Chapter 17

11 1 0
                                    

Push

"Bye Clara! pasok na ako sa loob" paalam ni Melanie. I just nodded. Iniligtas niya ako kanina sa isa na namang kahihiyan. Nang isigaw ni Anton ang buong pangalan ko, hinigit ako ni Melanie palayo. Hindi ko na rin tinanong kung paano at ano ang nangyari sa kasama niyang si Loki. Like I care. Umuwi kami ng matiwasay. And as for this day, I realized that I should keep Melanie's company. Though, nakakairita siya madalas but I think I can handle her. Bukod kasi sa ibang kabataan dito na kaedaran ko lang, siya lang ang may lakas ng loob na sirain ang araw ko.

Starting today, I will try to be nice with her. Kumaway muna siya bago tuluyang pumasok.

Nang tumingin ako sa gawi namin ay napangiwi ako. May maliit na sira ang gate namin! gawa pa naman ito sa kahoy. Kinabahan tuloy ako. Baka may sumugod na magnanakaw dito sa loob!

"Tita! nandito na po ako" Maaliwalas ang lawn area nang madatnan ko pero pagpasok ko sa salas ay nagulat ako. May mga basag na bubog, nagkalat ito sa sahig. At hindi lang 'yon, si Tita! nakaupo doon. "Tita!" Mabilis ko siyang dinaluhan. May nakita rin akong sugat sa mga kamay niya. Dumudugo ito! gusto kong masuka pero pinigilan ko ang sarili. "T-tulong! Tita, ano'ng nangyari dito? B-bakit" nagitla ako nang bawiin niya ang kanyang kamay mula sa akin. "T-tita" mahinang usal ko.

"Wala ito, malayo sa bituka. Kumain ka na ba?" Pag-iiba niya ng topic. Naguguluhang tinignan ko siya.

Why is she acting like this?

"Tita please, kung ano man ang nangyari you can tell me... We're... We're family right?" Pagsusumamo kong sabi sa kanya, ngunit imbes na sumagot ay tumayo siya at kinuha ang walis. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa habang ako, pinapanuod lang siya. Nanghihina ako, hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyayari. Isang malaking palaisipan sa akin kung bakit siya nagkakaganito.


"Kung tapos ka nang kumain, you go upstairs. Magpalit ka na at matulog, aalis pa ako mamaya" aniya at tulinalikuran ako.

Posibleng may alam ang mga kabitbahay namin sa nangyari kanina. Sila nalang siguro ang tatanungin ko. Kadalasan kasi, mas may alam pa ang kapitbahay kesa sa may-ari ng bahay sa mga nangyayari. At kahit na labag sa loob ko, umakyat ako sa kwarto.

Iniwan ko siyang nag-iisa. Maghihintay ako, maghihintay akong dumating ang araw na sabihin niya lahat. Handa ako.

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. May narinig akong kalabog sa baba. Bumangon ako at nagmadaling sinuot ang tsinelas. Dahan-dahan kong binuksan ang ilaw sa salas.

"Oh my god!," naibulalas ko nang makita ang nangyari. "Ano'ng nangyari sa kanya?!" Tumambad sa akin si Tita na nakahiga sa sofa at may nakadagang lalaki sa lap nito!

They weren't doing anything hilarious pero nakakakilabot ang eksenang nadatnan ko.

"H-hey! Relax kid, she was wasted and I offered her my help but she insisted. Wala siya sa matinong pag-iisip. The next time na maglalasing ang ate mo, samahan mo. Delikado na ngayon, pasalamat siya't gwapo at mabait ang nagmagandang loob na tulungan siya" hindi makapaniwalang tinignan ko siya mula ulo... hanggang sa paa. Nag-uumapaw nga ang ka-gwapohan at kakisigan nito pero ganoon din ang kayabangan.

Pilit niyang inaalis ang kamay ni Tita na nakaakbay parin sa kanya hanggang ngayon.

Nakasuot ito ng itim na leather jacket. Faded blue jeans naman ang suot nito sa baba. Bad boy na bad boy ang dating.

"Salamat. Pwede mo na siyang iwanan dito" I really thought it's her customer! Ang bata-bata pa nito! sa hula ko ay ilang taon lang ang tanda nito sa akin. I'm sure of it! Mga kaedaran lang ni Loki. "And one more thing, hindi ko siya ate. She's my.. Tita"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Triumph of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon