Beautiful Nightmare

21 1 0
                                    

Napatingin ako sa bahay na hinintuan naming magkakaibigan. The fudge! It's creepy! Parang Bahay-Kastila pa yata ang disenyo nito at halatang luma na.

"P-Puta kayo e. Sigurado ba kayo dito, m-mga hangal?"

Bakas ang takot sa boses ni Xaha kaya napalingon ako sa kanya. Todo kapit kasi siya sa laylayan ng damit ko.

"Mal! Nalulukot 'yong damit ko, aba!" reklamo ko ngunit hindi niya iyon binigyan-pansin.

Sa totoo lang, nanginginig na ang tuhod ko sa takot pero hindi ko lang pinapahalata. Malala na siguro ang sira sa ulo ng mga kaibigan ko kaya nag-aya na mag-ghost hunting ang mga ito.

Tumikhim si JZ para agawin ang atensyon naming lahat kaya pinagtuunan namin siya ng pansin.

"Guys, ganito ha? Tutal naman walo naman tayo, isang flashlight at camera sa dalawang tao," sabi nito na sinang-ayunan ng lahat. "Xaha at Luther, kayo ang magsasama kaya ito ang flashlight at camera niyo," dagdag ni JZ na ikinareklamo ng dalawa. Paano ba naman kasi ay para silang aso at pusa na laging nagbabangayan. Pfft!

Inakbayan ako ni Hiro na ikinakunot ng noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin at inalis ko ang kamay niya na nakaakbay sa akin.

"Bebelabs naman e. Bakit ba nagagalit ka?" anito at niyakap ako mula sa likuran.

Imbis na sagutin ay hindi ko siya pinansin.

Ah bahala siya! Naiinis ako sa kaniya dahil puro ML ang inatupag kaninang umaga. Tatawag daw pero nakalimutan dahil naglalaro ng ML. Uninstall ko ML nito e.

"Hoy kayong dalawang mag-bebelabs— ew! Huwag nga kayong magharutan! Makakita sana kayo ng multo, heh!" Pagtataray ni Kim bago kumuha ng isang flashlight at camera tapos ay hinila si Rivanny papasok ng lumang bahay.

"Hoy!" tawag sa kanila ni Zack ngunit hindi nagpapigil ang dalawa "Tangina, tapang-tapangan ang mga gago," ani pa nito.

"So, may partner na lahat? Basta yung dining area pa rin ang meeting place natin kapag may naligaw ha? Huwag kayong hihiwalay sa partner niyo—"

"Wait!"

Napatingin kami sa nagsalita at napangiti ako nang makita kung sino iyon.

"Dear! Enzo! Waaaaa akala ko hindi kayo sasama e," sabi ko sabay yakap kay Syntax at nakipag-fistbump naman ako kay Kenzo na boyfriend niya.

"Hindi pa pala kayo nagsisimula? Tara na, boo. Iwan na natin sila," ani Kenzo at iginaya na si Syntax sa loob ng bahay.

"Hoy! Ito 'yong flashlight at camera—aysh!" Napakamot na lang sa batok niya si JZ.

Gosh. Why are those people acting so brave?!

Isa-isa na rin kaming nagsunuran. Himala naman na hindi nag-aaway si Xaha at Luther.

Hinawakan ni Hiro ang kamay ko at pinagsiklop ang aming mga daliri nang makapasok na kami. Ako ang may hawak ng flashlight at siya naman sa camera.

Madilim.

Hindi..

...sobrang dilim.

"H-Hon? N-Natatakot a-ako." Pinisil ko ang kamay niya.

"Ssshhh, honey. You're not alone. I am here." Naramdaman ko namang hinalikan niya ang sentido ko.

Damn. I feel safe, but still, I'm afraid!

Naglakad-lakad kami sa loob ng bahay at napapalingon ako sa likod dahil pakiramdam ko ay may kumakalabog at parang may sumusunod sa amin.

Damn!

Maya-maya pa ay nakarating kami sa kusina. Nakarinig ako ng hikbi kaya mas hinigpitan ko ang hawak kay Hiro.

"H-Hon. Naririnig m-mo ba yon?"

"Ssshhh. Naririnig ko."

Napamura na lang ako nang namatay ang flashlight na dala ko kaya binitawan ko si Hiro para ayusin 'yong flashlight. Hindi nagtagal ay sumindi itong muli ngunit wala na si Hiro sa tabi ko.

Fuck!

"H-Honey?" tawag ko sa kanya ngunit walang sumasagot. "Mahaaal!" Nagsisimula na akong matakot nang makarinig ako ng mga yabag ng paa ngunit hindi ko naman alam kung saan ito nanggagaling.

May umiiyak. Ang hikbi na kanina ko pa naririnig ay palakas na ng palakas hanggang sa maging hagulgol ito.

"AHHHHH!" napasigaw na lamang ako nang may parang bumangga sakin kaya nawalan ako ng balanse. Natumba ako sa sahig at nabitawan ko ang flashlight. Gumapang ako para kuhanin ito nang may kamay na humawak sa paa ko.

"Mamaaaaa!" sigaw ko bago ko nasipa kung sino o ano man 'yong humawak sa paa ko. Niyakap ko ang aking sarili at saka umiyak ng umiyak dahil sa takot.

"Damn! Aray naman, hon!"

Boses ni Hiro? Kung ganoon, si Hiro 'yon? Pero bakit parang ang daming yabag ng paa kanina at 'yong umiiyak? Saan galing 'yon?

Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko kaya mas naiyak ako lalo. Yakap ko lang ang sarili ko habang umiiyak nang biglang bumukas ang ilaw na nagbigay-liwanag sa paligid.

"HAPPY BIRTHDAY!" sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ko.

Napatingin ako sa kanila at sa tarpaulin na hawak nila na may nakalagay na Happy Birthday, Nyx!  kaya mas lalo akong naiyak.

Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Niyakap ako ni Hiro kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Natakot ka ba, Nyxy?" tanong ni JZ kaya umalis ako sa pagkakayakap kay Hiro. Tumayo ako at binatukan ko si JZ "Aray! Bakit ba?" Ngumuso siya at hinimas ang batok niya tsaka ako niyakap. "Tahan na, aba. Happy birthday"

"Salamat, JZ strict" sabi ko at niyakap ko siya pabalik.

Pinaghiwalay kami ni Hiro at niyakap niya ako "Tama na. Miss na miss? Aba," aniya habang nakatingin ng masama kay JZ.

"HAHAHAHAHA damong seloso tangina" halakhak ni Xaha kaya nagtawanan na lang sila.

"Group hug na lang?" sabi ng bagong dating na si Ezekiel habang may hawak na cake.

Napako naman ang paningin ko sa simpleng handa na nasa lamesa.

Gosh, my heart.

Nilapitan ko si Ezekiel at niyakap ko siya. "Tae, tinakot nila ko. Bad sila." Pagsusumbong ko rito na siyang tinuturing kong nakababatang kapatid.

"Alam ko, tae. Aking idea ito e," sabi niya kaya kinagat ko siya sa braso. "Aray! Hahaha group hug na, guys?"

They open their arms as we hug each other. "GROUP HUUUUUG!"

Matapos namin mag-group hug ay nilapitan ako ni Hiro. "Honey, galit ka pa ba? Hindi naman talaga ako naglalaro ng ML kanina e, nandito kami, nag-aayos para sa surprise sa iyo," sabi niya habang nakanguso.

Napangiti ako ngunit mabilis din itong nawala nang may maalala ako.

"Guys, kanina may umiiyak tapos may bumunggo sa akin. Sino yon?"

Walang sumagot sa kanila kaya namuo na naman ang kaba sa aking dibdib nang may kumalabit sa akin mula sa likuran.

Napasigaw ako at napatakbo ng ilang hakbang nang makita ko si Goldie.

"Hahahaha bb! Ako lang 'yon. Di mo ko napansin kanina noh?" aniya.

Nakahinga ako ng maluwag at pinagmasdan ang mga kaibigan kong masayang nag-uusap. Tuwang-tuwa ang mga puta dahil successful daw ang pananakot nila sa akin. Hmp!

Well, anyway. Ang saya ng gabing ito. This is the best beautiful nightmare ever!

Slice of LifeWhere stories live. Discover now