Prologue

540 17 3
                                    


Simula pagkabata ay hindi ako madaals magreklamo sa buhay na meron ako. Alam kong mahirap kami, minsan nga ay isang beses lang kami kumain sa isang araw. Madalas nga ay wala talaga.

But, I've never asked and complain to God, hindi ako madasalin, minsan ay hinahayaan ko nalang ang mga bagay-bagay. Kung mangyayari, e 'di mangyayari. I'm tired of being like this.

Masaya ba ako? Hindi ko rin alam. Malungkot ba mabuhay? Sigurokapag hindi mo pa alam ang saysay mo s mundo. Hindi ako naniniwala sa mga kasabihan na, darating din ang mga bagay na para talaga sa 'yo. I don't believe in anything.... especially if it's about love.

Not until I met this guy.

"Nathan Hernandez," Matalim ko lang siyanh tiningnan.

"Alam mo ba kung gaano kahalaga sa akin ang bawat minuto, ha? Kung wala kang gagawin sa buhay mo, huwag mo 'kong idamay" Muli akong tumayo pero agad rin akong hinawakan ng mga tao niya.

"Ano ba?! Alam kong mahirap ako pero puwede kayong makasuhan ng haras--ay mali! Basta kidnap!" Muli kong sigaw sa kaniya.

"Kailangan mo ng pera, hindi ba? Balita ko ay naghahanap ka ng trabaho." Mas lalong tumaas ang dugo ko rito.

"Oo! Naghahanap ako ng trabaho. Nakahanap na ako pero, minalas dahil nakilala kita. Kung hindi mo sana sinagasaan ang mga paninda ko, hindi ako magpapasko sa kulungan at mas lalong wala akong utang!" Iritado kong sabi sa kaniya. Ngumisi siya sa akin.

"Dahil rin sa 'yo hindi ko naabutan ang babaeng mahal ko." Seryoso niyang sabi. Napaawang ang labi ko.

"Wow? Sinisi mo pa ako, ha? Kasalanan ko bang iniwan ka niya? Bwesit na 'to, nagtitinda lang ako tapos dinamay pa ako." Rinig ko ang mahinang pagtawa ng mga kasamahan niya.

"I'm offering a job."

"Ha? Halaman! Wala akong pakialam sa trabaho mo. Bayaran mo 'ko, tapos ang usapan." Mataray kong sagot. Tumayo ako at humakbang paalis.

"50 thousand every month, labas do'n ang mga gastos mo sa araw-araw at overtime. Puwede ka mag day off kung kailan mo gusto." Napatulala ako rito. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napabalik sa upuan ko.

"At sinong tanga naman ang sasahod ng gano'n kalaki? Wala akong natapos at mas lalong puro ganda lang ambag ko sa kung anuman ang negosyo---OMG! Nagbebenta ka ng lamang loob?" Taranta kong tanong sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya.

"What?! Of course not! We're hiring and I guess-"

"Tagalugin mo nalang kaya?" Agad kong putol sa sasabihin niya.

"Kailangan namin ng receptionist. May training naman kaya sa tingin ko ay makakaya mo." Pinagtaasan ko siya ng kilay. Maybe, I'm too innocent back then, pera lang ang mahalaga sa akin.

Nathan Hernandez is the CEO of A.H Hotel and Resort. Matalik na kaibigan ng mga Fernandez at Montessori. Mabait siya, araw-araw ay hinahayaan niya akong matuto ng mga bagay-bagay.

Naging maganda ang takbo ng trabaho ko. Not until I met her auntie, madalas niya akong pag-initan sa hindi malamang dahilan.

"You're the new receptionist, right? I already check your background and it's kinda disappointing, bakit kukuha si Nathan ng walang kahit anong natapos. This hotel is well know in this country." Hindi ako masyadong na offend sa sinasabi niya. Hindi ko naman agad gets iyong english niya. Pero alam kong may halong pang-iinsulto do'n.

Atty. Deezer Is My Permanent Mark - (This Love Series - 3)Where stories live. Discover now