Para sa iyo ang mga iyan, Diana. At hinahangad ko ang kaligayahan ninyo ng aking anak. Adios, hija...

Love him, Diana... as I loved him...


"Oh!" marahang bulalas ni Diana. "I will, Jewel, I promise ...and thank you," usal niya kasabay ng pamumuo ng luha sa mga mata. Hindi pinag-alinlanganan kung sino ang may-ari ng huling tinig.Muling umikot ang tingin ni Diana sa loob ng kuwadradong silid subalit wala na ang mga tinig. Mula sa bintanilya ay ihip ng hangin ang naramdaman niyang pumasok. Kasunod niyon ay narinig niya ang pagtawag ni Bernard sa pangalan niya.


Ibinaba niya sa mesa ang jewelry box at nagmamadaling lumabas. Pinanhik ang baitang na bato at hinila ang pader. Pagkatapos ay yumuko palabas.


"Bernard!"


Nagulat pa si Bernard pagkakita sa kanya. Hinagod siya ng tingin. "Dio, saan ka nanggaling?" May agiw sa veil at sa wedding gown niya.


"I've found the basement, darling," kumikislap ang mga matang wika niya rito."Diana..." umiiling si Bernard. Naroon ang alinlangan sa mga mata.


"Manood ka." tumalikod siya at itinulak ang pader na pinanggalingan at sa panggigilalas ni Bernard ay bumukas iyon. Nilingon ito ni Diana na ngumiti. "Naniwala ka na? Pumasok tayo, Bernard..." yakag niya rito at nagpatiunang bumaba bago pa siya naalalayan ng asawa.Si Bernard ay manghang-manghang sumunod sa asawa habang tinalunton ang pasilyo."Dito ako dinala ng matandang lawin, darling." inilahad niya ang kamay at itinuro ang silid. Kukurap-kurap ang lampara na malapit nang mamatay dahil hindi naman sapat ang langis niyon. "At gusto kong basahin at tingnan mo ito." Inakay niya ito patungo sa mesa at ipinakita ang sulat na kulay-brown na halos ang papel.


Pigil ang hiningang binasa iyon ni Bernard. "Kung hindi nakita ng mga mata ko'y hindi pa rin kita paniniwalaan, Diana..." wika nito sa gumagaralgal na tinig. Dinampot ang jewelry box at napahugot ng paghinga. Dinampot isa-isa ang mga alahas. Hindi pa ito nakakapangalahati man lang at muling ibinalik sa loob ng jewelry box.


"Madre de dios! Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mga brilyante, ruby, at emerald, at mga kung ano-ano pang mga batong naririto?"


Umiling si Diana na sinabayan ng kibit ng mga balikat.


"Diana, these jewelries are worth millions of pesos! And these are yours!"


Muling umiling uli si Diana. "No, Bernard. Iwan natin dito ang mga iyan. Aanhin natin ang maraming-maraming pera? Nasa akin ang buong ari-arian ng Lolo. Pag-aari mo ang buong Kristine Group of Companies..." isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Nalulula ako, Bernard. All I want is for you to love me..." she added softly.


"And I love you, amore," he whispered tenderly.


Hinawakan sa mukha ang asawa and kissed her lips with aching tenderness. Pagkatapos ay inikot ang paningin sa paligid. His eyes misty with so much emotion, hindi dahil sa mga alahas na iyon, kundi sa pagkakatagpo nila sa basement.


Nangangahulugan iyon ng pagsang-ayon ng dating reyna ng Villa Kristine kay Diana. 


Nangangahulugan din iyon ng pagsang-ayon ni Senior Leon Fortalejo kay Diana. Hindi man nagkaroon ng pagkakataon si Senior Leon Fortalejo na maipadama rito ang pagmamahal bilang ama ay nasapatan na iyon ng maraming pagsang-ayon.

"Muchas gracias, senior y seniora..." bulong ni Bernard sa nagsisikip na lalamunan.


Si Diana ay ang tinig ni Jewel ang nasa isip. Imahinasyon man o hindi, tataglayin niya sa puso habang-buhay ang pasasalamat. At alam niya, nararamdaman niyang hindi na niya muli pang maririnig ang matandang lawin.


Nag-alis siya ng bara ng lalamunan. Iginala ang mga mata sa loob ng silid na iyon bago nagsalita. "Sana'y maunawaan ninyo ako kung iiwan ko dito ang mga kayamanang ito, senior, seniora. Ibinigay na ninyo sa akin ang pinakamaganda at pinakamamahaling regalo para sa kasal ko, my husband." nilingon nito si Bernard na nagsisikip ang dibdib. "Let's go, darling," yakag niya sa asawa.


Tumango si Bernard at inakay siya palabas. Pinuno ng dalawa ng hangin ang dibdib nang makalabas ng basement.


"Will you tell them about the basement?" tanong ni Diana.


Umiling si Bernard. "Hindi na kailangan, amore. Hindi na kailangan. 


Mananatili ang Villa Kristine sa karangyaan nito. Mananatili sa basement ang mga alahas hindi dahil tinanggihan mo kundi para sa darating na panahong may sadyang nangangailangan nito. Alam kong muling ituturo ng Papa at ni Donya Esmeralda ang mga iyon sa karapat-dapat. At tuwina ay para lamang iyon sa susunod na maybahay ng villa." inakbayan nito ang asawa at hinagkan sa ibabaw ng buhok at inakay pabalik sa maraming mga bisita.

Hindi mapigil ni Diana ang hindi lumingon at ngumiti.


"Muchas gracias, senior... hrmp... Papa."


WAKAS

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Where stories live. Discover now