Kabanata 4

182 125 7
                                    

I'm expecting Hans to sit with us, but she just smiled at me and walked away. Seryoso rin ang mukha ng babaeng nasa harapan ko.

Hindi ko siya matitigan ng matagal dahil sa takot na baka bigla na lang niya akong kagatin sa leeg kaya tinuon ko na lang ang tingin sa wine na nasa harap ko. Gusto ko sanang tikman ngunit natatakot ako na baka dugo iyon o kaya ay may lason. Mukhang galit pa naman ang buong angkan nila sa akin at si Hans lang ang medjo friendly.

Napahawak ako sa dibdib nang bigla siyang tumikhim. They won't bite me, but they sure kill me with heart attacks.

"I'm only giving you two choices in this conversation. It's either you answer my question or you die." Walang kaemo-emosyon niyang saad. Sumimsim siya sa wine na hawak at pinagkrus ang mga binti.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Sana man lang sinamahan ako ni Hans dito. Hindi niya ako in-inform na mas nakakatakot pala ang Auntie nila. Alam ko na kung kanino nagmana ang lalaking iyon.

Gusto kong magsalita ngunit parang biglang natuyo ang lalamunan ko at ayaw maibuka ng mga labi ko dahil sa panginginig. Tumango na lang ako bilang tugon. Baka kapag hindi ako sumagot ay bigla na lang niyang sipsipin ang dugo ko.

Mukhang napansin ata niyang na-hot seat ako kaya sumenyas siya sa isang babae. Siya ata ang katulong ngunit naka dress ito ng puti. Agad naman niya akong binigyan ng tubig. Agad ko iyong ininom. Mahal ko pa buhay ko kaya kailangan ko munang maging masunurin.

"So.."

Tahimik lang ako sa aking upuan na parang isang mabait na bata. Nakatuon lang ang atensyon ko sa tao-- bampira pala, na nasa harapan ko.

"Are you the granddaughter of Tandre Gregh Nagalle?"

"O-Opo." Nag aalinlangan kong sagot. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit niya kilala ang lolo ko ngunit pinili ko na lang na manahimik.

"Aren't you wondering why we, vampires exist or you already know about us?"

"H-Hindi.."

Actually, I have a lot of questions about them but I'm too afraid to ask. Ang akala ko dati ay kwento-kwento lang sila. Noong bata ako at nasa LaNgur ay may mga matatandang nagkukuwento na totoo ang mga bampira at nagtatago lang sila, naghahanap ng tamang panahon para mambiktima.

Hindi ako naniniwala noon dahil alam kong panakot lang nila sa amin iyon para hindi lumabas ng bahay at para matulog agad. Hindi ko alam na nagsasabi pala talaga sila ng totoo at hindi gawa-gawa. Hindi ko nga akalaing makakasalamuha ko sila at heto nga't ini-interview ako.

Tumawa siya. Iyong tawang pilit at sarkastiko. Nilagok niya ang natirang wine sa baso at padabog na inilapag iyon sa mesa.

Nang tumingin ako sa kaniya ay nakatingin na pala siya sa akin ng masama. Bakit ba galit na galit sa akin ang mga bampirang ito?

Yumuko na lang ako. Hindi ko namalayan ang paglandas ng aking mga maiinit na luha sa aking pisngi. Nanginginig ang mga kamay ko.

Gusto ko nang umuwi. Hindi na talaga ako magiging pasaway basta pauwiin lang nila ako.

"Your grandfather is a strong man, but he's not that smart to choose you. I wonder why would he choose such stupid girl. Mana ka nga talaga sa kaniya. Parehong bobo." Nakangisi ito habang binabanggit ang mga katagang iyon na parang wala lang sa kaniya na makasakit.

Pinunasan ko ang basa kong pisngi. Nanginginig man sa takot ngunit hindi ko kayang palagpasin ang pangungutya niya sa amin. I know she's stronger and powerful than me, but I can't let it pass.

"Wala kang karapatan para pagsabihan kami ng ganiyan! Ano bang nagawa ko at kung laitin mo kami ay parang mga hayop? Ang laki rin ng galit niyo sa akin eh dapat nga ako ang magalit dahil kahit namumuhay lang naman ako ng tahimik heto kayo't nanggugulo at naghahasik ng lagim!"

Yazmin (COMPLETED)Where stories live. Discover now