Chapter 1

44 2 0
                                        


  YURI'S  P.O.V


"Pitong estudyante ng Our Lady of Seven Sorrows Academy dito sa bayan ng Gracias ang di umano'y sinapian ng masasamang espiritu."

Malakas na pag uulat ng babaing reporter dito sa labas ng gate ng school.

"February na pala." bulong ko sa sarili matapos ma realized ang petsa.

Kasalukuyan akong nag lalakad papauwi ng mapansin ako ng reporter.Kaya dali dali akong naglakad dahil malamang iintirbyuhan ako nito.

Mahigpit kasing ipinag babawal sa school na bawal mag pa interview sa media kapag tungkol sa mga kababalaghang nang yayari sa school.

Hindi ko na namalayan na nahabol na pala ako ng babaing reporter na halos hinihingal na.Kaya tumigil ako at hinarap sya.

"Miss pwede ba kita ma interview sandali?"nakikiusap na tanong nya.Pero tumalikod lang ako kaso hinablot nya ang braso ko.

"May ibibigay kaming 1000 load at gift cheque sa mag-papa interview"nakangiting pag aalok nya.

At dahil dun bigla akong napangiti senyales na papayag na ako.

Agad nya akong hinila papalapit sa mga kasamahan nya.

"Anong pangalan mo?"paunang tanong nya sakin.

"Yuri Hae po."tugon ko.

"Totoo bang sinasapian ang mga school mate mo sa mismong school nyo o di kaya'y isa lang itong haka haka?"tanong nya.

"Totoo ho ito dahil simula na ho ng Elsombra de Pebrero dito sa Gracias "sagot ko kaya naman napansin kong nanlaki ang mga mata nya.

Napaka nerbyoso naman to, sabagay galing manila. Tss

"Kapag sumapit na ang buwan na to,marami na ang mga nasasapian dito lalo na ang nakikipaglaro ng F.L.A.M.E.S kay Senyor Del Cruz." kwento ko.

"Flames?Yung isusulat ang pangalan mo at pangalan din ng crush mo para malaman kung compatible kayo?" gulat na tanong nya. Tumango ako.

"Sino naman si Senyor Del Cruz?"tanong nya.

"Sya ho ang sikat na multo sa school namin"sagot ko. Napamaang naman ang reporter pati ang mga kasamahan nya.Tumingin silang lahat sakin pero nanatili akong seyoso.

"Si Senyor ay kalimitang ginagamit panakot sa mga bata dito samin.Lagi rin syang laman ng Urban Legend dito sa school.Pero hindi alam ng karamihan ay totoong tao sya at nabuhay talaga dito mismo sa bayan ng Gracias."kwento ko

"Galing sa prominenteng sikat na pamilya si Senyor.Gwapo,matalino at maraming talento.Pero ang hindi alam ng lahat ay may tinatago syang saltik sa utak.Bata palang,napansin nang mga magulang nya na mahilig syang maglaro ng apoy.Natuklasan nilang may 'Pyromania' ito o yung hindi mapigilang hilig sa paglalaro ng apoy.Sinubukang itago ng kanyang pamilya ang kakaibang kundisyon ng kanilang anak."

"Pero ng tumuntong sya sa edad na 18.Nalaman ng buong bayan kung anong klaseng halimaw si Senyor."

"Anong ginawa nya?"tanong nya habang isinusulat ang mga sinabi ko.

"February 14 1980 bisperas ng Elsombra Festival at masaya ang mga estudyante dahil Js Prom ng school namin.Wala silang kamalay-malay na may binabalak si Senyor ng gabing yun."

"Sa gitna ng kasiyahan,napansin ng mga teacher na may nangangamoy sunog at may nakita silang umuusok mula sa library.Ang hindi nila alam kinulong pala ni Senyor ang apat nyang matatalik na kaibigan at sinilaban ito.Namatay ang apat nyang kaibigan...kasama sya."

"Dahil sa trahedyang dinulot ni Senyor,nagalit ang buong bayan ng Gracias sa pamilya nya.Ang dating prominenteng sikat na pamilya Del Cruz ay nag kawatak watak, nalugi ang mga negosyo nila at nag pasya na silang lumipat sa Manila."

"Matapos ang trahedyang yun naging usap usapan dito sa bayan na hindi pa tapos mag hasik ng lagim si Senyor.Dahil isang buwan matapos masunog ang school library, nasunog ang buong campus ng Our Lady...,wala namang namatay o nasaktan pero natupok ang buong school.Kaya naniniwala ang lahat na nagbalik si Senyor para tapusin nya ang hindi nagawa...."binitin ko ang sasabihin ko at tumingin sa babaing reporter.

"ang sunugin ang buong school."dugtong ko.Nakita kong manghang mangha sya sa sinabi ko.

"P-pano nangyari yun?Diba kasamang namatay si Senyor sa naunang sunog nung February 14 1999?"nagtatakang tanong nya.

"Dito kasi sa bayan namin may paniwala kami sa Elsombra de Pebrero."nakangising sagot ko.Bahagya naman syang tumango at napaisip.

"Kung tama ang research ko ang Elsombra...ay paniwala nyong mga taga Gracias na taon taon,tuwing pebrero ang lagusan ang nagsisilbing taga-hiwalay sa mga buhay at sumasakabilang buhay ay nagbubukas.Tama ba?"tanong nya.

"Tama ka sabi ng lola ko,nandyan sa Mount Balani ang lagusan sa mundo ng mga espiritu."nginuso ko yung bundok na tanaw mula sa kinatatayuan namin.

"So,nasa bundok na pala yan ang sinsabing 'Portal' na dinadaan at nagbibigay kalayaan sa mga espiritu tuwing pebrero na makabalik at maki-halobilo sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay....sa makantintig na balahibong paniwala na ito,tuluyan ng naging tradisyon sa inyo na gawing selebrasyon at pista ang makababalaghang buwan na'to.Tama ba?"sa haba ng salaysay nya ay ngumisi lang ako.

"Tama ka pero may kulang sa naresearch nyo.May paniwala rin kami na kapag ang isang resedente dito ay namatay sa kasag-sagan ng Elsombra...hindi makakatawid ang kaluluwa nya sa mundo ng espiritu."nakangisi paring paliwanag ko sa reporter na gulat na gulat.

"Kaya naniniwala sila na pagala-gala lang ang kaluluwa ni Senyor at naghihintay lang ng panahon para maghasik muli ng lagim."

"At isa pa malay mo nandito lang sya sa tabi natin at nakikinig ngayon"nakangising kunwaring pananakot ko sa reporter.

Nakita ko naman na natakot sya kaya napahaplos sya sa braso nya.

Hahaha akalain mong matatakutin ang isang to?

"Pero dito sa'min naniniwala rin sila na pwede kang humiling sa kanya."pag iiba ko dahil takot na takot na sya.

"Hihilingan nyo si Senyor?As in mag wi-wish kayo sa kanya?"

"Oo pwede kayong mag wish at kung susuwertihin ka tutuparin nya yun."

F.L.A.M.E.SWhere stories live. Discover now