𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 04

13 0 0
                                    

Nagulat si Susan ng makita ako rito sa sala na tulala. "Nakatulog ka ba? Anlaki ng eyebags mo."

"Si Hudson?" Tanong ko sa kawalan.

"Ano?"

"Hudson." Yan ang tanging bukambibig ko. "Kailangan ko siya." Tapos bigla akong humagulgol ng iyak.

"Nakakatakot ka. Ano ba nangyari sayo kagabi?"

"Nawala na siya Susan." Niyakap ako ni Susan upang patahanin sa pag-iyak. "Sino? Yung multo?"

Pumunta kami sa hospital ni Susan. Nagbabakasakaling nandon pa ang katawang lupa ni Hudson. Pero nakakalungkot at wala na raw. Tinanong ko ang nurse kung anong nangyari sa pasyente na nasa room 201 at ang sagot sakin ng nurse ay "Sa pagkakaalam ko. Nasa morgue na ang katawan niya."

Hindi ko napigilan ang umiyak.

Sa bawat araw ng nagdaan sinasanay ko na ang sarili na babangon sa umaga at gagawa ng sarili kong umagahan. Papasok sa school ng maglalakad na mag-isa.

Madilim na ang paligid ng makauwi ako. Binuksan ko ang pinto ng apartment at binagsak ang katawan sa kama. Pagod na pagod ako sa nangyari sa buong araw na ito.

Siguro nga kakalimutan na kita, Hudson.

Sabi ko sa isipan ko.

Nang may paulit-ulit ka kumatok sa pinto ng apartment. Bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha ko ang tambo sa kusina. Baka kasi masamang tao ang kumakatok na iyon.

Sa pagbukas ko ng pinto. Handa na akong hampasin ng tambo ang taong nakatayo sa labas ng hindi ko natuloy.

Natulala ako ng ilang segundo.

"Hi?" Ngumiti siya..

"H-Hudson?" Mabilis ko siyang niyakap sa leeg. Pero lumayo rin ako kaagad sa kanya. "Paanong? Nayakap kita?"

"Tao na ako. Nakabalik na ako sa katawan ko. Magaling na ako."

"Tapos naalala mo ako? Diba ang mga multo kapag bumalik sa katawang lupa nila ay mawawala ang memorya."

Pinitik niya ako sa noo. "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi totoo ang mga napapanood at nababasa mo."

Tapos pumasok siya sa loob ng apartment ko.

"Bakit ka nga pala nag-punta dito?

"Ayaw mo ba?"

"Gusto." Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit ng ma-upo siya sa sofa. Kaso naputol rin ang mahigpit kong yakap sa kanya ng tumunog ang cellphone niya. Hinugot niya ang kanyang cellphone sa kanang bulsa ng pantalong suot.

"Love?"

"Trixie? Napatawag ka."

"Nag-aalala kami. Nasaan ka? Hindi ka pa masyadong magaling. Umuwi kana."

Medyo nalungkot ako ng malaman na girlfriend niya ang tumawag. Oo nga pala taken na siya. Kaya umusod ako ng konti sa sofa para lumayo sa kanya.

"Let's break up."

"W-What?"

"Mas bagay kayo ni Kuya. So bye."

"Hudson! Wait!"

Pinatayan niya na ng cellphone ang girlfriend niya. Or should I say ex-girlfriend niya na pala.

Tapos bumaling siya ng tingin sakin. "So nasaang usapan na nga ba tayo?"

Bago pa ako makapagsalita ay sinakop na ng labi niya ang mga labi ko.

END

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GhostingWhere stories live. Discover now