FWB 1

8 1 0
                                    

FWB 1

"Ang tahimik ng paligid 'no?"
  "Oo nga eh."

Ang hirap pala. Hindi ko inasahan na ganito pala kasakit. Pareho namin 'di pinili ang isa't isa pero nandito nanaman kami sa terrace ng condo. Ang awkward lang sa pakiramdam, parang may distansya sa aming dalawa habang hawak-hawak namin ang tig-isang bote ng beer.

Napansin ko na lang sarili kong nakatingin sa kanya. Umukit sa dulo ng labi ang isang ngiti, napakaganda nga naman, sabay tawa nang napakalakas.

"Ano nanaman tinatawa mo?" tanong ko sabay sa pagtawa niya.

"Wala, ang awkward lang kasi." sagot niya sa'kin.

Mahirap pero okay na rin yung ganito. Pareho lang namin ginagamit ang isa't isa, Pareho lang din kami nagpapakatanga.

"Na-iisip mo ba minsan yung tayo minsan?" tinignan niya lang ako nang malalim sabay tingin sa abot-tanaw.

"Oo naman, kaso..."
    "Kaso ayaw mo?"
"Hindi naman sa ganon." 
     "Eh ano lang?"
   
Napahinto nalang ako sa tanong niya, pati na  rin ako hindi alam dahilan. Tatlong taon na kaming naggagamitan, tatlong taon na rin kamibg tanga.

"Ewan" sagot ko sa kanya.
    "--Hindi ko naman ayaw sayo. Ang perfect kaya natin sa isa't isa." dagdag ko sa sinabi ko.
    "Echosero,  ang perfect pala natin eh ba't 'di mo ko niligawan?" sabay nagmake-face siya.
   
Minsan nakakalimutan ko nalang kung gaano siya kaganda sa tagal na namin magkakilala.
Nalakbay ko na lahat ng parte ng katawan niya; nahawakan lahat ng madidikitan ng balat ko.

"Ikaw 'tong suggest na hanggang ganito lang tayo eh. Sex lang nothing more." Sambit ko sa kanya.
     "Sabagay naman" tumungo siya sakin. Ang bibig niya'y nakakalahating ngiti nguni't parang layo ng tanaw ng mata niya. Kasama ko siya pero parang wala siya rito.

"Siguro, Hindi lang talaga tayo nag-click."
      "Nag-click, ang puta, pinagsasabi mo?" sinamaan niya 'ko ng tingin.
"I mean, tapos na agad relasyon natin bago pa natin masimula."
       "aah, nadistino matapos pero 'di tinadhanang masimulan."

Napangiti na lang ako. Sabay bato ng piraso ng mani sa noo niya.

"Ang dami mong sinasabi, p'wede namang sabihing hindi nag-work. "
       "nakakatawa lang 'no? Kung yung iba nags-sex for money, tayo nagsesex para lang maramdamang may kasama."

Napatawa nalang kami habang pinapanood lumubog ang araw. Batid ko na huli beses na siya babalik sa condo ko, at bukas gigising nalang ako wala nanaman siya. Wala naman ako sa lugar magreklamo. After all, we only have sex for each other's comfort.

FWB 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon