chap 17 "yakapan"

Magsimula sa umpisa
                                    

hanap

hanap

Wag niyong sabihing naiwan ko ang cellphone ko sa bahay? ARRRGG! THIS IS SHIT!! SO SHIT! ARGGG! >.<

"Oh? asan na cellphone mo?" Raven.

"Naiwan ko eh!" ako.

"We're doomed!" Raven.

"Nang dahil sayo!" ako.

"Anong ako? Kung di ka lang nakipaglandian sa lalaki don sa bar di sana ako nawala sa mood. tsss >.<"

Leche! di naman ako nakipaglandian ah! -___- 

"Sinabi ko bang tulungan mo ako ha?"

"Kung di kita tinulungan, baka ni rape ka na ng gagong yun! Ikaw pa nga tong tinulungan, ikaw pa galit?" 

"So gusto mo mag thank you ako? Thank you Raven ha. As in thank you! Oh ayan! Satisfied?" sarkistiko kong sinabi.

"Your welcome! Malas ka talaga noh? Bastat kasama kita parati nalang akong minamalas. tsss >.<"

"Anong sabi mo? Ako? Malas? Are you blaming me na nawalan ng gas ang sasakyan mo?"

"hell yeah!" 

"Sige! isisi mo na rin sa akin ang pagbaba ng ekonomiya ng Pilipinas! ang bagyo! ang lindol! ang kulog! ang ulan! sige sa akin mo na isisi! leche ka naman pal-- AHHHHHHHHHHH >.<" 

Napasigaw ako dahil biglang kumulog and kumidlat. Takot pa naman ako don! T__T Ang malas naman. Nawalan kami ng gas sa middle of nowhere tapos umuulan pa plus kulog plus kidlat is equals to MALAS!

"Wag ka ngang yumakap sa akin!" Raven.

Ohmy! Nakayakap pala ako sa kanya. Takot talaga ako sa thunder and lightning eh T__T Hindi ako nanyanyansing ha. Kaya wag masyadong berde :P

"Parang gusto naman kitang yakapin! ewww lang! yucks!" ako.

At biglang kumulog at kidlat na naman kaya napsigaw na naman ako napayakap ulit kay Raven halimaw.

"Parang gustong gusto mo ngang yumakap sa akin eh!" then he smirked.

WAAAAAAAA LANGYA! NANG IINIS PATONG HALIMAW NATO! TAKOT NA NGA AKO EH TAPOS NANG IINIS PA! ARRRGGG!!!

Kunsabagay ang sarap nyang yakapin kasi ang bango bango niya *sniff* *sniff*

"Hoy stupid girl! Inaamoy mo ba ako? Langya! Umalis ka nga dyan. Nang aabuso ka na ha!" Raven.

Sheyt na malagkit naman oh! >.< Nakayakap pa pala ako sa kanya. tsss >.< Baka akalain ng halimaw nato na pinagnanasaan ko siya kaya itinulak ko siya.

MEET RAVEN BLACK (Published under LIBPC) Available in bookstores nationwide :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon