Mahal na ata kita <3

445 7 0
                                    

MACKOY'S POV

Nandito nga pala ako sa bahay nagpapahinga.

Sarap ng buhay :)

*DING DONG*

*DING DONG*

*DING DONG*

Kakasabi ko lang eh! -_-

"Sandali lang!" sigaw ko habang palapit dun sa pinto.

Istorbong Bwisita! -_-

Binuksan ko.

"Pwede patulong?" tanong ni JD.

Parang alam ko nanaman ipapatulong neto.

Hayyyy.

Nag nod ako tapos pinapasok ko na siya.

"Napadalaw ka ata? Haha." sabi ko. sabay tayo.

"About kay Alex." sabi niya.

"about kay Alex? ano meron? Haha." sabi ko sabay inom ng tubig.

"Liligawan ko siya." WHAT? O_O

Muntikan ko mabuga yung iniinom kong tubig.

"Ayos ka lang pre?" tanong ni JD.

Sa tingin mo? Okay ako? Liligawan mo yung taong mahal ko sa tingin mo magiging okay ako? Stupid.

"Lili-liligawan?" nauutal kong tanong.

"Oo. Haha. baka kase may mauna na eh." sabi niya.

Ikaw nga nanguna eh. -_-

Ang sama ko namang bestfriend. Haha.

Papayag ba ako?

Tutulungan ko ba si JD ligawan ang taong mismong mahal ko?

Ipauubaya ko na ba siya?

Kakalimutan ko na ba na siya yung taong mahal ko?

At higit sa lahat.

Kakayanin ko ba?

Kakayanin ko bang makita silang magkasama?

Na dapat ay ako?

Hahayaan ko na ba siyang makitang masaya sa iba?

At hindi ako yung dahilan nang mga ngiting bibitawan niya?

YAN!

Yan ang mga tanong ngayon sa utak ko!

Dami no?

Ano ba isasagot ko?

Tutulong ba ako?

Heto nanaman tayo utak at puso eh!

Ang gulo niyo eh!

Sabi ni utak...

Tuluungan mo na. Diba sabi mo dati susubukan mo siyang mahalin bilang bestfriend na lang? Kaya tulungan mo na yung bestfriend mo.

Sabi ni puso...

Kakayanin mo ba makita ang taong mahal mo masaya sa iba? Kakayanin mo ba makita silang masaya? At higit sa lahat. Kakayanin mo bang malaman mo na iba ang mahal nang taong mahal mo?

O diba! Ang gulo! -_-

Nakapagdesisyon na ako.

"Sige." sabi ko. sabay yuko.

Aray.

Sabi nila...

Minsan mas maigi pang sundin mo nalang ang isip mo kesa sa puso mo.

Tara! Laro tayo! Taguan ng feelings!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon