.

"Bakit basang-basa ka?" binalutan ako ni Cliff ng isang malaking towel kaya nilingon ko sya at tinanguhan.

"Biglang umulan nang papasok na ako," tipid kong sagot saka pinunas sa buhok ko ang towel.

Tumango naman sya saka ako muling pinagmasdan.

"I have an extra shirt in my locker. You can use that," he offered na agad ko namang inilingan at nangunot naman ang noo nya. "Are you still avoiding me?" bigla nyang hinawakan ang palapulsuhan ko kaya kinabahan ako at mabilis iyong inalis bago pa kami makita ng iba at kung ano nanaman ang isipin sa aming dalawa.

Malinaw sa akin na matalik na magkaibigan lang kami mula bata. Akala ko rin ay malinaw din sakanya iyon pero nitong mag college na kami ay biglang nag iba ang pakikitungo nya sa akin. Masyado na syang over protective at nakakasakal iyon dahil kaibigan lang ang tingin ko sakanya.

Aware naman ako sa feelings nya na never nyang inamin.

"Ikinakahiya mo na ba ako? Dahil ba sinuntok ko ang manliligaw mo?" he smirks. Seems so proud of himself.

Nakakainis ang kagaspangan ng ugali!

Tinitigan ko sya bago ko dahan dahang inalis ang towel sa aking balikat at marahang binalik iyon sakanya.

Itim Na Ulap Onde histórias criam vida. Descubra agora