CHAPTER 2 ~ Alien ~

Start from the beginning
                                    

Ngiting-ngiti siya na parang proud na proud sa ginawa niya. Alanganin na ngumiti ako at tumango-tango. Minsan may pagkaweird din tong si Hade.

Kung sabagay wala naman atang hindi baliw na tao dito sa The Camp. Parang zombie virus lang yan..super nakakahawa. At san nag simula ang virus?

baka kay Craige since alien naman siya.

"Wag mong kausapin yan at baka malason ka."

Nginitian ko lang si Quin at nilagay ko na sa gilid yung box. May kukuha non mamaya. Pumasok na ako sa loob bago pa ako maipit na naman sa alien communication nila ni Hade.

Pag pasok ko sa loob naabutan ko si Yale na lumabas ng kusina na may dalang box. Inilagay niya yon sa counter at ipapadeliver na sana niya sa isang agent pero nakita ko yung pangalan.

mabilis pa sa alas kwatro na kinuha ko yon.

MABUHAY!

This is my lucky day!

Nakasulat don sa maliit na papel yung pangalan ni Craige. Nginitian ko si Pierre na siyang dapat magdadala non kay Craige pero nginitian ko siya ng matamis.

napailing na lang siya.

"Hey Thea."-yale

"O?"

"Kamusta naman ang indirect kiss-"

tinakpan ko yung bibig niya at hinila ko siya papunta sa kusina. Pinakawalan ko siya ng nasa loob na kami at inabutan ko siya ng hinablot ko na sandok.

"Shh! mag luto ka na lang kung hindi iihawin kita! Nakit mo yung...yung.."

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Where stories live. Discover now