Chapter 7

594 9 1
                                    

Klariz's pov

Nagising ako dahil sa sinag nang araw at medyo malamig na hangin. Nasa tabi ko si John habang naka akbay sa akin. Naka upo kami ngayon sa tapat nang dagat. Sa ngayon ay pinapanood lang namin ang pag lubog nang araw, dahan dahan kong nilagay ang ulo ko sa balikat nya. Ilang sandali pa ay nag salita na sya.

"Alam mo Klariz, hindi ko alam na aabot pala tayo sa ganito ang pag papanggap natin" sambit lang nito habang naka tingin sa papalubog na araw.

"Oo nga eh"

"Ay gising kana pala, akala ko tulog ka pa" gulat na sabi nito sa akin.

"Ka gigising ko lang" malambing kong sabi sa kanya.

"Ano gutom kana ba? Kain na tayo dun sa loob o dito nalang muna tayo?"

"Hmm dito nalang muna, maganda pa ang view eh" aniya ko at tumanggo sya.

Ilang minuto din kaming nag tanggal don bago kami pumasok. Maganda din ang resort nila, may mga cottages malayo dun sa dagat. May mga kwarto din dito. May swimming pool at isang malaking kainan. At may mga trabahador din.

"Masarap ba?" tanong nito sa akin kaya tumanggo ako, kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa kainan nila. "Bukas nga pala ang photo shoot natin" dagdag pa nito. Nang matapos kami ay medyo inaantok na ako. Tinanong ko sa kanya kung saan ang kwarto para maka pahinga ako, agad nya naman akong hinatid. Nang makarating kami ang agad akong natulog.

John's pov

Nandito ako ngayon sa tabi nang dagat at nag iisip nang kung ano ano.

"Oh brad mukhang malalim iniisip mo ah, o inom ka muna" aniya ni Richard, nauna na sya dito para maka pagprepare na. Ibinigay nya sa akin ang isang bote nang san mig.

"Di naman, medyo kinakabahan lang"

"Naks naman, normal lang naman yan sa mga ikakasal eh maliban kung hindi ka pa sigurado na sya ang papakasalan mo at gusto mo makasama pang habang buhay"

"Grabe ka naman sigurado naman ako sa kanya"

"Ito naman binibiro lang eh, by the way kamusta na kayo ni Rose? Balita ko invited sya"

"Ayun ok lang naman, friends lang kami"

"Friends lang ba talaga? Hahaha"

"Stop it baka mamaya may makarinig pa sayo"

"Eh kasi naman noon, ayaw mo syang makita or ayaw mong banggitin o marinig ang name nya tapos ngayon, bigla bigla kayong magiging mag kaibigan. Pano nangyare yun?"

"Look Richard, I already forgive him kasi maikakasal na ako kay Klariz"

"Ok pero curious lang ako, pano mo nakilala si Klariz. Ang alam ko kasi ay wala kang dini-date noon"

"Ok I will be honest for you, Klariz is my secretary at ang kasal namin ay isang krontrata lang"

"Ano? Baket?" gulat nyang tanong sa akin

"Kasi yun lang ang tanging naiisip ko para hindi ako maikasal kay Rose"

"Pero pano na pag natapos yung krontrata nyo? Ano na ang inyong gagawin?"

"Edi back to normal" aniya ko sa kanya at tumayo na para umalis.

Nasa harapan na ako nang pinto namin. Aakmang bubuksan ko na ito nabg bigla kong naisip ang sinabi sa akin ni Richard. Pano nga pala pag nag end ang contract namin? Ano na ang gagawin namin? Di naman pwedeng ipasawalang bahala ko iyon dahil ang alam nila ay mag asawa kami. Hayst John bakit di mo iyon naisip. Pumasok na ako nang kwarto namin. Nakita ko si Klariz na mahimbing na natutulog, tumabi ako sa kanya at tiningnan sya.

That ContractWhere stories live. Discover now