Chapter 4 - Meet Him Halfway

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakakarindi na sa tenga yang kakangawa ngawa niya dyan.

"Just shut up! Okay?" sabi ko habang kumakain ng burger.

"Problema mo?" inirapan ko lang siya at tahimik na kumakain ng may biglang natahimik ang maingay na Cafeteria.

Anong nangyari?

Luminga linga ako pero mukha ng mga estudyanteng natatakot at napapayuko. Bakit sila ganyan? Nagkatinginan lang kami ni Flaire dahil kakatransfer lang namin dito.

Kinulbit ko ang babaeng katabing mesa namin "Anong meron?"

"Papunta rito ang Dark Gang kaya yumuko ka na lang at manahimik. Wag na wag kayong magsasalita pag nandyan pa sila." sabi ng babae habang nakayuko.

Nagkatinginan uli kami ni Flaire saka sabay na yumuko at parehong nakikiramdam. Takte. Ayokong makipag-away dahil bago pa lang kami dito kaya sumunod na lang kami.

Maya maya'y naramdaman kong may mga taong pumasok. Mabibigat ang mga paa at saktong sa harap ko pa sila huminto. Ano bang ginagawa nila? Gustong gusto kong malaman!

Pagkaraan ng ilang minuto ay umalis narin sila. Tsk. Ano bang kalokohan yun?

Inangat ko na ang mukha ko at bahagyang sumilip sa kanila. Puro sila nakablack at matatangkad. Blonde yung nasa unahan.

Marami namang nakahinga ng maluwag. Kinublit ko na naman yung katabi namin.

"Ano bang nangyayari?" tanong ko.

"Bago lang ba kayo dito?"

"Oo." sabay naming sagot ni Flaire

"Paupo ako ah?" tumango na lang kami ni Flaire.

"So, sino ang Darken Gang?"

"Ang Darken Gang ay.. uhmm.. ano nga ba.. Ah! Mga gangster sila! Pero yung iba sa kanila ay hindi dito nag-aaral."

"Pero paano sila nakakapasok kung di naman pala sila nag-aaral dito?" tanong ni Flaire

"Dahil isa sa myembro nila ay ang mismong may-ari ng University na 'to. Si Fernando, 2nd Rank siya. Kilala bilang 'Dark Slayer'. Sharp shooter, masungit at mainitin ang ulo, matalino at mabilis gumalaw. Pero grabe, sobrang gwapo niya! Marami ngang naghahabol sa kanyang mga babae pero hindi niya pinapansin ang mga yun. Nang isang araw natuto siyang magmahal ng isang simple at mahirap na babae pero nilo lang siya at ginamit para sumikat at yumaman pagkatapos ay iniwan na lang basta basta kaya mas naging masungit pa siya lalo."

"May picture ka ba niya?" Tanong ko dahil gusto kong malaman kung mas gwapo pa yan sa asawa ko.

Ano daw?

Ansabe ko?

"Wala eh, nasa bahay hehe." napakamot siya ng batok.

"Sino naman ang 1st Rank?" tanong ni Flaire

"Siya si Mckinley. Sobrang tahimik na tao. Matalino. Malupit. Mayaman. Yun lang alam ko sa kanya kasi napakamisteryoso niya eh. Kilala siya sa pangalang 'Dark Master'."

"Yun lang?" tanong ko, ba't ang konti?

"Eh kasi, mas gwapo si Dark Slayer hehehe"

"Ang 3rd Rank?" Flaire

"Si Villafuerte. Ang 'Dark Gamer' ng grupo. Mahilig siyang maglaro ng mga kumplikadong bagay. Maglaro ng buhay ng tao ang hilig niya. Malas mo lang kapag ikaw ang naging subject niya. Manhid siya sa mga taong nagmamahal sa kanya kaya kawawa ka kapag nainlove ka sa kanya."

"Ah. Grabe naman. Ang tindi." Flaire

"Oo, magpinsan nga daw sila ni Fernando eh."

Argh!

My Troublesome Guy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon