Nanginginig sa takot na nasaksihan niya ang bagay na yun at makita ang isang bulto ng babae na may hawak na kulay silver na patalim at ang mga pangil nito.

Katulad ito ng halimaw na ngayon ay naging abo na.

"P-parang a-awa mo na..h-huwag mo ako s-sasaktan...t-tulungan mo ako," saad niya ng makabawi at napaigik ng humilab muli ang tyan niya.

Nilapitan siya ng babae kahit nangangamba siya rito ay hindi na niya magawa pa dahil sa paghilab ng tyan niya.

"Manganganak ka na," saad nito.

Tila nakalma siya at nakaramdam ng kaligtasan ng marinig ang malamyos nitong boses.

Napaluha siya at napakapit sa braso ng babae tumulong sa kanya mula sa kung anong klase halimaw na yun!

"P-parang awa mo na..tulungan mo kami ng anak ko,"nagmamakaawa niya sabi rito.

" Dadalhin kita sa ospital,"anito at doon na nawalan ng malay ang babae.

Pagkamulat niya ng mga mata agad na nasilayan niya ang mukha ng babae. Napabangon at agad na nasapo ang tyan. Wala na ang umbok roon.

"A-ang anak ko," kinakabahan niyang saad.

Kalmante at matiim na tinitigan siya ng babae. Napaatras siya at napasandal sa headboard ng kinahihigaan niya. Malinaw pa sa alaala niya ang anyo ng babae. Ang pangil nito.

"Maayos ang sanggol.." tugon nito.

Nakahinga man siya ng maluwag dahil ligtas sila ng kanyang anak pero nanatili ang takot at pangamba sa dibdib niya.

"Anong ipapangalan mo sa sanggol?" untag nito sa kanya."Natatakot ka pa rin ba sakin?"

"G-Geneva..." sagot niya sa unang tanong nito. "H-hindi mo ba kami sasaktan? N-nakita ko na...na may p-pangil ka t-tulad nung h-humabol s-sakin,"patuloy niya.

Mataman siya tinitigan ng babae.

Lumapit ito at napakapit siya sa bedsheet.

" Hessah...ang pangalan ko,ikaw?"

"V-Veronica," tugon niya.

Naglahad ito ng palad sa kanya. "Pwede tayo maging magkaibigan...kung gusto mo lang naman. Pwede kita tulungan makapagsimula muli sa buhay mo ngayon may anak ka na," saad nito na kinalugod ng puso niya.

Namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.

"S-salamat...u-utang ko sa iyo ang buhay namin mag-ina," umiiyak na niyang turan.

Hindi palagi madilim ang buhay may liwanag din tatanglaw sayo kahit na...kakaibang liwanag pa iyun.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon