Te, bakit nandito ka pa? Di mo ba alam na isa sa mga kaklase natin ay namatayan ng magulang - sambit nito kay Janine.
E sino naman yun? - sagot ni Janine
si Tyler James Madrigal po. Kaya po pupunta ako sa funeral at makikiramay sa kanya. Gusto mo ba sumama? - pagyaya nito sa kanya.
Oo. - sagot ni Janine sa kaklase.
Funeral Homes
Sa harap ng kabaong ay nandun ang mag ina na pinagmamasdan ang kanyang asawa. At saglit naman umalis at nakita niya si Janine na dumating at ito'y nilapitan at kakausapin ito.
Janine at Tyler POV
Kaya pala walang tao sa school. Ngayon ko lang nalaman. - Janine
Buti naman nandito siya kasi super lungkot ko na. - Tyler
Lumapit na ito kay Janine at humanap sila ng lugar na sila lang dalawa ang maguusapan. Humingi ng symphathy. Tinanggap naman ito ng buong puso.
Nakikiramay ako sa inyong mag anak. - awa ni Janine.
Salamat, at dumating ka hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat at ngayon ay patay na ang Daddy ko. - sambit ni Tyler.
Malalagpasan mo rin yan. Nandito ako para sayo Tj.- Janine.