chap 17 "yakapan"

Start from the beginning
                                    

Para kaming mga baliw na nag uusap kasi si manong nasa tricyle niya tapos kami nasa sasakyan. Long distance ang peg.

"Oo, ako yung driver nila noon. Nag resign ako dahil nagkasakit ako non." manong.

"Mabuti naman po at magkakilala kayo. Manong hatid niyo naman kami sa bahay nila Raven please?."

"Naku iha, kahit gustuhin ko man pero delikado! Malakas ang ulan at malayo layo pa ang bahay nila. Kung gusto niyo don muna kayo makitulog sa amin kasi malapit lang bahay namin dito. Kami lang naman ng asawa ko ang nandoon sa bahay." manong.

"Okey lang po ba talaga manong?" '

"Oo okey lang. Malaki rin ang utang na loob ko sa pamilyang black. Iwan niyo nalang ang sasakyan niyo dito. Wala namang magnanakaw niyan kasi wala naman masyadong tao na dumadaan dito."

"Maraming Salamat po talaga!" ako.

Sinara ko na ang window ng sasakyan.

"Hoy halimaw! Tara na! Sakay tayo sa tricycle." ako.

"Mapagkakatiwalaan ba yang taong yan?" Raven.

"Anak ng tokwa! Kilala ka nga eh! di ka ba nakinig sa usapan namin? Driver niyo siya noon!" ako.

"Talaga? Driver namin noon? Baka si mang Caloy yan?" Raven.

"Ay andaming tanong! Tara na!" 

Bumaba na kami ng sasakyan at may dalang bag si Raven. Ewan ko lang kung anong laman ng bag. tsss >.< 

Yaay! nabasa ako ng kunti.

Nakasakay na kami sa tricylcle. yehey!

 Mukhang first time ni halimaw makasakay ng tricycle -__- Andami niyang firstime dahil sa sa akin. ahhahaa ^__^ 

"Master Raven, kumusta na kayo?" manong.

"Okey lang ako mang caloy. Kayo po? Matagal na tayong di nagkita!" raven.

Dahil sa pag uusap nila nalaman kong dating driver pala si mang caloy ng mga Black. Kaso nagkasakit siya kaya huminto siya at ang pamilya nila raven ang gumastos sa Ospital.

"Eh si mam Rianna kumusta pati yung mga pinsan mong makukulit?" 

Parang na shock si Raven ng marinig niya ang pangalan ni Rianna. Long lost love niya yun eh. tsss >.< Akalain niyo ba naman na marunong pala magmahal tong halimaw na to? tsss

"Nasa Canada na si Rianna. Magksama silang pumunta ni Riston don last 2 years. Pero nandito na si Riston, nagpaiwan si Rianna don. Okey lang din yung mga pinsan ko." 

"Mabuti naman. Girlfriend mo ba yang kasama mo?"

MEET RAVEN BLACK (Published under LIBPC) Available in bookstores nationwide :)Where stories live. Discover now