"And you're still bitter," he said habang tinuturo niya ang black coffee ko.

Tinaas ko ang cup ng kape ko and I sip, "I still like bitter coffee, but I am better now."

Napangiti siya sa sinabi ko, "that's great. So...how are you?"

"I'm good. Work in progress na yung café ko. Pag nag open, punta ka ha?"

"Nice... nice! Dream come true?"

Inangat ko ang tingin ko sa kanya then I smile and I nod as an answer.

"How about... how about him?" he asked. "Nag kabalikan ba kayo or...?"

Napayuko ako at inilapag ko yung tasa ng kape sa lamesa.

"Kaya ka ba umorder ng chocolate cake kasi gusto mong maki-chismis sa lovelife ko?" pagbibiro ko.

"Uy hindi ah. Namiss ko lang talaga yung chocolate cake. Ikaw talaga judgemental ka pa rin hanggang ngayon. Na curious lang din ako kaya nagtanong ako."

Napatawa ako sa reaction niya, "joke lang! Masyado ka pa rin seryoso. Anyway, nagkabalikan ba kami? Hmm.. Nag try siya bumalik pero ako naman yung umayaw."

"Wait.. what? Why?"

"Alam mo yung sa tagal niyang maging okay naka move on na ako sa kanya? Hindi ko na kayang bumalik sa relationship. Tinry ko naman, eh. Nag start ulit kami bilang magkaibigan. Lumalabas labas. Pero the more na nakakasama ko siya, the more na narerealize ko na wala na talaga. Maybe our relationship is really bound to end. It's sad, but at the same time, nandoon na rin sa akin yung excitement sa thought na baka nga may mas better pa."

"Are you happy right now?" he asked.

"I admit there are still times na nalulungkot ako. Nakakalungkot naman talaga mag-isa. Tapos namimiss ko pa rin siya. Pero mas lamang na sa akin ngayon yung pakiramdam na masaya akong mag-isa."

"Well, ayun naman ang importante 'di ba?" sabi niya. "You're healing. Kasama man siya o hindi."

I agreed, "eh ikaw? Kumusta naman."

Napangiti siya nang malawak, "well actually...."

"Kaden!"

Pareho kaming napatingin sa babaeng tumawag sa kanya.

I saw a pretty girl in a pink dress walking towards us. Napatayo naman si Kaden para salubungin siya.

"Issa, here," tawag niya dito.

Yumakap yung girl kay Kaden bago niya ako tignan.

"Oh, Issa, this is Peach. Yung tinutukoy ko sa'yong best pastry chef sa balat ng lupa. Peach, this is Issa, my fiancée."

Nagulat ako sa sinabi niya, "fiancée? Omg you're engaged?" I asked excitedly.

"Yeah," sagot ni Issa habang ngiting ngiti. "Kaden told me about you and sa'yo pala siya umoorder ng cake dati? Actually ako ang nag sabi sa kanya na i-contact ka kasi.. well, if it's okay with you, we want you to make our wedding cake."

My eyes lit up nang marinig ko ang sinabi niya, "of course I would love to!"

"Yehey!" masayang sabi ni Issa. "Oh, wait I'll just go to the restroom then we can discuss the details?"

"Sure. Go ahead."

Nung makaalis si Issa, hinampas ko sa braso si Kaden, "hindi mo sinabi sa akin agad na engaged ka na!"

Natawa siya, "sorry. Na surprise ka ba?"

"Oo gago ka! Oh my god ikakasal ka na!" ngiting ngiti kong sabi. "Teka.. siya ba yung hiniwalayan mo noon?"

Tumango siya, "yep. That's her."

"Wow. Binalikan mo at tinaggap ka pa rin."

"Wala, eh. By the end of the day, mahal ko pa rin. Nakapag isip ako, salamat sa Baguio. Siguro kinailangan ko lang talagang huminga 'non. Kinailangan ko lang din ayuisn ang sarili ko. At ganun din siya. After that, nung nag usap kami, nilatag namin lahat nang naging mali sa relasyon namin and we tried to work it out. She promised me na i-co-control na niya ang temper niya at mag bababa na siya ng pride. I promised her na I'll be more open sa mga gusto ko. It wasn't easy. Nandoon pa rin yung misunderstanding at tampuhan. 'Di naman siguro maiiwasan yun. But by the end of the day, pinipili pa rin namin ang isa't isa."

Napangiti ako sa sinabi niya, "happy ka?"

Tumango siya, "sobra. Maybe we are bound to be together."

Napahinga ako nang malalim, "hay medyo nainggit ako doon. For a moment parang gusto ko na ulit ng jowa. Pero enjoy muna akong maging single. At least isa sa atin naging matagumpay."

"Uy grabe anong isa lang. Naging matagumpay ka rin naman ah?" sabi niya. "Pinili mo na sarili mo."

"Gusto ko yan," nakangiti kong sabi. "So i-invite mo ba ako sa kasal niyo?"

"Oo naman! Ikaw nga gagawa ng cake eh."

"Push!" sabi ko sabay kuha ng cup ng kape ko. "Cheers muna tayo."

Inangat niya rin ang tasa ng kape niya, "on being better?"

"On being better."

~ FIN ~

~ FIN ~

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.
Tara Kape?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant