PANAGINIP

5 0 0
                                        

SAMANTHA's P.O.V.

"Magpakatatag ka, hindi sa lahat ng oras nandito ako para madamayan ka. Malapit na 'kong mawala, Sam. Ayokong nakikita kang ganyan."

Niyakap ko sya ng mahigpit, na parang wala ng bukas. Namiss ko 'to. Sobrang namiss ko 'to. Ayoko ng kumawala sa yakap na 'to.

"Sam, aalis na 'ko. Magpakabait ka ha? 'Wag na 'wag mo ng iisiping saktan ulit sarili mo."

Isa isang pumatak ang luha mula sa aking mga mata, kasabay nito ang unti unti nyang pagbitaw sa yakap ko.

"Vince. 'Wag mo ko iw-"

*biglang tumunog ang paborito kong kanta (Rainbow by South Border)*

Alarm ko pala 'yon. Minulat ko ang aking mga mata, panaginip lang pala 'yon. Pero ang sakit, bakit ganun? Hanggang ngayon ang sakit parin.

WHAAAAAAT??? 6:30 NA??? Kailangan ko ng magmadaling kumilos. Malelate na naman ako neto.

Dali dali akong tumakbo papunta sa aking banyo at nagsimula ng maligo. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at kumain lang ng limang subong kutsara. Wala parin akong ganang kumain hanggang ngayon.

Habang nagaayos ako ng aking mukha, nakakatitig lang ako sa salamin ko na may litrato ni Vince. Ang gwapo nya. Nakangiti. Miss ko na si Vince.

"Samantha!!!! Anong oras na, hindi ka pa ba papasok??!!"  - sigaw ng mommy ko.

"My, eto na po. Paalis na." - sagot ko sa kanya.

Kinuha ko ang aking bag at tumakbo na ko palabas ng bahay.

Naku naman! Malelate na 'ko!! Wala pang tricycle!!

"Sammy!!!" sigaw na nagmumula sa aking likuran habang ako ay naglalakad.

Si Primo pala. Tropa ko.

"Uy primo!"
"Wala kang masakyan 'no? Tara sabay ka na."

At pumasok na ako sa auto ni Primo. Ayokong malate 'no.

"Late ka na ata ngayon Sammy?" - ewan ko kung tinatanong niya ako or sinasabe nya lang.
"Oo nga e, napasarap tulog ko e. Ganda ng panaginip ko."
"Si Vince na naman napanaginipan mo 'no?"

Ngiti lang ang sinagot ko sakanya.

Dumating na kame sa school, pinauna na ako ni Primo kase magpapark pa daw sya.

FF >>>>

Buti nalang hindi pa ako late, wala pa ang teacher namen pagdating ko sa room.

Pagpasok ko palang ng room, ang lungkot na. Hindi 'to ganto dati. Pero bakit ganto? Parang ang lungkot ng buong paligid.

Bago pa 'ko makarating sa upuan ko, sinalubong na ako nila Chelseah, Nathan at Gio.

"Wow naman Sec. (short for Secretary), late ka na pumasok ngayon ah. Buti nalang wala pa si Mam Apostol." Sabi ni Gio
"Baka nanood na naman 'yan ng KDrama magdamag." dagdag naman ni Chelseah.

"Oh ikaw tantan (nickname ni nathan)? Baka may sasabihin ka rin?" tanong ko na tila ba nangaasar.

"Baka ano, baka ano, baka..... joke. Wala ako maisip hahahaha pero bakit ka nga ba late?" tanong ni Nathan habang kumakamot ng ulo.

"hindi ako nagpuyat kakanood ng kdrama, mga baliw." sagot ko sa tanong nila.

Dumiretso na ako sa upuan ko, baka mamaya maabutan pa ko ni Mam Apostol. Terror pa naman 'yung teacher na 'yon.

At hindi pa rin tumigil ang mga chismoso't chismosa.

Magkakatabi kame ng upuan nila Chelseah at Gio. Kaya nung umupo ako ay sinundan nila ako at patuloy na nagtanong.

"NAPASARAP LANG TULOG KO!!!" -sigaw ko, naiinis na kase ako. Paulit ulit ng tanong. Ayoko ng magkwento tungkol sa panaginip ko, ayoko ng magkwento tungkol kay Vince.

"Ay sorry naman po. Gusto lang naman po namen malaman po ano po ginawa mo po, kung bakit ka po late po." - pangaasar na sagot ni Gio.

Sinagot ko nalang sila ng irap.

Maya maya pa ay pumasok na si Primo. Nagtataka ako kung bakit sya padiretso sa akin, e hindi naman 'to dito nakaupo.

"Sammy oh." habang inaabot nya sa akin ang isang plastic na hindi ko alam kung anong laman.

Kinuha ko ito at umalis na si Primo papunta sa upuan nya. Ano na naman kaya 'tong pakulo ng mokong na 'to.

Nung nakaupo na sya saka ko binuksan ung plastic. Wow, 🤩🤩🤩 potchi, peppero, milk magic at clover. Mga comy foods ko!!!!! 🤤😍AAAAAAAHHH!! ANG SARAP NAMAN SA PAKIRAMDAM. Hindi ko alam ano irereact ko.

Lumapit ako kay Primo at niyakap ko sya.

"Thankyou bes!" pasasalamat ko sakanya.

"MS. TORRES."

Lumaki ang mata ko ng makita ko si Mam Apostol. Oh no sis. Nakita nya ako na yakap ko si Primo. Lagot na naman.

"Ma a a am." Utal utal kong sagot.

"At bakit kayo naglalampungan sa loob ng silid aralan?" may kasama pa yang pagtaas ng kilay.

"Mam, ano po. Wala lang po." sagot ko. Aba e lampungan agad? Magkayakap lang naman sis, oa naman neto.

Nakakatakot talaga itong teacher naman na 'to. Parang kakainin ako ng buhay. Charot.

"Pwes, ikaw ang magsagot sa board ng ating assignment."

"Sige po mam." sagot ko.

Pumunta ako sa upuan ko para kunin notebook ko sa aking bag at pasimpleng sumesenyas sa mga kaibigan ko.

"Anong assignment????" pabulong kong tanong kay Seah (Nickname ni Chelseah)

Pagkatanong ko sakanya nito ay pasimple nyang inabot ang kanyang notebook. Buti nalang at hindi nakatingin samen si Mam Terror, ay Mam Apostol pala.

Nagsagot na ako sa board mula sa mga sagot ni Seah sa notebook nya.

Nang tapos na ako magsagot ay nagsalita si Mam Apostol.

"Tama naman itong mga sagot mo, Ms. Torres. Ngunit pwede mo ba itong icompute sa board para mas maintindihan ng mga kaklase mong nahihirapan?" sambit ni Mam Apostol.

Wala akong gawang assignment, pero alam ko naman kung paano 'to. Nga pala, simula elementary consistent akong nasa honors list. Kaya naman, basic lang 'to. Nakalimutan ko lang talagang gawin 'tong assignment pero nakikinig naman ako nung tinuturo 'to.

"Ah sige po mam." sagot ko.

At kinompute ko na nga ung assignment sa board.

"Very good Mam Torres. Isa ka parin talaga sa mga magagaling kong estudyante, ang hindi ko lang alam ay bakit simula ng mawala si ---"

Hindi na natapos ni Mam Apostol ang kanyang sinabe.

"Mam!!! Ako din po gusto ko magsagot." singit ni Primo.

Puring puri na naman ako ni Mam Apostol. Terror man pero mabait parin naman, MINSAN.

Mabili natapos ang oras samen ni Mam Apostol. Siguro kase nageenjoy naman ako sa subject nya? 'Wag lang talaga syang masungit o bad mood para okay lahat.

TRUEPAWhere stories live. Discover now