Simula

4 2 5
                                    


"Ten, twenty, thirty.." Masayang naglalaro ang mga kabataan ng chinese garter. Alas singko na ng hapon subalit wala pa ring nakaka-alis sa level four ng side view at tapak.

"Parang awa mo na, Kuya.."

"Tapak one, tapak lahat. Dead mother, dead all. No coaching. No lahat" Ani ng isang maliit na babae sapagkat napipikon na ito dahil hindi sila maka-alis alis sa level 5 ng first round.

"Ano ba tito! Ano ba yan!"

"No ayawan. Ang umayaw hindi na isasali kahit kailan."

"Rav, pinsan mo 'ko. Ba't mo ginagawa 'to? 'tigil mo na."

"Punyeta ka talaga! Wala kang kwenta kahit kailan. Ang tanga-tanga mo. Ang simple-simple lang ng inuutos ko hindi mo pa magawa."

Bakit ako? Bakit sakin nangyayari lahat 'to?

"Mara, noong ipinanganak kita, ikaw yung kakaibang mukha kasi ikaw yung pinakapanget" Sinundan niya ito mahina at mahinhin na tawa. "Sabi nga ng daddy mo 'Bakit ang panget? Hindi kaya napalitan 'to?'"

Kung sakaling napalitan nga 'ko sino kaya ang tunay kong magulang? Ganito rin kaya ang trato nila sakin?

"Kuya.. Tama na. Ayoko na"

Siguro nga wala talaga kong kwenta, wala akong silbi, isa lang akong basura. Hindi siguro nila magagawa 'yun kung wala ako.

"Saglit nalang 'to. Mabilis lang 'to. Bibigyan nalang kita ng pera mamaya pagtapos"

Wala siguro silang anak na tanga.

Siguro kung wala ako maayos sila.

Siguro kung wala ako hindi sila makakagawa ng ganong bagay.

Siguro kung wala ako.. Mawala nalang kaya ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon