2

37K 441 15
                                    

MAVIE'S

"Thank you, anak." Halos walang paglagyan ang saya ni Dad matapos nyang malaman na napapayag ko si Grae De Chavez sa deal na prinopose ko sa kanya.

"Paano mo sya napapayag anak?"

"Appealing naman kasi ang offer natin, Dad." I faked a smile at nag iwas ako ng tingin.

Hanggang ngayon ay wala parin akong idea kung ano ba ang gusto nya sa'kin.

Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Paano kung i-take advantage nya ang sinabi ko.

Ang sakit sa ulo ng sitwasyon ko.

---

Noong kinagabihan na 'yon ay nagbabad ako sa bath tub. Iniisip ang mga posibleng ipagawa nya sakin.

Matapos ay iginugol ko nalang sa pag aayos at pagrerebisa sa kung ano-anong papeles sa lamesa ko ngayon ang natitirang oras ko.

Epektibo naman dahil nawaglit sa isip ko si Grae.

Pero maya pa'y nabasag ang konsentrasyon ng marinig kong tumutunog ang personal phone ko.

Napakunot ang noo ko sa pag-iisip kung sino kaya ang tatawag sa'kin ng ganitong oras? Malamang ay hindi ito sa trabaho dahil gabi na. Unless...

"Hello?" Nagtatakang tanong ko matapos kong makita na unknown number ang tumatawag sa'kin.

"Mavie" It was almost a whisper pero sapat iyon para magdala ng gaboltaheng kuryente sa katawan ko..

"B-bakit?" I asked dahil alam ko na kung sino ang kausap ko dahil iisang tao lang naman ang alam kong makakapagparamdam sa akin ng ganito.

"Good to know that you remember my voice." He huskily said. I don't know kung sinasadya nya ba na ganito magsalita.

"O-of course..."

"I'm oustide your office. Can you meet me?" Klase ng tanong na tila wala akong karapatan para humindi. Hindi man kagaya mya ngunit lumaki rin naman ako at nasanay na may mga staff ako sa paligid to assit me. Pero pag dating sa kanya para bang sunod-sunuran ang aking katawan.

Dali-dali akong lumabas ng opsina ko at pumunta sa elevator.

Hindi ko maiwasan na tumingin sa salamin upang malaman ko kung presentable ba ang hitsura ko matapos ang walong oras na none-stop na trabaho.

Nakasuot ako ng isang simpleng blue plain dress at silver na flat doll shoes na katerno ng purse ko.

Naglagay din ako ng kulay sa labi ko para naman hindi nya mapansin ang madalas na pag takas ng dugo sa aking mukha kada nakikita ko sya.

"Teka Mavie, nagpapaganda kaba para kay Grae?" Tanong ko sa sarili ko matapos kong marealized ang ginawa ko.

Lumabas ako.

Naghihintay sa tapat ng building ang isang kulay gray na porsche.

Binaba nya ang bintana kaya nakita ko syang nasa driver's seat.

Mukha syang nabored sa ginawa nyang paghihintay kaya't kinabahan ako.

"Get in." Tumango ako at sumunod.

Pagkapasok ko, ora-orada nyang pina-andar ang sasakyan. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong Porsche 918 Spyder.

"Nice car." matipid na kumento ko na hindi naman nya sinagot.

"So... kamusta kana?" Tanong ko muli. I need to talk dahil feeling ay nababalutan kami ng yelo.

Siguro noong inabot kami ng halos labing minuto na halos hindi nag-uusap ay hindi ko na napigilan ulit ang magtanong.

Submit to me MavieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon