“Bullshit!” I breathe.

Ni hindi ako nakapag-explain sakanya. Gusto kong magpaliwanag pero paano ko sasabihin na ang Daddy niya mismo ang nagpalayo sa akin sakanya?

The day of her operation, sinamahan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya hanggang sa matapos ang operation just like what she asked me to do but her dad talked to me after that…

“Kerko, you need to break up with Mikaela.” Nagulat ako sa sinabi ng Daddy ni Mikaela.

 

“What do you mean, Sir?” I asked him. Nilingon niya ang anak na nakahiga sa kama at natutulog pa.

 

“You’re everything to her now. Hindi ko sinasabing ayoko sa’yo para sa anak ko pero hindi din kita gusto para kay Mikaela. Mula ng makilala ka niya, malaki ang pinagbago ng anak ko.”

 

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pinagbago?

 

“She’s becoming the Mikaela who’s willing to give up everything for you. Mas inuuna ka niya bago ang sarili niya, Kerko at hindi ko gusto ang ginagawa ng anak ko.”

 

“Sir, you’re asking me to break your daughter’s heart.” Masasaktan ko si Mikaela kung makikipaghiwalay ako sakanya.

 

“Kailangan niyang masaktan para matuto siya.”

 

“Gusto niyong saktan ko si Mikaela para lang matuto siya?” I asked him, mockingly. I honestly don’t understand why he’s asking me to break up with his daughter.

 

“Mas masasaktan mo siya sa ginagawa mo. Hindi mo naman mahal ang anak ko diba?” tanong niya sa akin.

 

“Sir, I—“

 

“I want you out of Mikaela’s life.”

 

“I’m sorry, Sir, but I can’t do that. Hindi ko kayang saktan si Mikaela.” Hindi ko kayang saktan ang babaeng mahal ko.

 

“Masasaktan at masasaktan mo din siya kung patatagalin niyo ang relasyon niyo. Wala ng ibang pinangrap si Mikaela ngayon kung hindi ang makasama ka. Paano siya kung wala ka, Kerko?”

 

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. He has a point. Mikaela’s world revolves around me. Ako ang inuuna ni Mikaela bago ang sarili niya. Pero hindi ko siya kayang iwan.

 

“Give her time to grow up.”

 

Hindi ako nagsalita pero nakatingin lang ako kay Mikaela.

 

Bibitawan kita? Hindi ko kaya.

 

Pero dahil sa akin, muntik ka ng mawala. Kung alam ko lang ang sakit mo, hindi sana nagkaganito.

 

Iniwanan ako ng ama niya kaya naman pumasok na ako sa loob ng kwarto ni Mikaela. Mahimbing pa rin ang tulog niya at ang sabi ng doctor, ilang araw pa siguro bago siya gigising.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon