Ilang minuto ba ay tumigil kami sa isang boutique shop na puro damit na pambabae. Nang makapasok ako ay agad akong namangha sa disenyo nito. Color white at gold ang kulay nang mga gamit dito at may mga paintings din. Pero anong ginagawa namin dito?.

"Good afternoon Sir ano pong maitutulong namin sa inyo?" bati sa amin nang isang saleslady.

"Good afternoon, can you assist him?" sambit ni Jackson at tinuro ako.

"Sige po, this way maam" aniya nung babae at itinuro ako sa isang hall nang mga dress.

Pinapili nila ako nang mga damit, kaya ginawa ko nalang pero pag kuha ko nang isang dress ay napatigil ako nang makita ko ang presyo. Php.11,000 sa isang dress lang jusme pambayad ko na toh sa kuryente at tubig nang lolo't lola ko sa batangas eh.

"Bakit may problema ba?" biglang sulpot naman ni Sir sa likoran ko.

"Ay kabayo! Ano kaba kabute? Papatayin mo pa ako sa gulat eh" sambit ko sa kanya at hinawakan yung dibdib ko.

"Ang tagal mo kasi! May problema ba?" tanong ulit nito sa akin.

"Sure ka ba?" sagot ko sa kanya at pinakita yung presyo.

"Tsk! Don't mind the price, ako na bahala sayo"

"Pero nakakapang hinayang eh"

"Sabing wag nang problemahin eh, kulit mo naman" gigil nyang sagot kaya nagulat ako.

"Ano? Hayst ako na nga lang ang pipili" inis nya pang sabi sa akin. Umupo na lamang ako at pinanood na lamang sya na mamili. Ilang minuto pa ay bumalik na sya at kasunod nya ang dalawang babae.Yung may hawak na 2 na hanger nang dress. At yung isa naman ay may hawak na dalawang box nang heels.

"Oh sukatin mo na" aniya nya kaya tumayo na ako. Naka suot lang kasi ako nang old rose na medyo fitted na sweater, color gray na cropped pants at sandals.

Agad na akong pumunta sa fitting room para mag palit. Yung unang dress ay high waist na color mint green. Yung pangalawa naman ay cocktail dress na black, lace yung design nang top at long sleeve. Sa heels naman yung isa mint green, yung isa naman ay black. Una kong sinuot yung mint green.

"Ano sa tingin mo?" tanong ko sa kanya.

"Hmm okay lang?"

"Anong okay lang?"

"Okay nga lang"

"Hayst parang ewan naman toh oh" sambit ko sa kanya at bumalik sa fitting room. Sunod ko naman sinuot yung black na cocktail dress.

"Hmm ganda mo dyan" aniya nya sa akin.

"Talaga?"

"Oo, dyan ka lang ha, wag kang aalis dyan" aniya nya at tumawa.

"Ewan ko sayo, ito nalang. Palit na ako ha?"

"Wag na, yan na nalang suot mo, tara sa counter" aniya nya kaya sumunod ako. Nang matapos namin mabayaran ay niligpit ko na yung damit ko at umalis.

Habang nasa byahe kami ay wala padin akong alam kung saan kami pupunta. Ilang minuto pa ay huminto kami sa harapan nang isang masion. Medyo malaki ito at malawak. Siguro bahay nila ito pero bakit andito kami?. Pag baba namin ay sinalubong agad kami nang isang maid medyo may edad na din ito.

"Good evening Sir" aniya nung maid nila.

"Good evening din ate Vivian, si Dad?"

"Andun po sa loob kanina pa po kayo hinihintay"

"Sumunod ka sa akin" sambit ni Sir sa akin kaya sumunod ako papasok sa bahay nila. Nang makapasok ako ay namangha ako sa disenyo nito. May halong old fashion at modern ang disenyo nito. May malaki silang chandelier pag pasok mo at dalawang hagdaan pataas sa second floor, sa gitna nito ay may pinto. Pumasok kami sa gitnang pinto, bumungad sa akin ang isang malaking picture frame. Siguro pamilya nya ito. Pag tingin mo sa kanan ay makikita mo ang sala nila samantala naman sa kaliwa ang kusina nila.

"Klariz, are you okay? Kanina ka pa dyan tulala" sambit ni John sa akin.

"Ah oo, ang ganda lang kasi nang bahay nyo"

"Well si Mommy at si Daddy ang nag design nito, tara dun sa lamesa baka hinihintay na tayo ni Daddy" aniya nito at hinawakan ang kamay ko kaya nagulat ako. Nang makarating kami sa lamesa ay may nakita kaming ibang tao at mukhang kami nalang ang hinihintay.

"Oh andito na pala ang anak ko" aniya nang tatay ni Sir kaya lahat nang atensyon nila ay napunta sa amin.

"Dad anong meron?" tanong ni Sir at umupo kami

"Ah wala naman simpleng dinner lang ito" sagot sa kanya nang tatay nya.

John's pov

Alam kong hindi lang itong simpleng dinner. May nararamdaman akong mali dito, dahil andito lahat nang client namin pati na si Rose at ang tatay nya. Patuloy lang kaming kumain ni Klariz nang biglang mag salita ang tatay ni Rose.

"Kamusta na yung pinag usapan natin?" Aniya ni Mr. Cruz ang tatay ni Rose.

"John pumayag kana kasi" sabi sa akin ni Daddy.

"Para saan?" tanong ko sa kanya.

"Para sa kasal nyo ni Rose" sagot sa akin ni Daddy kaya nagulat ako

"Ano?! Dad akala ko napag usapan na natin yan?" sigaw ko at tumayo kaya napatigil sila sa kinakain nila

"Oo nga pero para sa future nang company natin"

"Pero Dad may girlfriend ako" palusot kong sabi kay Daddy dahil ayaw kong ikasal ako sa babaeng sinaktan ako.

Rose is my college sweetheart. We been 4 years. Mahal namin ang isat isa noon. Not until maka graduate kami, pumunta sya sa abroad nang hindi ko alam. 3 months akong walang balita since umalis sya kaya nabaliw ako nang sobra, ilang buwan din akong hindi kumain at lumabas nang kwarto nang dahil sa kanya. At dahil din don namatay si Mommy, na heart attack sya dahil sa pag aalala nya sa akin. Hindi ko man lang naka sama si Mommy bago sya malagutan nang hininga. Lahat nang iyon ay sinisi ko sa walang kwenta kong ex. Tapos ang kapal nang mukha nya mag pakita sa akin pag katapos nang ginawa nya sa akin. At gusto nya pang magpakasal sa akin.

"Sino naman yang girlfriend mo?" tanong sa akin ni Mr. Cruz

"Si Klariz, malapit na din akong mag propose sa kanya" aniya ko at lumingon kay Klariz.

That ContractTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang