Natawa tuloy si Mr. Rommel.



Lechugas kayong dalawa.



"Sige po" Like I have a choice here.



Nakakahiya na hindi pa ko pumayag.

Naka-oo na ko eh.

Dalawang beses pa.

Mapapahiya si Mama kay Sir Rommel kapag umatras ako.



Ang malas ko!!! Sobrang malas!!!



"Well then, I think you can start na today"

Tumayo na ko and kinamayan pa ko nitong presidenteng mukhang ewan na ito.

Ni-lead pa ko ni Gino papalabas ng office ni Sir.



Kunwari gentleman. (-_-)

"Never thought na ikaw pala magiging tutor ko" Sabi niya habang naglalakad kami sa hallway.

"I never thought too"

"I think this will be fun" Biro niya.



I stopped walking tapos tumingin ako sa kanya.



Kung inaakala mong magiging masaya ito, well nagkakamali ka.

Dahil pahihirapan talaga kita.

Tatadtarin kita sa STUDIES mo!

Makakaganti na rin ako sa wakas!



"Yeah. I agree. Books are fun" Tapos naglakad na ulit ako.

"BOOKS?"



Parang nagulat pa siya. Wahaha.



"What do you expect? Look Gino, I'm your Tutor. That means you have to deal with Books when you're with me"

"Ugh"



Okay. 1 point for me!



Ni-lead niya ko papunta sa parking lot.

Wala ng katao-tao dito kaya hindi na ko nahiya na kasama ko siya.

Top-down black car pa gamit niyang car.



"Upo na" Utos niya.

Punyemas talaga toh. Kung makautos eh!

Tsss.



Umupo na ko sa may passenger seat tapos nakita kong kumunot yung noo niya.

"Hoy. Ano ako? Driver mo? Dito ka umupo sa shotgun seat"

"Ang arte mo Gino"

"Mas maarte ka"





Bakla talaga toh. Napatol eh!

Psh. Bumaba na ko ng kotse niya tapos nagulat ako nung umandar yun.

Tumigil din naman kaagad dun sa may gate tapos tawa siya ng tawa.



"Sakay na! Ang bagal eh" Sigaw niya.

Mamamatay na ako sa pangaasar niya.

Kabwisit!





Naglakad na ko papunta sa kotse niya tapos sumakay na ko.

Bigla naman siyang nag-drive ng sobrang bilis.

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon