Chapter 2

5.6K 129 84
                                    

Chapter 2

BAKIT? BAKIT?! Ilang beses kong tinatanong sa isip ko kahit sinabi na niya 'yung rason. Pero BAKIT? Bakit hind na niya ko mahal? Ano bang ginawa ko? Pumanget ba 'ko, naging masama, masyadong isip bata, boring kasama? Ano ba'ng tumatakbo sa isip niya at nakipag-break siya sa'kin ng ganu'n? Anniversary pa namin! One year na kami, ni hindi man lang niya ko binigyan ng second chance. Ni hindi man lang niya hinayaang magprogress pa 'yung relationship namin!

Nakakainis! Nakakainis! Pero nakakaiyak... nakakaiyak kasi kahit anong inis o galit ko dito, wala na kami. Tinapos na niya kung anong meron kami.

Pinunasan ko ang mga luha ko at naghanda nang pumasok sa school. Wala akong gana pero kailangan. Ayokong matulad kay Kuya na umabot pa ng limang taon sa university namin. Tsaka magl-law pa 'ko. Madami pa 'kong pangarap sa buhay. Hindi siya kawalan sa'kin.

Pero the fact na...wala na siya... na hindi na kami magsasama sa school tulad ng dati...kakain ng sabay...uuwi ng sabay... kaya ko kaya?

Pagkababa ko, may naririnig akong malakas na iyak—si Mommy, for sure. Nasa kusina siya, hindi nagluluto kundi umiinom ng alak. Palagi namang ganito ang scenario sa bahay.

"Mommy, umagang umaga yan na inaatupag niyo." Sabi ko sabay hila ng basong iniinuman niya.

"Wag...wag mo kunin 'yan...kailangan ko niyan..." pakiusap niya at pilit na inaabot sa'kin 'yung baso.

Minsan naiisip ko na talagang ipa-rehab na 'tong si mommy.

"Hindi pwede. Hindi ka pa nga po kumakain ng kahit ano eh."

Tumayo siya at may hinalungkat sa mga drawers. May tinatago pa pala siyang mga alak. Akala ko natapon ko na lahat.

"Mommy ano ba! Tigilan niyo na 'yan, please!" sigaw ko at inagaw ulit sakanya yung bote.

"Hindi pwede...akin 'to... Umalis ka na lang... wag mo na 'kong pakialaman..." muli nitong iyak.

Bakit pati eto kailangan ko pang harapin?

"Mommy! Naiintindihan niyo ba 'yang sinasabi niyo? Nagpapakalakas ako para sa inyo! Kaya ko kayo pinapakialaman kasi mahal ko kayo, tapos pinapaalis mo ko?! Si Daddy lang ba ng pamilya mo? Hindi mo ba narealize na sa ginagawa mo, nawala ka na din samin ni Kuya...nawalan kami ng Mommy!"

Hindi ko na napigilan yung inis ko kaya kahit lasing siya, sana kahit papaano naintindihan niya 'yung sinasabi ko.

"Sorry...sorry... hindi ko alam..." Akala ko titino na siya nung lumapit siya sa'kin... akala ko yayakapin na niya 'ko... pero yung bote ng alak lang pala 'yung gusto niya. "Kahit ngayon lang, kailangan ko 'to."

Napaiyak na lang ako sa kalagayan niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Siguro nga dapat ko nang sabihan si Tito na ipagamot si Mommy.

"Alis na po ako..." Sinabi ko na lang at lumakad paalis. Gaya ng dati, dedma lang na parang walang bagong nangyayari—na parang sanay na'ko.

Nakaramdam ulit ako ng lungkot pagkalabas ko ng gate namin. Iba kasi 'yung pakiramdam na wala na palang susundo sa'kin. Ako na lang pala mag-isa pupunta ng school.

"Annie?" narinig kong may tumawag sa'kin. Si Paul. Oo nga pala, ilang lakad lang 'yung bahay niya mula sa'kin, so malaki ang chances na magkakasalubong talaga kami.

Seeing him makes me happy—but a thousand times sadder.

"Ah, hello. Bakit naglalakad ka lang? Wala 'yung sasakyan mo?" I tried my best to look happy.

"Pinaayos ko eh... kahapon pa nga may sira. Teka, umiyak ka ba?" Tanong niya. Hay, bakit pa kailangan niyang mapansin 'to?

"Hindi ah," Wala akong mahanap na excuse. Namamaga din kasi yung mata ko, so halata ngang umiyak ako since kagabi.

Let's break up. (To be published under REEDZ-PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon