Chapter Two

266 14 37
                                    

«»«»«»«»«»

"Monica! Monica!"

"Si--sino ka?"

Pamilyar sa akin ang boses na iyon.

"Nasaan ka? Ba--bakit hindi kita makita?"

"Sino ka? Nasaan ako?"

"Sandali, huwag kang umalis. Dito ka lang!"

"Monica, Anak!" May malamyos na tinig akong naririnig ngunit may pag-aalalang mahihimigan sa boses niya. Kung hindi ako nagkakamali kay Mama ang boses na iyon. Pero bakit?

Unti-unti kong iminumulat ang akin mga mata. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kirot o panghahapdi sa mukha.

"A--anak! Mabuti naman gising ka na. Pinag-alala mo ako ng husto," saad ni Mama nang mabungaran ko ang maamo niyang mukha.

Nababanaag ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Tila naluluha pa si Mama dahil parang may namumuong luha sa mga mata niya habang dahan-dahan hinahaplos ang akin buhok. Hinahaplos din ni Mama ang akin mga braso dahilan para ako ay mapangiwi.

"A--aray! Na--nasaan po ako Mama? Ano po bang nangyari?" tugon ko kay Mama. Inilibot ko ang akin paningin sa buong paligid.

Napansin ko na ang mga pader ay kulay puti. Ang kamang hinihigaan ko ay may kutson na katamtaman ang kapal at may nakapatong na puting pansapin. May naamoy ako na tila gamot para sa mga pasyente mula sa isang hospital. Tama! Sa tingin ko ay nasa hospital ako ngayon. Pero bakit nga ba?

"Naku, pasensiya na Anak! Hindi ko sinasadya."

"Nasa hospital ka ngayon Anak. May nagdala sa iyo rito na isang Ginoo ngunit hindi ko nakilala o nakita man lang ang mukha niya. Tanging ito lamang ang iniabot sa akin ng isang nurse dahil ito ay ipinaabot noon taong nagdala sa iyo rito." Mahinahon pagpapaliwanag ni Mama sa akin habang ako naman ay nirerewind sa isipan ko kung ano ba ang mga nangyari sa akin bago ako mapunta sa hospital. Napatingin din ako sa isang tila maliit na card na hawak-hawak ni Mama.

«»«»«»«»«»

"Tumabi ka riyan!"

Nakarinig ako ng singhal pero bago ko pa matingnan o malaman kung sino ang suminghal ay naramdaman ko na lamang na tila may malakas na puwersa ang tumama sa likuran ko dahilan upang mawalan ako ng panimbang at mapasubsob sa lupa.

"A--aray!"

"Naku po! Iyon babae!" Mga naririnig kong sambit ng mga tao sa akin paligid. Naramdaman ko rin na tila mahapdi ang akin mukha kaya naman napahawak ako sa may bandang pisngi at nakita ko sa aking mga daliri ang tila bahid ng dugo. Naramdaman ko rin ang bahagyang pamamanhid ng mga braso ko dahil tila kumaskas ito sa isang magaspang na bagay.

"A-ano bang nangyari? Ang--ang sakit ng mga braso ko at pisngi. Ano ba iyon bumangga sa akin?" saad ko pero tila bumubulong ako habang sinasabi iyon.

"Hey, Miss! Ayos ka lang ba?" Baritonong boses ang nakaagaw pansin sa atensiyon ko kaya naman napalingon ako at nakita ang isang bulto ng katawan.

Nakasuot ito ng tila isang business suit. Nais ko sanang tingnan kung sino ang nasa harapan ko ngayon subalit bigla akong nakaramdam ng hilo.

My No Girlfriend Since Birth Boss [Bakit Kaya?] Book 01 (Completed)Where stories live. Discover now