"Di kaya. Hindi ko na kailangan maghanap, sila na lumalapit." ngisi niya at naikutan ko tuloy siya ng mata. May pagkamahangin din to eh.
"Huwag ka nga." Ibinaba ko yung tinidor at mas umisod palapit sa kanya, taking in his features---brown messy hair, fair complexion, innocent brown eyes. Yumuko ako. Anong pinagsasabi ko? Kailan ko pa natutunang magdescribe ng mukha ng lalaki? I shook my head to clear my head out and before I knew it the second I looked up, our faces were just inches apart.
Napahiwalay ako bigla. Hoo. May karapatan nga siyang magyabang. May magpapatunay naman eh.
"Ronnie." tawag niya sa akin at pagkatingin ko nawala lahat ng ekspresyon ng mukha niya. "Ano.." napakamot siya sa ulo niya kaya mas lalo itong gumulo. "Ahm...kasi." pagpapatuloy niya samantalang ako naman ay nakatitig lang sa kanya. "Ano eh..."
"Uy Ron! Andito ka pala!" mula kay Tommy ay lumipat ang tingin ko sa tumawag at kasalukuyang naglalakad papalapit sa kinauupuan namin.
"Oh," nasabi ko na lang bago tumayo. "Bakit?" tanong ko at bago ko pa mamalayan ay biglang binatukan ni Timmi si Tommy.
"Aray ko naman!" sigaw ni Tommy sabay himas sa parteng binatukan ng kambal niya.
Pero imbis na humingi ng paumanhin si Timmi ay pinaningkitan nito ng mata si Tommy. "May paganito ganito ka pa. Slow ka pa naman!" teka ano bang pinag-uusapan ng dalawang to?
Hindi na lang sumagot si Tommy pero halatang tinatapunan niya ng matatalim na tingin ang kambal niya. Ahy naku ewan ko ba sa kambal na to. Minsan okay naman sila tapos ngayon bigla na lang nambabatok tong si Timmi.
"Bat ba kasi kayo andito?" binalingan ko ng tingin sina Red at Pen pati na rin si Ken na sinisimulang lantakan yung cake. May makakaagaw pa ata ako ah.
"Wala naman. We're just thinking that with you, we can go off the hook. Ayaw naming magdecorate sa ball na yun." sagot ni Red na tinanguan naman ni Pen.
"Kaya nga, nakakatamad eh." pagsang-ayon ni Ken na nginunguya na yung cake. Ugh! Yung cake ko!
"Tss. Kung alam niyo lang." bulong ko na mabuti na lang at walang nakapansin.
"Buti pa si Ronnie, nilulutuan mo ng cake sarili mong kapatid ni nilagang itlog hindi mo nagawang bigyan!" sabi ni Timmi na mukha namang nagpipigil ng tawa at sinusubukang maging ate sa unang pagkakataon. Ang pagkakaalam ko kasi mas nauna siyang lumabas kesa kay Tommy kaya automatic siguro na siya ang ate. Pero para sa isang ate yung ugali niya ay mas masahol pa sa bunso.
"Ano ka sinuswerte?" sagot naman ni Tommy sabay ayos na nung pinagkainan. Pero si Ken ayaw patalo at kinukuha yung platitong may slice ng cake. May mas masahol pa pala sa akin.
Ano ba talagang meron dito?
"Ring..."
"Uy may tawag ka ata Red" sabi ni Timmi.
"Di kaya baka si Pen?" tinitigan ng lahat si Pen maliban ako.
"Not me. Baka si Ken?" umiling naman si Ken habang punung puno ang bibig ng cake.
"Tommy?" tanong ni Timmi pero gaya ni Ken ay hindi siya sumagot at nagibit balikat lang.
And then just like that, all eyes were on me.
"Ringgg..."
"Ah teka lang." one word na makakapagdescribe sa sitwasyon dito.
Awkward....
Kinuha ko yung tumutunog na bagay mula sa bulsa ng palda ko at sinagot iyon.
"Hello." isang salita. Isang salita lang ang sinabi ko pero....
Chapter 20: Matching Chains
Start from the beginning
