Chapter 112

4K 94 0
                                    

A/N: kung nabasa niyo na ang story ni phinnaeus well alam niyo na kung hanggang kailan matatapos to 😊😊

Mandy POV

Ng makarating kami sa hindi ko alam kung saang lupalop ng bansa to ay napahanga ako, sobrang ganda ng lugar, ng makababa ako sa helicopter ay sobrang ganda dahil pagka apak ng pagka apak ng mga paa ko ay green grass na agad ang tinatapakan ko, sobrang laki ng harden na may mga bulaklak sa paligid, maraming mga puno na iba't ibang uri, may puno ng manga pa nga at may bunga yun kaya napakagat labi ako dahil doon, sa ilalim ng puno ng manga may duyan na sobrang ganda makikita mong bago pa yun inilagay, at may couple table sa tabi nun kaya napangiti ako, sa gilid ng bahay ay may pool pero hindi yun kalakihan parang pangdalawang tao lang pero ang ganda, at nasa gitna ang bahay na concrete na kulay white and gold kaya hindi siya kalakihan pero okay na para sa akin, may nakita rin akong bike na couple yung pwede dalawa ang sakay, may side bike din yung tatlong gulong, napapangiti ako dahil doon.

"Do you like it?" Marahan akong tumango sa tanong niya, kaya nagsimula na akong maglakad habang si dhrub ay dala ang apat na maleta, yung isang maleta gamit yun ng baby namin pag nanganak na ako, yung tatlo amin na yun, sabi niya wala na daw kaming aalahanin dahil sinabi niya daw sa caretaker na darating kami, marami akong tanong kay dhruv pero mamaya nalang, dumiretso ako sa puno ng manga at nag duyan, napangiti ako at napapikit dahil sa simoy ng hangin, ang ganda ang hangin dito presko, humahaplos ang hangin sa boung katawan ko ng may humalik sa labi ko kaya napangiti ako dahil ang asawa ko ito, ng lumayo siya ay napadilat ako ng mga mata na may ngiti sa labi.

"I really love your smile babe" nakangiti niyang sabi at hinigit ang umupuan at tumabi sa akin sa gilid ko.

"Babe kung alam mo lang sobrang saya ko, hindi ko inaakalang ganito ang makikita ko" napangiti naman siya.

"This is my mom house" napatingin ako sa kanya.

"Your mom house?" Tumango siya.

"Ito yung bahay na binili ni daddy para kay mommy bago niya iwan si mommy" bigla siyang nalungkot kaya na curious tuloy ako.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko at napahinga siya ng malalim, matagal tagal siyang nagsalita pero tumingin siya sa akin at ngumiti at tumingin sa bahay.

"Si mommy she's just an ordinary person, kaya mas pipiliin ni mommy ang tumulong sa mahihirap na talagang siya ang magbibigay dahil doon ng galing ang mommy ko, mom had an unfortunate life, pinaalaga siya sa iba para mabuhay at lumaki siyang mahirap and well dahil sa kahirapan nagkakilala sila daddy" dahil sa kwento niya ay mas lalo akong naging interesado.

"So tapos?" Natawa siya sa akin ng tinanong ko agad siya.

"Si mommy kasi need ng magbayad sa school fees niya at wala siyang pera, itong daddy ko naman na mayaman pinagsamantalahan ang mommy ko" natatawang sabi niya kaya mas lalo akong na curious.

"Hindi ko gets babe" hinalikan niya ako sa noo at tumingin sa bahay at napahinga ng malalim.

"Naging pampalipas oras ng daddy ko si mommy ko, yan ang first meeting nila" nagulat ako sa inamin niya.

"Talaga?" He nod.

"But sabi ni mommy, si daddy daw noon may mahal ng iba" nalungkot naman ako.

"Ang sakit nun lalo na pag mahal mo na ang tao" he nod too ng sinabi ko yun.

"Grabe yung sinapit ni mommy kay daddy, naging best friend kasi sila, best friend with benefits mabait naman daw si daddy kaso si mommy nagka gusto na kay daddy hanggang nalaman niyang may mahal na pala si daddy at buntis na siya kay kuya cohan" nalungkot naman ako.

"And a day happened umalis si daddy iniwan si mommy para sa ibang babae" mas lalo akong nalungkot at natawa siya.

"Don't pout hindi pa ako tapos"

"Nakakalungkot naman kasi talaga" natawa pa talaga siya at inakbayan ako.

"May twist kasi dyan, yung mahal na babae na hinahanap ni daddy si mommy" bigla akong napatingin sa kanya.

"Talaga?" Tumango ako.

"Buti naman" ginulo niya ang buhok ko.

"Tapos ano na?" Napangiti siya.

"Hindi ko na alam hindi tinapos ni daddy ang kwento" natatawa niyang sabi kaya tinignan ko siya ng masama.

"Nambibitin ka babe?" natawa siya.

"Wala akong magawa si daddy nag kwento sakin niyan tapos Hindi niya tinapos ng dumating si mommy" napatango tango nalang ako.

"So kaya pala dalawa ang name ng mommy mo?" Tumango siya.

"Oo dahil yung Xiana pangalan niya noon, Yna yung totoong pangalan niya" napailing iling nalang ako.

"Anong ginagamit ng mommy ngayun?" Takang tanong ko.

"Well nagpa late registration nalang ang mommy ko dahil ayaw niyang mawala ang xiana na pangalan" napatango ako sa sinabi niya at napatingin sa kabuuang bahay.

"Kaya pala ang daming bulaklak" napasandal ako sa balikat niya.

"Si mommy nag tanim niyan" masayang sabi niya.

"Kita mo babe kahit mommy at daddy mo may hindi magandang karanasan, alam mo lahat naman ng tao may mga ganun karanasan, gaya natin" i look at him at nakatitig siya sa akin.

"Kahit anong nangyari sa buhay natin nandito parin tayo, buo kahit pilitin man nila tayong ipaghiwalay hindi mangyayari yun dahil mahal na Mahal natin ang isa't isa." Marahan naman niyang hinalikan ang sintido ko at sobrang tagal nun saka siya may ibinulong sa akin.

"I love you babe, thank you for everything, thank you dahil tinanggap mo ako, despite of my health you still accept me,i promise to love you for the rest of my life" napakagat labi ako dahil sa sinabi niya marahan siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang kamay ko at hinalikan niya ito.

"Babe simula pa lang alam mong ikaw na talaga, lahat ng sakin ikaw talaga eh" napangiti ako at marahang hinaplos ang buhok niya.

"Ako rin" simpleng sagot ko sa kanya at tinitigan niya ako.

"Bawat araw na nag iisa ako para wala akong silbe sa mundo, sa tuwing naririnig ko lang yung boses mo sobrang saya ko na, basta babe ang alam ko lang sobrang Mahal kita" sobrang kilig na kilig ako sa sinabi niya.

"Mahal na mahal din kita babe" nakangiti kong sabi at ganun na rin siya napangiti at niyakap ako kaya niyakap ko na rin siya at napapikit.

Having him is like i won a lottery, dhruv is one of a kind, nag iisa lang siya sa mundong to at sobrang swerte ko ang kagaya ko ang napili niya.

To be continued....
TheMirrorPrincess


The Hot Chef And His Lover (18+)Место, где живут истории. Откройте их для себя