"Sorry kung dinamay pa kita sa problema ko, alam ko naman gusto mong maging malaya. Gusto mo pang maka meet at maka date nang ibang lalaki. Sorry talaga" sambit ko sa kanya at hinalikan sya sa noo at niyakap.

~~~~~~~~~~

"Ok one, two, three" aniya ni Richard ang photographer namin.

Kasalukuyan kasi kaming nag pho-photo shoot para sa kasal namin. Si Klariz naka red na top na off shoulder, cropped pants na white at heels na black. Samantalang ako naman ay naka sweater na light gray, black na pants at white na shoes. May mga ilang tao na din nag datingan na dito kasama na dun si Rose. Well habang nag pho-photoshoot kami ay natatanaw ko sya sa di kalayuan na nakatingin sa amin nang masama. I know that she is jealous about Klariz because I choose Klariz rather than her.

"Ah closer pa kaya kayo medyo lapit nyo pa yung mukha nyo sa isat isa" suggest nung light man namin. Naka indian sit kaming pareho at mag katabi.

"Oh sige" sagot ko sa kanya. Medyo naiilang sya sa ginagawa namin. 1 inch nalang ang layo namin sa isat isa. Tumingin ako kay Richard na sumesenyas sa akin na ituloy ko kaya tumango ako at nag handa na sya. Dahan dahan pa akong lumapit sa mukha nya at inis-smack sya sa labi.

"Nice shot" sigaw sa amin ni Richard kaya dali dali akong pumunta sa kanya.

"Patingin nga" sabi ko sa kanya at ipinakita nya yung pic, ang ganda nga buti nakuhaan nya yun agad. Tumingin ako kay Klariz na naka tulala lang.

"Love tingnan mo ang ganda oh" aya ko kay Klariz kaya bumalik sya sa katinuan nya. Agad itong lumapit para tingnan.

"Naks naman bagay na bagay talaga kayo" aniya ni Richard sa aming dalawa kaya napatingin kami sa kanya at natawa nalang sya.

"I think that's it, tapos na yung shoot" sigaw ko sa staff. Nag liligpit nalang sila nang bigla akong hatakin ni Klariz sa tent naming dalawa.

"Bakit mo yun ginawa?" bungad nyang tanong sa akin.

"Ang alin? Yung kiss?"

"Oo" sambit nito na medyo naiinis na kaya napa iling nalang ako.

"Para mukhang mag on na tayo" sagot ko dito at umupo at ngumiti sa kanya na nangangasar.

"Kahit na, first kiss ko yun eh. Antagal kong iningatan yun tapos ganun mo lang nakuha!" iritang saad nya sa akin

"Well lucky you, because I am your first kiss"

"Kapal mo!" aniya nito at umupo na din sa tabi ko. Nag palit na ito sa flat shoes.

"Gusto mo bang ituloy natin?" pang aasar ko sa kanya kaya tumingin ito sa akin.

"Kadiri ka, dyan ka nga" aniya nito at lumabas, agad ko naman itong sinundan hanggang makarating kami sa parking lot.

"Bat mo ako sinusundan?" tanong nito at itinaas ang kilay at nag cross arm

"Nothing, gusto ko lang malaman kung saan ka pupunta. Ano bang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya pero tinalikoran nya lang ako.

"Ah ganun" dagdag ko pa at dahan dahan lumapit sa kanya at niyakap sya patalikod.

"Anong ginagawa mo?"

"Nilalambing ka" sagot ko sa kanya at hinalikan pa sya sa leeg nya.

"Tumigil ka nga dyan, baka may makakita sayo" aniya nito na medyo nakikiliti na.

"Bakit? Magiging asawa naman kita ah" sabi ko sa kanya at bigla syang humarap

"Correction kunwareng asawa"

That ContractWhere stories live. Discover now