Chapter 20: Matching Chains

Start from the beginning
                                        


"Pumili ka na dyan." utos niya sa akin nung asa harap na kami ng isang shop ng cellphone. Ang daming klaseng cellphone ang nakadisplay sa loob ng mga glass cabinets tapos may iba't ibang accessories din silang binebenta.


"Ano po bang brand ang hanap niyo?" tanong nung babaeng saleslady sa loob. Ako naman patuloy na tumitingin pa pero nagawa ko rin naman siyang sagutin kahit papano.


"Basta yung pwedeng makatawag." wala sa wisyo kong sagot tapos yung katabi ko pa naman tinawanan ako.


"Miss ano bang bago niyo dito?" tanong nung mokong na katabi ko tapos napansin ko na lang na mapatunganga yung babae kay Mervin. Ayy bwesit. Bat ba ganito lagi pag kasama ko tong lalaking to.


"Ahm girlfriend niyo ba siya?" tanong nito kay Mervin. Ano namang konek nun sa tanong nitong kasama ko? Tsk. Pag sinagot niya ba yun kusang lalabas yung bagong release na brand ng cellphones? Di ba hindi naman? So anong konek??


"Oo bakit?" deretsahan niyang sagot. Pagkatingin ko sa kanya halos sumayad yung baba ko sa sahig sa gulat. Anong girlfriend? Di kaya kami magkaano ano. Itong mokong na to nawiwili na ata sa pagkakalat na may namamagitan sa amin samantalang wala naman talaga!


"Ah." sagot nung babae bago magpakawala ng plastik na tawa. Hindi ko maiwasang matuwa sa ekspresyon ng mukha niya at sabihan siya ng 'Oh ano ka ngayon? Ang landi mo kasi.' hahaha! Pero hindi ko naman pwedeng gawin yun kasi as always nagsinungaling na naman si Mervin sa status naming dalawa.


"May bagong labas pong couple cellphone. Ito po baka magustuhan niyo." nilabas nung saleslady yung tinitignan ko kanina na manipis na touch screen. Sa itsura pa lang mamahalin na.


"Okay, kukunin na namin." kung pupwede lang ay masasabi kong nagulantang ang pagkatao ko sa sinabi ni Mervin. Walang tingin tingin sa presyo niyang sinabi na kukunin na daw namin? Saka ano daw? Di ba sabi nung babae, couple's cellphone so ibig sabihin dalawa?


"Di ba may cellphone ka pa?" bulong ko sa kanya."


"Oo." simple niyang sagot habang kinukuha yung pitaka niya.


"Eh bakit yan binibili mo? Dapat yung pang-isahan lang." sabi ko pero umismid lang siya.


"Nakita ko kasing pinaglalawayan mo. Naawa naman ako sayo." tapos naglabas siya ng credit card.


"60,000 pesos po lahat." napakunot yung noo ko sabay nganga sa sinabi ng saleslady.


"Ano daw? Huwag mong bilhin!" I hissed habang pinandidilatan ko siya ng mata.


Pero nangibit balikat lang siya. "Sorry. Sold." sabi niya sabay abot sa akin nung kulay pink yung case na cellphone.


"Ayoko nito. Ibalik mo! Masyadong mahal." pangangatwiran ko. Pinilit kong ibalik pero hindi niya tinanggap.


"Tanggapin mo o itapon mo." sabi niya at nagsimula nang maglakad. "Kaw na bahala. Sayo naman yan eh."


Grabe! Para sa cellphone lang gumastos siya ng ganun kalaking halaga!? Tanga ba siya o talagang sobrang yaman lang niya at kaya niyang gumastos na para bang bumibili lang siya ng candy??


Naglakad takbo akong sumunod sa kanya hanggang sa magkasabay na kaming maglakad. "Akin na lang yung blue. Palit tayo." nakayuko kong sabi. Ayoko kasi ng pink. Ang pangit ng kulay. Saka yung blue naman talaga ang tinitignan ko kanina eh.


"Oh." agad niyang inabot sa akin yung blue na cellphone at binigay ko naman yung pink sa kanya. Gusto ko sanang matawa dahil pink yung case nung phone niya at may glitters pa yun kaya lang magmumukhang wala naman akong utang na loob pag ginawa ko yun.


At saka ang mahal ng pagkakabili niya dito. Grabe lang! Kung ako nga halos maghirap na pagkasyahin yung 5,000 na sweldo ko sa isang buwan, pero siya kung makagastos parang tinatae niya lang ang pera.


"Wait."


Sabi ko na nga ba joke lang to eh! Babawiin niya yung cellphone o kaya sasabihin niyang bayaran ko sa kanya. I should have seen it coming na hindi gaya niya ang magbibigay ng libreng gamit at take note mamahalin pa.


"Dyan ka lang." napatunghay ako nung bigla siyang umalis. So ngayon iiwanan naman niya ako?? Teka? Baka kumuha siya ng mga guard tapos sabihin niya ninakaw ko tong phone? Engk. Mali. Lakas na siguro ng tama niya kung gagawin niya yun at para naman sa aking nakaisip nun, grabe ganito na ba ako mag-isip? Napaka unrealistic ko naman.


Ano na naman kayang pumasok sa kokote ng isang yun. Baka mamaya binalikan niya yung malanding saleslady tapos hihingi siya ng discount. Ahahaha.


Ugh, kung kanina napagkakatuwaan ko sila nung saleslady ngayon naman naiirita ako. Natubuan na ata ako ng ugat kakahintay dito sa labas sa kanya. Ano ba kasing ginagawa niya sa loob??


"Oh ito." napalingon ako at nakita yung nakakuyom niyang kamay. "Akin na kamay mo." ayoko nga mamaya may kung ano kang gawin. Tapos magulat na lang ako may gumagapang na mga uod sa kamay ko.


Dahil nga sa hindi ko pa binibigay yung kamay ko ay siya na mismo ang kumuha doon tapos bigla na lang akong nakaramdam ng malamig na bagay sa palad ko.


"M?" takang tanong ko nung makita ko yung silver na chain.


"Yep, ilagay mo sa cellphone mo."


"Ano na naman bang kalokohan to?"


"Basta ilagay mo na!"


"Fine!"


Seriously may pagkademanding ang lalaking to. Akala mo eh menopausal minsan.


Ikinabit ko na lang yung p.nyetang keychain sa cellphone saka ipinakita sa kanya.


"Happy?" sarkastiko kong tanong tapos nginisian lang niya ako. Ipinakita niya sa akin yung pink niyang cellphone at hindi ko maiwasang matawa. Pfft... Pink...


Hindi ko kayang isipin si Mervin at pink ng sabay. Hahaha.


Pero may mas nakapukaw pa ng atensyon ko at yun ang kumikinang na letter V na katulad nung M sa akin.


"These chains shall remind you of our contract."


"Kailangan pa ba talaga nito?" hindi niya pinansin yung tanong ko at nagsalita siyang muli. Aba magaling.


"V stands for Veronica and M for Mine." he smirked. Niswing niya yung chain niya na may nakaengrave na letter 'V' habang nakatingin sa akin ng nakakaloko. "This letter shall remind me of you. Whether you like it or not. You're with me from now on." he trailed off eyeing me and the letter 'M' chain on my cellphone. "And you Veronica, are Mine and no one else's."

I shook my head real fast. Bat ko ba kasi naalala yung nakakapangilabot na pangyayaring yun. Sa kanya lang daw ako, at kelan pa niya ako naging pagmamay-ari? Sino ba siya sa tingin niya? Ginagawa ko lang naman to para sa suswelduhin ko at para na rin sa premyo kong condo.


Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa auditorium para mapaglingkuran ang kanyang kamahalang demonyo nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Nananayo na kasi yung balahibo ko na para bang ang tindi ng pagkakatitig sa akin.


Sinubukan ko munang pakiramdaman ang paligid dahil ayaw kong magjump into conclusion na naman dahil baka mamaya guni guni ko lang yun. Wala naman din kasi akong nararamdamang sumusunod sa akin.


Nung lumaon ay hindi ko na talaga matiis. Halos wala kasing tao sa paligid dahil siguro asa auditorium pa sila pero hindi naman siguro ako mapapano dito. Sa main road naman ako naglalakad eh kaya nilingon ko na lang yung sa tingin ko ay pinagmumulan nung nakatingin sa akin.


May kotseng nakaharap sa direksyon ko at narinig ko na lang na umandar ang makina nito. Hindi ko iyon pinansin masyado at magpapatuloy na sana sa paglalakad ng biglang sobrang bilis ay tinahak nito ang kinaroroonan kong direksyon.


Iiwas sana ako dahil batid ko na medyo malapit ako sa driveway pero pinagtakahan ko na nang mas humarurot pa ito at makikita ang usok na ginagawa ng mabilis na pagkiskis ng gulong sa semento.


Sobrang bilis na hindi ko na nasundan ang sunod na pangyayari at ang alam ko lang ay ang malakas na pagtalsik ko sa gilid ng kalsada.


Ms. MVP vs Mr. PLAYERWhere stories live. Discover now