01

27 0 0
                                        

Angelina's POV

"Please, Angelina take me back..." May pag susumao ang boses at konting konti nalang ay pipiyok na.

Pinagmasdan ko ang lalaking nakaluhod sa harapan ko, hawak hawak niya ang dalawa Kong kamay habang humahagulgol.

Kung ako ang dating Angelina ay baka niyakap ko na siya ng mahigpit at pinatawad agad.

Pero hindi ganun yon... Hindi sa lahat ng pag kakataon ay kailangan malambot ang puso mo para sa taong wawasak lang nito.

"Bitiwan mo ako Josh" mariin kong sinabi at sinubukang makawala ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pag hawak ng kamay ko.

Dahan dahang nag angat ang tingin niya sakin, kitang kita ko ang lumuluha niyang mga mata na kapag nakita ng kahit sino ay bibigay na agad.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko ngunit kahit katiting na awa ay wala akong naramdaman para sa kanya, puro pait, galit, poot at pagkamuhi ang nararamdam ko para sa lalaking minahal ko.

"Please don't make this harder for us, forgive me Angelina" umiiyak pa niyang sambit na nag pakulo sa dugo ko.

Mabilisan ko siyang sinampal at kitang kita ko ang pag kagulat sa mga mata niya, hindi ata inaasahan ng hayop na sasampalin ko siya.

"Saan Kita papatawarin? Sa panloloko mo sakin? Sa pambababoy mo sakin? Sa pambababoy ng mga kaibigan mo na ikaw Ang may pakana? Sa pag papalayas mo sakin? Sa pantataboy mo sakin? O baka Naman sa pag papalubog mo sa negosyo ng mga kaibigan ko nung tinulungan nila ako? Ano saan ba dun ha?!! Sa lahat ng kagaguhan na ginawa mo saan kita banda papatawarin?!! Sabihin mo!!!" Sigaw ko sakanya at hinugot ang kamay ko mula sa pag kakahawak niya.

Kung kanina ay nagulat siya sa pag sampal ko, ngayun naman ay mas lalo siyang nagulat sa pagsigaw ko.

"Tangina anong tingin mo sakin? Diyos? Na papatawarin ka kahit anong gawin mo?! Ano toh? Story na kapag nag sorry yung lalaki papatawarin na siya ng babae kasi mahal niya at mas gusto yun ng readers kasi nag sisi at nag hirap naman ang lalaki?!!? Putanginang story yan kung ganun!!!" Bulyaw ko uli sakanya pero nananatili siyang nakatungo.

Naiiyak ako, hindi dahil naaawa ako sakanya kundi dahil naaawa ako sa sarili ko lahat ng kahirapan ang dinanas ko sa kamay ng lalaking Yan.

Yung pang gagago niya, ilang ulit siyang nag dala ng babae sa bahay namin pero hindi ko siya binulyawan kasi alam kong magagalit siya, magagalit ang mahal ko.

Ilang beses niya akong binaboy, hindi pa ata yun sapat, inimbitahan niya ang mga kaibigan niya para makisali. Wala akong nagawa buong gabi kundi ang mag makaawa pero tinuloy parin nila.

Nung araw na pinalayas niya ako at tumungo ako sa mga kaibigan ko para makitira pero nalaman ko nalang na babagsak ang negosyo nila kapag tinulungan nila ako ng dahil narin sa leche kong asawa.

Lahat ng mapapait na memoryang iyon ay sumalubong sa akin, kinaaawaan ko Ang sarili ko, napunta ako sa demonyong katulad niya.

At ngayun ang demonyo ay nakaluhod sa harapan ko, humihingi ng tawad sa hindi ko alam na kadahilanan.

Biglaan siyang pumunta sa boarding house na tinutuluyan ko at nag demandang kausapin ko siya ngayun, sumisigaw pa sa harapan ng bahay kanina.

"N-nalaman ko..." Bulong Niya habang patuloy paring humihikbi.

"Nalaman mong ano? Na may magagandang babae dito? Ano kakantutin mo?" Pabalang kong sagot na kahit na alam kong bastos ay wala na akong pake elam.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko, "n-na b-buntis ka..." Nag karoon ng determinasyon ang boses miya, lumiwanag ang mukha niya ngayon, akala mo'y nag karoon ng pagasa.

Walang gana ko siyang tinignan, "oh tapos? Ano sa tingin mo ikaw ang ama nito?" Napatawa pa ako at biglaang sumeryoso ang mukha niya.

"Bakit?! Sino ba Ang ama?!" Pagalit niyang sabi na parang kasalanan ko pa, salubong na salubong ang mga kilay niya at umiigting ang perpekto niyang panga.

"Hindi ko alam... Ilan ba kayo nung gabing yon? Apat? Lima? Anim?" Hindi ko mapigilan ang pag labas ng lungkot sa tono ng boses ko, nawalan ng kulay ang mukha niya, ang kaninang nag pupuyos na galit ay biglang nalungkot, kitang kita ang guilt sa mata niya.

"Kung sino man ay wala nakong pake! ako ang mag papalaki sa anak ko! Hindi kailangan ng anak ko ng demonyong amang katulad mo!" Maluha luha ko siyang sinamaan ng tingin, biglaang tumakas ang isang luha sa mata miya.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, walang awa para sa kanya, wala na rin ang pag mamahal.

Sinagad na niya ako, wala na ang lahat sa akin at hindi ako papayag na makuha niya ang anak ko, kahit na kanya man ang sanggol o hindi ay hinding hindi ko ito ibibigay sakanya dahil lang nag hihirap na ako.

"Mahal na m-mahal pa k-kita Angelina" buong puso niyang sinabi.

"Hindi na kita mahal Josh" sinagot ko siya ng walang pag aalinlangan, alam ko sa sarili kong totoo yon, alam ng puso kong totoo yon.

Bumaba ang tingin niya, "ano b-ba Ang d-dapat kong gawin para m-mapatawad moko?" Puno ng hinanakit ang boses niya pero wala na, wala na akong nararamdaman para sa kanya.

"Huwag mo na akong gambalain pa, baka patawarin pa kita" walang emosyon kong sinabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Time will come and wounds will heal, but the scars won't fade, mapatawad ko man siya ay matagal na panahon pa iyon.

Unti unti akong humakbang palayo sa kanya, hindi na ako lumingon pa, hinayaan ko siyang lumuhod ron sa tapat.

Lahat ng pang gagago niya sakin ay ginawa niya ng walang dahilan, binaboy niya ako Kasi tigang siya.

Hindi lahat ng storya kailangan ay magtatapos na mayroon palang malaking dahilan kaya nag sala, hindi lahat ng storya ay may namamatay at ma guguilty ang isa, ayun lang ang perspective ng ibang tao para naman may matauhan.

Walang may sakit, walang mamamatay, walang masasagasaan, walang mag kakaamnesia, walang dahilan ang pang gagago niya

Minsan talagang gago ang mga tao, walang hiya, at sa huli magsisisi.

Pero sa ginawa kong to, hinding hindi ko pinag sisihan, nakawala ako sa kanya, nasabi ko ang gusto kong sabihin.

Wala nang pag mamahal ang naitira ko para sa sarili ko, ngayon na mag kaka anak na ako ay siya naman ang mamahalin ko pati narin ang sarili ko.

Hindi dahil bunga siya ng kababuyan isang gabi ay magagalit na ako sa kanya, sa katunayan masaya ako na may makakasama na ako uli sa buhay.

Hindi na ako muling lumingon kay Josh at sa nakaraan ko, tuloy tuloy lang ang lakad ko katulad ng pagtuloy tuloy ko sa buhay ko nang hindi nililingon ang madilim na nakaraan, tuloy tuloy lang sa kasalukuyan.

Kahit na pagod na akong mabubay ay lalaban parin ako para sa anak ko, para sa aming dalawa.

Dahil hindi pa dito nag tatapos ang istorya ko...

One Shots I Write When I'm Bored (Filipino)Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora