005/Narration

122 11 4
                                    

Chapter 5 | Narration

"Pakibilisan ang lakad" Kalmadong utos ni Yuqi kay Lucas. Naglalakad sila ngayon pauwi. Sumakay naman sila ng Tricycle pero napag isipan nilang kumain muna sa malapit na Kainan sa kanilang Subdivision

"Gutom na kasi ako" Nakasimangot na reklamo  ni Lucas

"Gutom din naman ako kaya nga binibilisan ko eh"umirap si Yuqi at tumigil na sila sa tapat ng isang kainan na may pangalang Kainan Rawr

" Tara na" Aya ni Yuqi at pumasok na sila sa loob ng kainan

Umupo sila sa table for two at nag umpisa ng mamili ng pagkain sa menu card

"Akin lugaw tapos pandesal" Sabi ni Yuqi sabay tingin kay Lucas na busy sa pag tingin ng oorderin

"Ang gwapo potek" Sa isip ni Yuqi habang pinagmamasdan si Lucas na nakayuko at namimili ng oorderin

" Pag wala na talaga akong pag asa... Re-reypin ko na to. De joke" Umayos sya sa pag kakaupo ng tumingin sakanya si Lucas at ibinaba ang menu

"Akin lugaw at pandesal " Sabi ni lucas

"Gaya gaya ka naman akin yun eh" Sabay irap ni Yuqi

"Eh sa iyon din ang gusto ko" Taas kilay na sabi ni Lucas

"So sino oorder?" Tanong ni Yuqi

"Ikaw na"

"Bakit ako?! Ikaw na lalaki ka, Ano ba'yan di gentleman" Sabay tawa ni Yuqi

"Bahala ka ililibre pa sana----

" ANO NGA ULIT? Lugaw at pandesal din diba? Sige order na ako" Tumayo si Yuqi at naglakad para mag order na.
Gipit kasi sya ngayon at buti naman may balak manlibre si Yukhei

Si Lucas at Yuqi ay magkaibigan na noon paman. Simula grade 6 nila hanggang ngayon. Noon paman may gusto na sya kay Lucas, Hep-hep hindi sya malandi pero parang ganun nanga charot

Bestfriend at magkaklase sila pero syempre may mga kaibigan din naman si Lucas. Noong sumali sya sa  basketball hindi na masyadong sumasama sakanya si Lucas pero nung una lang naman iyon. Si Yuqi din naman may mga sariling kaibigan katulad nina Shuhua,Soyeon at iba pa.

Pagkatapos umorder ni Yuqi ay naupo na sya sa harap ni Lucas.

Nakangiti si Lucas habang may binabasa sa cellphone. Nakaramdam ng sakit sa dibdib si Yuqi kahit wala syang dibdib de joke

Sino kayang kachat nya? Bakit sya nakangiti?

Nakangiti si Lucas habang nilalagay sa loob ng bulsa ang Cellphone

"Bakit ka nakangiti?" Tanong ni Yuqi

"Wala lang " Sagot ni Lucas sabay tawa

Syet ang gwapo ng boses, pero sino kaya ang kachat nya? Sino kaya yung nagpapangiti sakanya?Sino kaya ang dahilan ng pagtawa nya?

"Wag ka ngang Ngumiti nababanas ako sa'yo" Yuqi smirked

"Luh masama na ba ngumiti?"

"Oo"

Nagkwentuhan lang sila tungkol sa teacher nilang panot na nakakainis

"Pota sabi saakin " Wong ano to? Mukhang hinugot sa pwet" Tas ako naman napakamot nalang sa ulo" Sabay silang nagtawanan sa kwento ni Lucas. Sila siguro ang pinaka maingay sa karinderya na iyon. Napapatingin sa kanila ang ilang kumakain doon

When their orders came they started to be quiet and just ate the food. Oh diba english yowNn

Pagkatapos kumain ay busog na sila at nanatili muna doon ng limang minuto bago napag desisyunan na maglakad na.

Malapit na ang kanilang bahay at unang madadaanan ang bahay nina Lucas

"Uy hatid mo ako!" Ani Yuqi

"Byeee" Pang aasar ni Lucas at kunwaring papasok na sa loob ng gate nila

"Syempre ihahatid kita no! Baka kung ano pang mangyari sayo dyan" Seryosong sabi ni Lucas. Napaiwas ng tingin si Yuqi sakanya at pinigilan ang ngiti.

Lakas magpakilig ng gago. Eywan wala naman sigurong nakakakilig roon?  Medyo mababaw si ako

Pag maglalakad talaga sila pauwi lagi syang sinasamahan ni Lucas papunta sa kanila. Minsan nalang silang umuwing magkasama lalo na at  basketball player si Lucas, magkaiba minsan ang oras ng uwian nila at minsan naman ,mga kaibigan ni Lucas ang kasama nya sa pag cocommute kahit na magkakaiba sila ng subdivision.

"Geh pasok kana. Aalis na ako pagkapasok mo" Sabi ni Lucas habang inaayos ang buhok

Ang hot..

"Sige thanks sa libre at sa paghatid saakin dito sa bahay" Ngumiti si Yuqi at binuksan na ang gate habang si Lucas naman ay nakangiting nakatingin sakanya

"Bye" Ani Yuqi at tumalikod na para pumasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok nya sa loob ng bahay ay nadatnan nya ang mama at papa nya na nag aanuhan sa sofa, what i mean is nagkukwentuhan sa may sofa habang nanonood ng TV.

Pumunta sya sa may bintana at sinilip si Lucas sa labas ng gate. Wala na si lucas doon at naglalakad na sya paalis

Ngumiti si Yuqi at sinabing kumain na sya kasama si Lucas sa kanyang magulang kasi inalok syang kumain.
Pumasok sya sa kanyang kwarto at napangiti.

Gumulong gulong pa sya sa kama

Sana palaging ganto...

Kahit na may nararamdaman ako
Para sayo....

Kahit na hanggang kaibigan lang ang turing mo saakin....

Ayos na ako sa ganto, ayos na saakin na nakakasama kita,na nandito ka  palagi para saakin.

















Without YouOnde as histórias ganham vida. Descobre agora