Chapter 1: My Imaginary Friend

1 0 0
                                        

Naikwento sakin ng mga kapatid ko na ako daw ay may imaginary friend nung ako ay bata palamang. Alam ko naman sa sarili ko na meron talaga akong nakakausap at nakaka laro noong bata palamang ako. Nasa isip ko lamang sya at dahil nga bata pa ako ay hindi ko na maalala ang kanyang mukha. Pangalanan nalamang natin ang imaginary friend ko ng "Jas". Si Jas ang lagi kong kalaro nuong bata palamang ako, dahil nga hindi ako masyadong lumalabas noong ako ay 3 years old palamang ako ay laging nasa bahay at sya ang lagi kong kalaro.

Binibilhan ako ng barbie ng aking mama at dahil hiwalay na ang aking mga magulang binibisita ako ng aking papa paminsan minsan. Simula umaga hanggang gabi ako ay nag lalaro sa sulok ng aming kuwarto, minsan ay nagugulat nalamang ang aking mga kapatid dahil ako ay may kinakausap pero wala man lang silang nakikita na kalaro ko. Minsan ay natatakot na ang aking mga kapatid sakin dahil baka masama ang aking imaginary friend.

Para sakin ay normal lamang ang lahat, gigising at makikipag laro sa aking kaibigan at matutulog ng walang pag aalinlangan. Hanggang sa isang araw ay may nakilala akong isang bata na kasing edad ko. Ang pangalan nya ay "Yna". Sya ay naging kaibigan ko, lagi kaming mag kasama at nakalimutan ko na ata na mag laro mag isa at kausapin ang imaginary friend ko.

Palagi kaming mag kasama ni Yna. Sya ang kaaway, kapatid at kaibigan ko. Kami ang laging mag kakampi sa lahat ng laro, hindi kame pwedeng mag kahiwalay at hindi kame pwedeng mag ka laban.

"Labas mo mga barbie mo Jan." Sabi ng aking kaibigan na si Yna.

"Hintayin mo ako at kukunin ko lahat ng aking laruan." Sagot ko sa kanya.

Kami ay masaya laging nag lalaro. Hanggang sa isang araw ako ay nagiging sakitin. Kaya naman ako ay nakukulong ulit sa bahay namin dahil hindi ako pwede lumabas dahil nga sa aking sakit kaya naman ako ay nag lalaro nalamang mag isa. Ang buong akala ng aking mga pamilya ay kinakausap ko lamang ang aking sarili o ang barbie na aking hawak, pero ang hindi nila alam ako ay may isang kaibigan na nabubuo sa isip ko lamang at hindi makikita ng kahit sinoan kundi ako lamang.

Isang araw nakita ako ng aking kaibigan na si Yna, akala nya na ako ay may kalaro pero ng pag tingin nya ay kinakausap ko lamang ang barbie na hawak ko at tumitingin sa harap ko na parang may kinakausap.

"Sinong kausap mo?" Ang kanyang pag tatakang tanong.

"Wala nag lalaro lang ako mag isa." Ang sagot ko sa kanya.

Nasa isip ko lamang si Jas. Alam ko ang itsura nya sa isip ko pero hindi ko din sya nakikita ng personal kundi sa isip ko lamang nabubuo ang kanyang anyo. Hindi sya multo, hindi rin sya patay. Ako ang bumuhay sa kanya sa pamamagitan ng isip ko lamang.

"Bakit ka nag lalaro mag isa na may kinakausap?" Ang tanong pa nya sakin.

"Kinakausap ko lang yung barbie ko." Ang sagot ko sa kanya.

Kahit ako alam kong wala akong kalaro na nakikita, pero sa isip ko meron ako isang kaibigan na ang pangalan ay Jas.

Nagtaka ang kaibigan kong si Yna, hindi ko nalamang sinabi sa kanya na may imaginary friend ako dahil nuong araw na yon ay bata pako at hindi ko pa alam ang salitang imaginary friend. Ang alam ko lang ay hindi kelan man nila makikilala ang kaibigan kong nasa isip ko lamang nakikita.

Dala dala ko na si Jas hanggang sa ako ay pumapasok na sa kinder. Pag ako ay napag iisa lamang kinakausap ko si Jas sa isip ko lamang. Madami akong tinatanong sa kanya, kung bakit ang ibang bata ay umiiyak pag iniiwan sila ng kanilang ina, at kung bakit may isang babae na pilit kameng tinuturan kahit na hindi naman nakikinig ang iba samin.

Kaya naman simula ng bata palamang ako ay natutunan ko ng maging palaisip, tignan ang paligid at pag masdan ang ng yayari sa mundo. Dito ko din na tutunan na basahin ang utak ng isang tao, nalalaman ko ang ugali nila, ang gusto nila, at kung pano sila paamuhin. Hindi naman lahat ng tao mapapasunod o mapapaamo, pero nakakaya kong mabasa ang kani kanilang ugali. Dahil na din siguro ito sa imaginary friend ko na lagi kong kausap at lagi kong tinatanong.

Ang Kwento ng Pangatlong MataStories to obsess over. Discover now