FOURTEEN: First Kiss

38.6K 645 25
                                    

Brianna

Fvck! Ang bigat naman nitong amo ko! Dahan-dahan ko siyang ihiniga sa kama niya at hinubad ang sapatos na suot niya pagkatapos. Inom ng inom hindi naman pala kaya. Tss!

Nagsiuwian na rin ang mga bisita pati ang parents at kapatid ni sir Lexus. Hindi naman gaanong maraming ligpitin kasi tinulungan naman ako ng ibang katulong nila sir Lexus kanina.

Nakauwi na rin sila Valerie at kami nalang dalawa ng amo ko ang natira. Nahihirapan pa ako sa pag-akyat sa kwarto ng damuhong ito.

Ang hindi ko lang lubos maisip, kung bakit dito pa talaga sila nagwelcome party para kay ma'am Alexa. Puwede naman doon sa bahay ng parents nila diba? Hmmm paki ko ba! Mabuti na rin 'yun, atleast nagkaroon ng ganoong okasyon dito, para kahit papaano ay nagkaroon din ng ingay ang bahay pansamantala.

Para naman hindi mapagkamalang haunted house!

Pagkatapos kong ligpitin lahat ng iba pang mga dapat ligpitin, ay binalikan ko si sir Lexus sa kwarto niya.

It's already 2:30 in the morning. Puyat na naman ako nito bukas.

Pagkapasok ko ng kwarto ng amo ko ay kumuha ako ng bimpo at maliit na planggana na may tubig sa banyo niya, para punasan ang lasing na unggoy na gwapo na 'to! Tss! Artista ba talaga 'to? Nakakadiri kung malasing parang taga iskwater lang din.

Hinubad ko muna 'yung pang-itaas na polo niya at sinimulan ko na siyang punasan.

Shit na malagkit ang sarap ng pandesal. Nanginginig pa ang mga kamay ko kapag dumadapo ang kamay ko sa balat niya.

Touch by touch you're my all time lover! Skin to skin, come under my cover! Charoot!

After ko siyang punasan, ay pinalitan ko siya ng damit na kinuha ko kanina sa closet niya. Hmmm napaka gwapo pala nitong bossing ko sa malapitan. Ang perfect ng shape ng mukha, mahabang pilik-mata, pointed nose at kissable lips.

Napabuntong-hininga ako nang mapagmasdan ko ang gwapong mukha ng amo ko. Gwapo sana, masama naman ang ugali. Napakaamo ng mukha niya habang natutulog. Parang ang sobrang bait, pero nasa loob naman pala ang kulo. Wala na siyang ibang ginawa kundi insultuhin ang pagkatao ko.

I know, I already feel something for him. Hindi ako masasaktan ng ganito kung wala akong nararamdaman para sa kanya. Pero sigurado naman akong wala akong makukuhang kapalit sa nararamdaman ko para sa kanya e.

Sino nga lang ba ako? I'm just an ordinary housemaid. At siya, artista! Anong magiging laban ko roon? Tss! Natural wala, kaya manahimik nalang.

Kinuha ko ang cellphone ko at click! Picture souvenir ko nalang sa kanya.

Nakawan ko kaya ng halik ang isang 'to? Kinikilig ako sa naisip ko.

Why not, diba? Lasing at tulog naman 'to, hindi niya malalaman na hinalikan ko siya diba? Yeyyy kinikilig ekey.

Kahit papaano ay mahahalikan ko siya. Okay lang na hindi niya ako magugustuhan, ang importante mahahalikan ko siya nang hindi niya malalaman!

Haha! Salbahe!

Eh natural, lubos-lubusin na para kuntento!

Dahan-dahan akong dumukwang para maabot ang lips ni sir. Bahala na! Swerte pa nga siya dahil siya ang magiging first kiss ko. Hehe

Nang lumapat ang mga labi ko sa mga labi ni sir, shit parang may nakakawalang paru-paro sa tiyan ko. Ang lambot ng labi niya infairness! Hay! Sarap! Pero tama na baka magising pa ang isang 'to.

Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa batok ko at mas idiniin pa ang labi ko sa mga labi niya.

Fvck! Nanlaki ang mga mata ko nang biglang gumalaw ang mga labi ni sir.

Omaygad!!

Kumawala ako sa pagkahawak niya pero, bigla niya akong kinabig kaya napatumba ako at napayakap sa kanya. Shit na malagkit! Ma-rape ko nang wala sa oras ang lasing na 'to e.

Napatingin ako sa kanya nang lumuwag ang pagkayakap niya sa akin.

Awkward ang naging posisyon namin. I'm on his top at nasa ilalim ko siya. Nakakahiya!

Dahan-dahan akong umalis mula sa ibabaw niya at mabilis na naglakad paalis sa kwarto. Pero bago pa man ako makalabas ng kwarto niya, ay narinig ko ang boses niya.

"Why did you kiss me?" parang bala ng M-16 na rumaratrat sa tainga ko ang mga tanong na 'yun.

Pinagpawisan ako ng malamig. Nakapagdasal nalang ako na sana matabunan nalang ako ng lupa. Bwisit!

"Face me! And answer my question!" dagdag pa niya.

Patay! Matatanggal na kaya ako sa trabaho?

Dahan-dahan akong humarap sa kanya sabay ng sunod-sunod na paglunok ko ng laway ko. He looks so serious while staring at me. His gaze is horrible.

"Ah-ehh..." natataranta kong sagot. Feeling ko hindi makagalaw ang dila ko eh.

"What? Bakit mo ako hinalikan?" pasigaw niyang tanong. Napaigtad ako sa gulat dahil sa sigaw niya. Bwisit talaga! Nakakainis!

"Naku naman! Paano kita masasagot nang maayos kung sinisigawan mo ako. Ano ba naman 'yun sayo kung hinahalikan kita? Pasalamat ka nga ikaw ang nakakuha ng first kiss ko eh!" natatarantang saad ko.

Bwisit ano bang pinagsasabi ko? Anong sasabihin ko, eh na kaya ko siya hinalikan dahil may gusto ako sa kanya? Nevaaa!

Jusko! Pinanlalakihan niya ako ng mga mata. May mali ba sa sinabi ko?

"Now tell me, why did you kiss me?Sagot!"

"Ah-ehh a e i o u, ba be bi bo bu.." wala sa sariling sagot ko sa kanya dahil natatakot na talaga ako. Masesante ako nito e, juskopo Lord..

Mas lalo niya akong pinanlalakihan ng kanyang mga mata halatang nagtitimpi lang siya. Bigla siyang umalis sa kama niya at dahan-dahang naglakad papunta sakin.

Paktay baka sakalin ako nito e.

Our father, who art in heaven hallowed be your name thy kingdom come.. dasal ko pero hindi ko natapos nang maramdaman ko ang pader sa likod ko kakaatras dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.

"Now, ayaw mo pa rin bang sabihin kung bakit mo ako hinahalikan?" sabi niya habang ang mga mata nya'y nakapako sa labi ko.

"Kasi..ganito yu....." hindi ko na natapos ang sasabihin ko because his lips touches mine.

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum